wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Review Quiz

Total questions: 20

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang itinuturing ni Donya Teodora na bagay na higit na mahalagang matutuhan ni Rizal noong ito’y bata pa?

a)

Paggalang sa ibang tao

b)

Pananampalataya at pagdarasal sa Diyos

c)

Tamang paraan ng pagsulat at pagbasa

d)

Pagmamahal sa kapwa

2.

Ano ang huling akdang isinulat ni Rizal bagi siya barilin sa Bagumbayan?

a)

Mi Ultimo Adios

b)

El Filibuterismo

c)

Noli Me Tangere

d)

Sa aking mga kababata

3.

Tama! Wala kayong makikitang sinuman sa daigdig na hihigit pa sa ugaling iyan ng mga Indio.” Ang pandak na Espanyol ay nagpapakita ng ugaling _________.

a)

maunawain

b)

mapang-alipusta

c)

mapagbalatkayo

d)

mapagmatyag

4.

Mga ginoo! Iwasan nating makabigkas ng isasama ng loob ng isa’t isa nang wala naming dahilan. Iba ang sinasabi ni Padre Damaso bilang pari kaysa sa kanyang personal na ibig sabihin. Si Padre Sibyla ay _________.

a)

magalang ngunit matatakutin

b)

mabait ngunit may kinakampihan

c)

mapagmahal sa kapayapaan

d)

duwag at takot sa gulo

5.

Sino ang matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayang San Diego

a)

Crisostomo Ibarra

b)

Maria Clara

c)

Kapitan Tyago

d)

Don Rafael Ibarra

6.

Sino ang babaeng nagpapanggap na mestisang kastila?

a)

Pia Alba

b)

Maria Clara

c)

Donya Victorina

d)

Tiya Isabel

7.

Ilang taong gulang si Maria Clara nang siya ay pumasok sa kumbento ng Santa Catalina ayon sa payo ng kura paroko ng Binondo?

a)

nasa pagitan ng labing-apat at labinlimang taon

b)

nasa pagitan ng sampu at labing-isang taon

c)

nasa pagitan ng labintatlo at labing-apat na taon

d)

nasa pagitan ng labindalawa at labintatlong taon

8.

Sino ang naghanda ng isang Pagtitipon para sa pagbabalik ni Crisostomo Ibarra sa Pilipinas?

a)

Don Rafael Ibarra

b)

Maria Clara

c)

Kapitan Tyago

d)

Padre Damaso

9.

"Ako ay hinog na sa karanasan para paniwalaan. Magdadalawampu't tatlong taon na akong kumakain ng kanin at saging. Huwag ninyo akong gamitan ng kung anu-ano at mabubulaklak na mga salita". Si Padre Damaso ay____.

a)

mahusay na lider

b)

maaalalahanin

c)

mapagkumbaba

d)

mapagmataas

10.

Ang sumusunod ay ang mga pinagkakakitaan o negosyo ni Kapitan Tiago, MALIBAN sa:

a)

kontrata sa kabayo sa iba’t ibang kompanya

b)

negosyo ng opyum

c)

konsesyon ng pagkain para sa mga preso

d)

paupahang bahay para sa mga dayuhan

11.

Paano naging mabisa ang Noli Me Tangere sa mambabasa?

a)

Tinuruan niya ang tao na maghimagsik.

b)

Nagkaroon tayo ng kaalaman sa kasaysayan

c)

Ipinakita niya ang kanyang kagalingan sa pagsulat.

d)

Iminulat niya ang kamalayang panlipunan ng mga tao.

12.

Mabagal ang PAGSULONG ng bayang iniwan ng binate ng pitong taon. Ano ang kasalungat ng salitang nakasalungguhit?

a)

pagbabago

b)

pag-unlad

c)

pagbagsak

d)

pagsubok

13.

"Pitong taon na ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis na hindi batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan, ang mga babae.” Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag?

a)

Ang pagbati sa mga bisita ay dapat pahalagahan.

b)

Maituturing na hiyas ng bayan ang mga Pilipina sapagkat kadalasan sila’y nagsisilbing palamuti sa ating lipunan.

c)

Malaki ang paggalang at pagkilala ng kalalakihan sa mga babaeng Pilipina dahil sila’y maituturing na yaman ng ating lahi.

d)

Ang pagbati sa mga babaeng Pilipina ay isang gawaing dapat pahalagahan at panatilihin.

14.

“Para sa inyo ang upuang ito, alang-alang sa katandaan, sa katungkulan, at pagmamahal.”

a)

Nakikilala ang edad at posisyon ng isang tao sa lipunan sa upuang kanyang ginagamit sa mga pagtitipon.

b)

Iginagalang ang mga matatanda sa mga pagtitipon na isinasagawa.

c)

Sa ating bansa, pinag-uukulan ng mataas na pagtingin o pagkilala ang matatanda at mga may katungkulan sa lipunan.

d)

Sa mga pagtitipon, kaugalian na sa ating lipunan na maglaan ng magagarang upuan sa matatanda at mga may katungkulan.

15.

Ano ang ibig sabihin ng “Noli Me Tangere” sa Filipino?

a)

Huwag mo ako Salangin 

b)

Huwag mo ako Bintangan   

c)

Huwag mo ako Bitawan  

d)

Huwag mo ako Hawakan

16.

Saan inilimbag ang Noli Me Tangere?

a)

Berlin

b)

Paris

c)

London

d)

Madrid

17.

Siya ang karakter na ginamit ni Rizal upang ilarawan ang  kalapastanganang naranasan ng Inang Bayan sa kamay ng mga mananakop.

a)

Sisa

b)

Donya Victorina

c)

Salome

d)

Maria Clara

18.

Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang?

a)

pampulitika

b)

panlipunan

c)

panrelihiyon

d)

pampamilya

19.

Saan namatay si Don Rafael?

a)

bahay

b)

simbahan

c)

bilangguan

d)

mansyon

20.

Taong kumalaban sa umiiral na sistema ng pamahalaan.

a)

subersibo

b)

erehe

c)

pilibustero

d)

liberal