wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4W2 FILIPINO

Total questions: 10

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na teksto:

Habang naglalakad sa tabi ng daan si George, narinig niyang

ibinalita ni Gng. Rose Cortez kay Micah na mayroon silang

kapitbahay na nagkasakit ng COVID-19. Dinala agad ito sa

pagamutan para sa karampatang lunas.

1. Alin ang angkop na pangungusap ang gagamitin ni George kapag ibabalita niya sa kanyang ina ang kanyang napakinggang balita?

a)

May nagkasakit sa ating paligid.

b)

Inay, may kapitbahay po tayong nagkakasakit ng COVID-19.

c)

Inay, mag-ingat tayo upang hindi tayo magkasakit ng COVID-19.

d)

Inay, mamamatay na ang kapitbahay nating nagkasakit ng COVID-19.

2.

2. Alin kaya ang maging reaksiyon ng nanay ni George sa ibinalita nito?

a)

Naku! May ayuda na naman tayo mula sa pamahalaan.

b)

Aba! Mapalad ang maysakit dahil libre ang gamot sa ospital.

c)

Naku! Nakakatakot huwag na kayong maglaro sa labas ng bahay.

d)

Aba! Bibisitahin ko sa ospital ang kapitbahay nating nagkaCOVID19.

3.

3. Gustong malamam ni George kung saang ospital dinala ang maysakit, aling

pangungusap ang kanyang maaring itanong?

a)

Saan siya inilibing?

b)

Siya ay dinala sa ospital.

c)

Saan ang bahay ng maysakit?

d)

Saang ospital dinala ang ating kapitbahay na nagkakasakit ng COVID 19?

4.

4. Paano mo uutusan ang iyong kaibigan na manatili sa bahay upang makaiwas sa

pagkahawa ng Coronavirus?

a)

Pumasok kayo sa bahay ninyo.

b)

Saan ba tayo dapat manatili sa panahon ngayon?

c)

Manatili tayo sa bahay upang hindi tayo mahawaan ng Corona Virus.

d)

Magparty-party tayo para matakot ang coronavirus na nasa paligid.

5.

5. Alin ang nagpapahayag ng magalang na pagbabalita?

a)

Hoy! Makinig kayong lahat sa akin.

b)

Mayroon po tayong kapitbahay na nagkakasakit ng COVID 19.

c)

Bakit ayaw ninyong maniwala sa aking ibinabalita sa inyong lahat?

d)

Bahala kayo may kapitbahay tayong nagkakasakit ng COVID 19.

6.

Magkakaroon ng debate ukol sa isyung “Manatili sa Bahay Upang

Maiwasan ang Pagkahawa ng COVID 19, Oo o Hindi”?

6. Alin ang dapat itanong kung hindi mo alam saan gaganapin ang debate?

a)

Saan gaganapin ang debate?

b)

May gaganaping debate sa barangay.

c)

Sama ka sa akin pupunta tayo sa debate.

d)

Sino ang mga kasama mo papuntang Maynila?

7.

7. Paano mo ibabalita ang ukol sa gaganaping debate?

a)

Magkaroon ng bebate ukol sa “Manatili sa Bahay Upang Maiwasan ang

Pagkahawa ng COVID-19”.

b)

Hoy! Makinig kayo may debate Manatili sa Bahay Upang Maiwasan ang

Pagkahawa ng COVID-19”.

c)

Hihintayin natin ang debate sa “Manatili sa Bahay Upang Maiwasan ang

Pagkahawa ng COVID-19”.

d)

Nagkaroon ng bebate para kay “Manatili sa Bahay Upang Maiwasan ang

Pagkahawa ng COVID-19.

8.

8. Gusto mong malaman kung kailan gaganapin ang debate, alin sa pangungusap

sa ibaba ang iyong gagamitin?

a)

May gaganaping debate.

b)

Kailan gaganapin ang debate?

c)

Makinig kayo sa gaganaping debate.

d)

Hala! May debate na naman sa ating bayan.

9.

9. Bakit kailangang maging magalang ang mga kalahok sa pakikipagdebate

tungkol sa isang isyu?

a)

Para maging masaya ang usapan.

b)

Para magkaintindihan silang lahat.

c)

Upang maganda ang pagsasama ng mga kalahok.

d)

Upang maiwasan ang pang-iinsulto ng opinyon ng mga kalahok at

mapanatili ang kaayusan sa pagdedebatae.

10.

10. Alin ang magalang na pag-aanyaya mo sa iyong mga kaibigan na makinig sa

nasabing debate?

a)

Basta makinig kayong lahat sa debate.

b)

Gusto niyo bang makinig ng magandang debate?

c)

Mga kaibigan makinig tayo sa gaganaping debate.

d)

Mga kaibigan, inaaanyayahan ko po kayong lahat na makinig sa debate.