Font size
WorksheetsMaikling Pagsubok 1 - Mga Batayang Kaalaman sa wika
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Sino ang nagpahayag na ang wika ay "masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa kultura.”
Henry Gleason
Noam Chomsky
Virgillo Almario
Pamela Constantino
Ito ang wikang pambansa ng Pilipinas
Filipino
Pilipino
Tagalog
Filipino at Ingles
Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa katangian ng wika?
Ang wika ay masistemang balangkas
Ang wika ay arbitraryo
Ang wika ay buhay o dinamiko
Ang wika ay hindi nagbabago
Kabuhol ng wika ang kultura
Ang Filipino at Ingles ay mga ____________ ng Pilipinas
Wikang Panturo
Wikang Pambansa
Wikang Opisyal
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Ang paglitaw ng mga balbal na salita at wika tulad ng Jejemon, Bekimon at Conyo ay patunay lamang na ang wika ay _____________
Nakabuhol sa kultura
Dinamiko
Ginagamit
Pantao
Ang wika ay mahalaga dahil ito ay _________________ ng komunikasyon.
Interpretasyon
Intelektuwal
Instrumento
Paraan
Ito ay nangangahulugan na ang wika ay pinagkasunduan upang magamit ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay
Ang wika ay masistemang balangkas
Ang wika ay arbitraryo
Ang Wika ay ginagamit ng mga pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Ang wika ay buhay at dinamiko.
Tama o Mali? Mother Tongue ang wikang panturo para sa mga mag-aaral sa Pilipinas mula sa Kinder hanggang Ikatlong Baitang.
Tama
Mali
Batas na nagsasaad na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Artikulo XIV Seksiyon 6, 1987 Konstitusyon
Artikulo XVI Seksiyon 9, 1987 Konstitusyon
Artikulo XIV Seksiyon 9, 1987 Konstitusyon
Artikulo XVI Seksiyon 6, 1987 Konstitusyon
Alin sa sumusunod na pagpipilian ang/ang mga wika? (Maaaring pumili ng higit pa sa isa)
Tagalog
Hiligaynon
Filipino
British English
