Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagtataya: Katapatan sa Salita at Gawa

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

 Ito ay ang pagbabaluktot sa katotohanan, panlilinlang, at pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang may karapatan naman dito.

a)

Paghahabi ng Kwento

b)

Pambubulas

c)

Pagsisinungaling

d)

Panloloko

2.

Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaaring ibunga nito kay manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral?

a)

Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.

b)

Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral

c)

Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan

d)

Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral

3.

Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.

a)

 Pro Social Lying

b)

Self Enhancement Lying

c)

 Selfish Lying

d)

Anti Social Lying

4.

Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya.

a)

 Pro Social Lying

b)

Self Enhancement Lying

c)

 Selfish Lying

d)

Anti Social Lying

5.

Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.

a)

 Pro Social Lying

b)

Self Enhancement Lying

c)

 Selfish Lying

d)

Anti Social Lying

6.

Alin ang hindi totoo sa isang matapat na tao.

a)

hindi kailanman magsisinungaling

b)

hindi kukuha ng bagay na hindi niya pag-aari

c)

hindi manlilinlang o manloloko ng kaniyang kapwa sa anumang paraan

d)

hindi na lang kikibo kung ikakapahamak lamang ng sarili at ibang tao

7.

Ang _________ ang isa sa pangunahing kalaban ng katapatan sa gawa.

a)

Media

b)

Pera

c)

Kaibigan

d)

Sarili

8.

Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang kahulugan.

a)

Pag-iwas

b)

 Pananahimik

c)

Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

d)

Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

9.

Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.

a)

 Pag-iwas

b)

Pananahimik

c)

Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

d)

Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

10.

Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin.

a)

 Pag-iwas

b)

Pananahimik

c)

Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

d)

Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan