Font size
WorksheetsReview: Pang-abay at mga Uri nito
Total questions: 16
Worksheet time: 16mins
Alin-alin sa mga parirala ang gumagamit ng pang-uri?
Choose 2 answers.
malalim na dagat
tahimik na gabi
magaling lumangoy
mahimbing matulog
Alin-alin sa mga parirala ang gumagamit ng pang-abay?
Choose 2 answers.
masayang pamilya
dahan-dahang yumakap
malakas na musika
buong-pusong nagmamahal
Tukuyin kung ang sinalungguhitang salita sa pangungusap ay ginamit bilang PANG-ABAY o PANG-URI.
"Mabagal maligo si Pedro kaya palagi siyang leyt sa klase."
PANG-ABAY
PANG-URI
Tukuyin kung ang sinalungguhitang salita sa pangungusap ay ginamit bilang PANG-ABAY o PANG-URI.
"Isa ang sloth sa mga mababagal na hayop."
PANG-ABAY
PANG-URI
Tukuyin kung ang sinalungguhitang salita sa pangungusap ay ginamit bilang PANG-ABAY o PANG-URI.
"Mahusay sina Mikel at Luke sa isports na basketbol."
PANG-ABAY
PANG-URI
Tukuyin kung ang sinalungguhitang salita sa pangungusap ay ginamit bilang PANG-ABAY o PANG-URI.
"Mahusay maglaro ng volleyball sina Sophia at Gabriel."
PANG-ABAY
PANG-URI
Ano-ano ang mga uri ng pang-abay?
Choose 3 answers.
pang-abay na pang-uri
pang-abay na pamaraan
pang-abay na panlunan
pang-abay na pamanahon
Alin sa mga pangungusap ang gumagamit ng pang-abay na panlunan?
Kailangan ko nang umalis ngayon.
Sige, tumakbo ka na nang mabilis.
Magkita nalang tayo sa kantina.
Alin sa mga pangungusap ang gumagamit ng pang-abay na pamanahon?
Kailangan ko nang umalis ngayon.
Sige, tumakbo ka na nang mabilis.
Magkita nalang tayo sa kantina.
Alin sa mga pangungusap ang gumagamit ng pang-abay na pamaraan?
Kailangan ko nang umalis ngayon.
Sige, tumakbo ka na nang mabilis.
Magkita nalang tayo sa kantina.
"Araw-araw, ako ay aktibong sumasagot sa mga tanong ng guro sa aming chat box."
Ano ang pang-abay na panlunan sa pangungusap na ito?
Araw-araw
aktibong
sumasagot
sa aming chat box
"Araw-araw, ako ay aktibong sumasagot sa mga tanong ng guro sa aming chat box."
Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap na ito?
Araw-araw
aktibong
sumasagot
sa aming chat box
"Araw-araw, ako ay aktibong sumasagot sa mga tanong ng guro sa aming chat box."
Ano ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap na ito?
Araw-araw
aktibong
sumasagot
sa aming chat box
Alin ang NAIIBANG (odd one) parirala ayon sa uri ng pang-abay?
tahimik na nagdasal
nagdasal nang taimtim
magdasal sa tsapel
takot magdasal
Alin ang NAIIBANG (odd one) parirala ayon sa uri ng pang-abay?
nagtanim nakaraang Sabado
nagtapon sa basurahan
naglinis sa bakuran
nagrisiklo sa bahay
Alin ang NAIIBANG (odd one) parirala ayon sa uri ng pang-abay?
mahusay magsulat
nag-aral kanina
nagrerebyu araw-araw
magbabasa bukas
