wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

idyoma

Total questions: 37

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ang bunsong anak nina Mang Julio at Aling Marta ay bituin sa kanilang paningin.

a)

Paborito

b)

Ayaw na ayaw

c)

Kulang sa pansin

d)

Hindi pinapansin

2.

Nang umiyak ang kanyang anak, halos madurog ang pusong mamon ng kanyang ina.

a)

Malambot ang pagkain.

b)

Matigas ang puso

c)

Maawain

d)

Walang patawad

3.

Nagkukunwari lamang na mabait ang matandang mayaman. Balat-kayo ang kabaitan na kanyang ipinakikita.

a)

Hindi totoo

b)

Totoong-totoo

c)

Balat ng matanda

d)

Matandang mayaman

4.

Sanay sa hirap si Nilo. Siya ay batang anak-pawis.

a)

Mahirap

b)

Mayaman

c)

Amoy pawis

d)

Mabango

5.

Busilak ang puso ni Maria dahil sa pagtulong niya ngayong pandemiya.

a)

Malinis ang kalooban

b)

Madamot

c)

Magalitin

d)

Palakaibigan

6.

Ang magkasintahang sina Ben at Mel ay mag-iisang dibdib na sa susunod na lingo.

a)

Magkakaarawan

b)

Magbibinyag

c)

Magpipista

d)

Ikakasal

7.

Naniningalang pugad si Lito sa anak ni Aling Pina.

a)

nanliligaw

b)

nakikipagkwentuhan sa bintana

c)

nakikipag chat

8.

Madaling magramdam si Alex siya ay balat sibuyas.

a)

masayahin

b)

sensitibo o maramdamin

c)

mahilig magbiro

9.

Di mahulugang karayom ang plasa nang dumating ang BTS.

a)

kaunti ang tao

b)

maraming tao

c)

walang tao

10.

Maka-ilang beses tinawag si Lucy ng kanyang ina habang siya ay naglalaro ng Roblox siya ay nagtaingang kawali.

a)

masayang naglalaro

b)

tulala

c)

nagbingingihan

11.

Mayaman ang pamilya San Juan di maliparang uwak ang kanilang lupain.

a)

maliit

b)

malawak

c)

may mga alagang ibon

12.

Mababaw ang luha ni bunso kaya kaunting pang-aasar lamang ay agad itong umiiyak.

a)

madaling matuwa

b)

madaling umiyak

c)

madaling mainis

13.

Di ako makabili ng bagong damit ngayon sapagkat butas ang bulsa ni nanay.

a)

nahulog ang pera

b)

nanakawan ng pera

c)

walang pera

14.

Dahil sa COVID 19 si kuya ay nagbibilang ng poste ngayon.

a)

naglalakad sa daan

b)

walang trabaho

c)

walang kaibigan

15.

Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

a)

tahimik

b)

alila

c)

mahirap

d)

mayaman

16.

Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

a)

mabuting tao

b)

magaling ng bantay

c)

hindi mapagtitiwalaan

d)

totoong kaibigan

17.

Si Shane ay itinuturing na itim na tupa ng kanyang ina.

a)

mabuting anak

b)

masamang anak

c)

masipag na anak

d)

tamad na anak

18.

Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.

a)

magbibigay ng pera

b)

palaging pinaghihintay

c)

maputing kulay na balat

d)

hindi mangyayari

19.

Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero, kaya laging pinupuri ng kanyang guro.

a)

mabait

b)

masama

c)

lagayan ng kanin

d)

matulungin

20.

Alog na ang baba ni Aling Maria subalit hindi parin siya tumitigil sa pagtatrabaho.

a)

matanda na

b)

malakas

c)

pagod na pagod na

d)

masipag sa trabaho

21.

Si Renan ay isang taon nang nagbibilang ng poste, buhat noong masesante siya.

a)

tambay at walang trabaho

b)

nag-ayos ng mga poste

c)

binilang ang mga poste sa Maynila

d)

naghahanap ng trabaho

22.

Matagal ko nang

kahiramang-suklay si Jennifer simula’t sapul pa pagkabata.

a)

kalaro

b)

kaibigan

c)

kapitbahay

d)

kapalit ng suklay

23.

Nagtiim ang bagang ni Pedra nang makita niyang nakakalat ang mga gamit niya sa klase.

a)

galit na galit

b)

tuwang-tuwa

c)

namanhid ang bagang

d)

galak na galak

24.

Nagipit si Jonalyn sapagkat siya ay

bulang gugo

a)

waldas sa salapi

b)

ninakawan

c)

nasubsub sa gugo

d)

bula ng gugo

25.

Pabalat-bunga lamang ang pakikitungong ipinapakita ni James sa iyo.

a)

hindi totoo

b)

walang alam

c)

nagsisinungaling

d)

mangmang

26.

Ayoko sa mga taong mahilig

maglubid ng buhangin sapagkat sila ay hindi

mapagkakatiwalaan.

a)

mahikero

b)

masama

c)

sinungaling

d)

walang alam

27.

Sa oras ng sigalot,

nababahag ang buntot ni Cecil.

a)

natatakot

b)

nalulungkot

c)

nagagalak

d)

naiiyak

28.

Basa na ang papel ng mga taong basagulero sa lipunan.

a)

nabasa ang dalang papel

b)

nasira ang kagamitan

c)

nasira ang record o pangalan

d)

naiiyak

29.

Ang mga naliligo sa dagat tuwing tag-araw ay nagiging

dupong.

a)

maitim

b)

masayahin

c)

maramot

d)

maputi

30.

Tunay na ___________________________ ang buhay ng mga artista sapagkat ang kanilang buhay

ay lantad sa madla.

a)

pabalat-bunga

b)

bukas na aklat

c)

ksang-palo

d)

di mahulugang karayom

31.

Nang magwagi si Pia sa Miss Universe ay tila ___________________________ ang pakiramdam

niya at hindi makapaniwala sa nangyari.

a)

kusang-palo

b)

binuhusan ng malamig na tubig

c)

bukas na aklat

d)

bilugin ang ulo

32.

Kinalulugdan ng mga guro ang mga mag-aaral na may disiplina at ___________________________

sa mga gawain sa paaralan.

a)

pabalat-bunga

b)

lumagay sa tahimik

c)

panis ang laway

d)

kusang-palo

33.

Dahil sa hindi pagkakaunawaan noong nakaraang linggo, ___________________________ ang

magkumpareng Jero at Jen.

a)

magsunog ng kilay

b)

sanga-sanga ang dila

c)

nagsaulian ng kandila

d)

bilugin ang ulo

34.

Para pumasa ka sa pagsusulit bukas, dapat kang ___________________________ ngayong gabi.

a)

magsunog ng kilay

b)

tiklop-tuhod

c)

kusang-palo

d)

buteteng laot

35.

Kanina pa ako hindi mapakali at ___________________________ dahil hindi pa dumarating ang

binili kong leche flan para bukas.

a)

tinatahip ang dibdib

b)

magsunog ng kilay

c)

nagdildil ng asin

d)

mabigat panimbangan

36.

Sabik na akong umuwi mula sa masaya at makabuluhang paglalakbay sa Baguio

sapagkat hinahanap-hanap ko na ang aking higaan sa ___________________________.

a)

di mahulugang karayom

b)

bukas na aklat

c)

sariling pugad

d)

kusang-palo

37.

Jose, puwede bang huwag mo nang ___________________________ ko dahil hindi ako naniniwala

sa iyong sinasabi.

a)

buteteng laot

b)

sanga-sanga ang dila

c)

tiklop-tuhod

d)

bilugin ang ulo