WorksheetsESP Quiz #1 Q4
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Oras na ng hapunan, nasa hapag-kainan na kayong lahat. Ano ang gagawin mo?
Makipag-unahan sa pagkuha ng pagkain.
Magdasal muna bago kumain.
Kumain na agad para hindi maubusan.
Napansin mong may namamalimos na pulubi sa pintuan ng inyong bahay, ano ang gagawin mo?
Pagsarhan ng pinto.
Paalisin siya.
Bigyan ng pagkain.
Nakita mong nagkakaroon na ng bunga ang halamang gulay sa inyong bakuran, ano ang gagawin mo?
Pitasin na ito kahit mura.
Diligan at alagaan ito.
Bunutin na lang ito.
Araw ng kaarawan mo., hindi ka naibili ng iyong nanay ng sapatos na gusto mo. Ano ang iyong gagawin?
Unawain na lang ang nanay.
Huwag kausapin ang nanay.
Magmukmok na lang.
Araw ng Linggo, nagpunta kayong lahat sa simbahan, ano ang gagawin mo sa loob ng simbahan?
Magpasalamat sa lahat ng biyaya.
Makipagkwentuhan sa katabi.
Maglaro sa loob ng simbahan.
Nabalitaan mo na ang iyong kaklase ay mayskit, ano ang gagawin mo?
Dadalawin ko siya.
Hintayin ko na gumaling siya.
Magkunwaring hindi ko alam na maysakit siya.
Si Jonalyn ang pinakamagaling sa Matematika sa kanilang klase, Madalas siyang isali sa mga paligsahan. Ano ang nararapat niyang gawin para maibahagi ang kaniyang kaalaman?
Mag-aaral nang mabuti.
Sarilinin ang kaalaman para hindi malamangan.
Turuan ang mga kaklaseng mahina sa Matematika.
Makalat ang buong silid-aralan. Maraming ginagawa ang iyong guro, ano ang dapat mong gawin?
Pabayaan ko na lang ang kalat.
Kukuha ako ng walis at wawalisin.
Hintayin kong matapos ang guro sa ginagawa.
Sina Yuni at Yonah ay parehong matalino at magaling kumanta. Palaging sumasali si Yuni sa mga paligsahan samantalang si Yonah ay hindi dahil nahihiya siya. Sino sa kanilang dalawa ang dapat tularan?
Yuni
Yonah
Yuni at Yonah
Mayroon kayong pagsusulit subalit ang katabi mo ay hindi makapagsulat dahil wala siyang lapis. Ano ang gagawin mo?
Pahihiramin ko ng lapis.
Hindi ko papansinin.
Isusumbong ko dahil hindi nagsusulat.
