wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Apolinario Mabini

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Si Apolinario ay mapagmahal sa kanyang bansa. Tinatawag siyang “Dakilang Lumpo”, dahil sa taglay niyang kapansanan. Ano ang kahulugan ng salitang “Dakilang” sa pangungusap?

a)

natuwa

b)

nasambit

c)

tanyag na

d)

bayani

2.

Si Apolinario ay mapagmahal sa kanyang bansa. Tinatawag siyang “Dakilang Lumpo”, dahil sa taglay niyang kapansanan. Ano ang kahulugan ng salitang “Taglay” sa pangungusap?

a)

angking

b)

lakas

c)

matamlay

d)

hiram

3.

Si Apolinario ay mapagmahal sa kanyang bansa. Tinatawag siyang “Dakilang Lumpo”, dahil sa taglay niyang kapansanan. Ano ang kahulugan ng salitang “Kapansanan” sa pangungusap?

a)

pisikal na kakulangan

b)

kasiyahan

c)

ikinahihiya

d)

galing

4.

Siya ay isinilang sa Talaga, Tanawan, Batangas noong ika-23 ng Hulyo, 1864. Ano ang kahulugan ng salitang “Isinilang” sa pangungusap?

a)

inimbita

b)

ipinanganak

c)

iniwan

d)

ipinagmalaki

5.

Maliit pa lamang siya ay nakitaan na siya ng pambihirang katalinuhan, ngunit mahina ang kaniyang katawan. Ano ang kahulugan ng salitang “Pambihirang Katalinuhan” sa pangungusap?

a)

mahiwaga

b)

naiiba

c)

taglay

d)

hindi pangkaraniwang kaalaman

6.

Lagi siyang nagkakasakit. Kahit na mahirap lamang siya, nagsikap siyang mag-aral upang maging isang manananggol. Ano ang kahulugan ng salitang “nagsikap” sa pangungusap?

a)

nangarap

b)

nagtyaga

c)

naghintay

d)

nagwala

7.

Umanib siya sa rebolusyonaryo upang makamtan ang kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng pagsulat. Ano ang kahulugan ng salitang “umanib” sa pangungusap?

a)

sumikat

b)

sumali

c)

sumalang

d)

itinakwil

8.

Hindi siya natakot makulong o mabilanggo makamtan lamang niya ang kalayaan ng bansa. Ano ang kahulugan ng salitang “makamtan” sa pangungusap?

a)

maabot

b)

malinis

c)

makita

d)

maisaayos

9.

Nagtiis siya ng hirap na maging malayo sa kanyang bansa, huwag lamang sumuko sa mga dayuhan. Ano ang kahulugan ng salitang “Nagtiis” sa pangungusap?

a)

naghintay

b)

nawala

c)

nagdusa

d)

nabilanggo

10.

Isa siyang tunay na bayani ng ating bansa. Ano ang kahulugan ng salitang “tunay” sa pangungusap?

a)

natatangi

b)

nag-iisa

c)

taglay

d)

totoo