NEW
Font size
WorksheetsTelling Time
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Si Ana ay naglalaro mula ika-3 ng hapon hanggang ika-6 ng hapon. Ilang oras naglaro si Ana?
1 oras
2 oras
3 oras
4 oras
Nagluto si nanay ng sopas sa loob ng 2 oras at kalahati. Ilang minuto nagluto si nanay ng sopas?
120 minuto
130 minuto
140 minuto
150 minuto
Pumunta si Anton sa palaruan. Naglakad siya mula sa kanilang bahay hangang sa palaruan sa loob ng 300 na segundo. Ilang minuto naglakad si Anton?
4 minuto
5 minuto
6 minuto
7 minuto
Nagbakasyon sa tabing dagat ang Pamilya ni Mang Juan sa loob ng 5 araw. Ilang oras ang itinagal nila sa tabing dagat?
48 na oras
84 na oras
120 na oras
130 na oras
Nagluto ng tinapay si Berna. Kailangan niyang mag-intay ng 2400 na segundo bago maluto ang tinapay. Ilang minuto ang kailangan niyang mag-antay bago maluto ang tinapay?
50 na minuto
60 na minuto
70 na minuto
80 na minuto
Ilang oras ang katumbas ng isang linggo?
168 na oras
170 na oras
172 na oras
176 na oras
Papasok si Mario sa paaralan. Tuwing umaga, naglalaan siya ng 35 minuto na paghahanda bago siya makaalis ng kanilang bahay. Kung mag-uumpisa si Mario na maghanda ng ika-5:45 ng umaga, anong oras siya makakaalis ng kanilang bahay?
6:15 ng umaga
6:20 ng umaga
6:25 ng umaga
6:30 ng umaga
Palaging nagbabasa ng libro si Glenn. Araw-araw ay naglalaan siya ng isang oras sa pagbabasa ng libro. Ilang segundo ang inillalaan niya sa pagbabasa ng libro araw-araw?
3500 na segundo
3600 na segundo
3700 na segundo
3800 na segundo
Bumili ng laruan na de-baterya si Faith. Kung ang baterya ay mauubos sa loob ng 4 na oras at nagumpisang maglaro si Faith ng ika-1 ng hapon ng tuloy tuloy, anong oras mauubos ang baterya ng kaniyang laruan?
ika-2 ng hapon
Ika-3 ng hapon
Ika-4 ng hapon
ika-5 ng hapon
Naubos ni John ang kaniyang meryenda sa loob ng 900 na segundo. Ilang minuto kinain ni John ang kaniyang meryenda?
15 na minuto
16 na minuto
17 na minuto
18 na minuto
