wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikaanim na Lagumang Pagsusulit sa Filipino 9

Total questions: 22

Worksheet time: 29mins

Name
Class
Date
1.

I. NML: SOLUSYON SA PROBLEMA

Panuto: Iba-iba ang mukha   ng   nararanasang   suliranin ng mga  tauhan  sa  mga kabanatang

             binasa. Sa    pagkakataong    ito   ay  subukan  mong   ilagay ang  iyong sarili   sa  kani-

             kanilang  mga   sitwasyon. Basahin   nang    mabuti    ang    mga     suliraning   kanilang

             naranasan  at  magbigay  ka  ng iyong  sariling  solusyon  kung paano mo lulutasin   ang problema.

Labis na nagugulumihanan si Maria Clara sa mga ikinikilos ni Padre Salvi para sa kanya. Maging ang paghahanap ng pugad ng tagak ay kanya na ring naisipang gawin para lamang makita at mamanmanan niya ang bawat kilos na maaaring gawin ng kura. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Maria Clara, ano kaya ang nararapat mong gawin?

4 lines
2.

I. NML: SOLUSYON SA PROBLEMA

Panuto: Iba-iba ang mukha   ng   nararanasang   suliranin ng mga  tauhan  sa  mga kabanatang

             binasa. Sa    pagkakataong    ito   ay  subukan  mong   ilagay ang  iyong sarili   sa  kani-

             kanilang  mga   sitwasyon. Basahin   nang    mabuti    ang    mga     suliraning   kanilang

             naranasan  at  magbigay  ka  ng iyong  sariling  solusyon  kung paano mo lulutasin   ang problema.

Nagalit ang kabataan dahil sa ginawa ni Padre Salvi na paninira sa aklat ng mga larong tinatawag na Gulong ng Palad. Kung ikaw ay isa sa kabataang naroon noong mga sandaling iyon, paano mo ipagtatanggol ang inyong mga sarili sa ginawa ng kura? Pangatwiranan ang iyong sagot.

4 lines
3.

I. NML: SOLUSYON SA PROBLEMA

Panuto: Iba-iba ang mukha   ng   nararanasang   suliranin ng mga  tauhan  sa  mga kabanatang

             binasa. Sa    pagkakataong    ito   ay  subukan  mong   ilagay ang  iyong sarili   sa  kani-

             kanilang  mga   sitwasyon. Basahin   nang    mabuti    ang    mga     suliraning   kanilang

             naranasan  at  magbigay  ka  ng iyong  sariling  solusyon  kung paano mo lulutasin   ang problema.

Sa iyong palagay, mayroon pa rin bang mga martir na asawang babae sa kasalukuyang panahon tulad ni Sisa na nagtitiis sa mapang-abusong asawa? Kung makakausap mo ang mga babaeng tulad nila, ano ang sasabihin o ipapayo mo sa kanila? Kung ikaw ay mag-aasawa, ano-anong katangian ang hahanapin mo sa iyong magiging kabiyak upang manatiling buo, matatag at masaya ang iyong pamilya?

4 lines
4.

I. NML: SOLUSYON SA PROBLEMA

Panuto: Iba-iba ang mukha   ng   nararanasang   suliranin ng mga  tauhan  sa  mga kabanatang

             binasa. Sa    pagkakataong    ito   ay  subukan  mong   ilagay ang  iyong sarili   sa  kani-

             kanilang  mga   sitwasyon. Basahin   nang    mabuti    ang    mga     suliraning   kanilang

             naranasan  at  magbigay  ka  ng iyong  sariling  solusyon  kung paano mo lulutasin   ang problema.

Masasabi mo bang mahirap o madali ang pagtuturo? Sa bagong kadawyan ng edukasyon, paano mo maipadarama pa rin sa iyong mga guro ang paggalang at pagpapahalaga mo sa kanilang mga ginawa? Pangatwiranan ang sagot.

4 lines
5.

I. NML: SOLUSYON SA PROBLEMA

Panuto: Iba-iba ang mukha   ng   nararanasang   suliranin ng mga  tauhan  sa  mga kabanatang

             binasa. Sa    pagkakataong    ito   ay  subukan  mong   ilagay ang  iyong sarili   sa  kani-

             kanilang  mga   sitwasyon. Basahin   nang    mabuti    ang    mga     suliraning   kanilang

             naranasan  at  magbigay  ka  ng iyong  sariling  solusyon  kung paano mo lulutasin   ang problema.

Ikaw, gaano ka kadalas magsimba? Bakit ba mahalagang magsimba o makinig ng Salita ng Diyos sa loob ng simbahan? Ano naman ang masasabi mo sa mga taong nagsisimba nga ngunit natutulog lang naman, o kaya’y nagmamasid at nag-aaway pa sa loob ng simbahan?

4 lines
6.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Kilalanin o tukuyin ang kaisipang lumulutang sa sumusunod na pahayag na hinango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal.

“Pitong taon ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis na hindi batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan, ang mga babae.”

a)

Maituturing na hiyas ng bayan ang mga Pilipina sapagkat kadalasan sila’y nagsisilbing palamuti sa ating lipunan.

b)

Malaki ang paggalang at pagkilala ng kalalakihan sa mga babaeng Pilipina dahil sila’y maituturing na yaman ng ating lahi.

c)

Ang pagbati sa mga babaeng Pilipina ay isang gawaing dapat pahalagahan at panatilihin.

7.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Kilalanin o tukuyin ang kaisipang lumulutang sa sumusunod na pahayag na hinango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal.

“May kaugalian sa Alemanya na kung walang magpakilala sa isang panauhin ay siya na mismo ang nagpapakilala sa kanyang sarili. Pahintulutan ninyong gayahin ko ang kaugaliang iyon, hindi dahil sa kagustuhan ko lamang magpasok ng ugaling dayuhan, kundi dahil lamang sa hinihingi ng pagkakataon” Ipinakikita rito na…

a)

iginagalang at pinahahalagahan ni Ibarra ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino.

b)

maaaring gayahin ng mga Pilipino ang magagandang kaugalian ng ibang lahi.

c)

ang pakikipagkilala sa kapwa sa isang pagtitipon ay isang mabuting kaugalian ng mga Pilipino.

8.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Kilalanin o tukuyin ang kaisipang lumulutang sa sumusunod na pahayag na hinango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal.

“Para sa inyo ang upuang ito, alang-alang sa katandaaan, sa katungkulan at pamamahala.”

a)

Sa ating bansa, pinag-uukulan nang mataas na pagtingin o pagkilala ang matatanda at mga may katungkulan sa lipunan.

b)

Sa mga pagtitipon, kaugalian na sa ating lipunan na maglaan ng magagarang upuan sa matatanda at mga may katungkulan.

c)

Nakikilala ang edad at posisyon ng isang tao sa lipunan sa upuang kanyang ginagamit sa mga pagtitipon.

9.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Kilalanin o tukuyin ang kaisipang lumulutang sa sumusunod na pahayag na hinango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal.

“Bago ako maglakbay sa isang bayan ay sinisikap ko munang malaman ang kanyang kasaysayan o ang unti-unting pagbabago sa kaunlaran nito.”

a)

Hindi uunlad ang isang lipunan kung hindi alam ng mga mamamayan ang pinagmulan ng kanilang bansa.

b)

Ang bawat pagbabago sa ekonomiya ng isang bansa ay laging nakaugat sa kasaysayan nito.

c)

Malaki ang kinalaman ng kasaysayan ng isang bansa sa uri ng ekonomiya at pamumuhay ng mga mamamayan nito.

10.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Kilalanin o tukuyin ang kaisipang lumulutang sa sumusunod na pahayag na hinango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal.

“Ipahintulot ninyong magpaalam na ako, mga ginoo. Kararating ko lamang at kailangang umalis din ako bukas.”

a)

Dapat humingi muna ng pahintulot ang isang tao bago niya gawin ang isang bagay.

b)

Mahalagang unahin ang mga bagay na dapat tapusin kaysa gugulin ang oras sa pagdalo sa isang pagtitipon.

c)

Ang pagpapaalam sa mga taong dinatnan sa isang pagtitipon ay isang mabuting tuntunin ng pakikipagkapwa-tao.

 

11.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Kilalanin o tukuyin ang kaisipang lumulutang sa sumusunod na pahayag na hinango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal.

“Ang pagsasaya ay pag-aaksaya lamang ng salapi at tinatakpan lamang nito ang 

  karaingan ng lahat.” Ano ang nais ipahiwatig ni Pilosopo Tasyo tungkol sa pagdaraos ng

  pista?

a)

Sinang-ayunan ng lahat ang pagdaraos ng pista para sa kasiyahan ng lahat.

b)

Walang pakialam ang mga tao kung gagastos man nang malaking halaga para sa pagdaraos ng pista.

c)

Sinasang-ayunan ng lahat ang paggastos ng malaking halaga para sa pagdaraos ng pista.

d)

Hindi sinasang-ayunan ng lahat ang paggastos ng malaking halaga sapagkat may mga bagay na nararapat na bigyan ng priyoridad.

12.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Kilalanin o tukuyin ang kaisipang lumulutang sa sumusunod na pahayag na hinango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal.

“Totoo ngang may Diyos na nagpaparusa.” Ano ang emosyong ipinahihiwatig ng pahayag?

a)

pagsisisi       

b)

paghihinayang

c)

pagkalungkot

d)

pagdurusa

13.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Kilalanin o tukuyin ang kaisipang lumulutang sa sumusunod na pahayag na hinango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal.

Paano raw nalaman ni Padre Salvi ang diumano’y planong pag-aalsa?

a)

May isang sakristang nagsumbong sa kanya.

b)

Narinig niya ang usapan ng ilang tulisan sa sementeryo.

c)

Naikumpisal sa kanya ng isang babae.

d)

Naibulong sa kanya ni Lucas ang plano.

14.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Kilalanin o tukuyin ang kaisipang lumulutang sa sumusunod na pahayag na hinango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal.

“Daig ng isang malinis na budhi ang lahat ng mga gamot at napatunayan na ito sa maraming pagkakataon.” Ano ang nais ipahiwatig ng linyang ito mula sa Kabanata 45? Ang tunay na makapagpapagaling sa…

a)

atin ay ang ating pananampalataya sa Diyos.

b)

ano mang karamdaman ay ang kalinisan ng kalooban.

c)

atin ay ang mga gamot na gawa sa Kanluran.

d)

atin ay ang mga gamot na may bendisyon ng mga prayle.

15.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Kilalanin o tukuyin ang kaisipang lumulutang sa sumusunod na pahayag na hinango sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal.

Kahit ang taong naninilaw ay marami ang nalalaman sa trabaho  ay hindi ito naningil ng mataas na sahod kay Nyor Juan. Kung gayon, nahinuha ni Elias na: Ang taong ito ay…

a)

may matagal nang planong masama kay Ibarra.

b)

may planong angkinin ang paaralang ipinatatayo ni Ibarra.

c)

matalik na kaibigan ni Ibarra at tumanaw lamang ng utang na loob sa binata.

d)

mapagkusa at mahilig tumulong sa anumang gawain sa bayan ng San Diego.

16.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Tukuyin ang angkop na hinuha ukol sa nais ipahiwatig ng bawat pahayag.

"Ngunit naghihintay ako nang higit na mabuting mangyayari . . . Kidlat na papatay sa mga tao at susunog ng mga bahay." Ipinahihiwatig nitong…

a)

si Pilosopong Tasyo ay naghihintay ng isang pagkilos na susupil sa pang-aabuso ng mga mapagsamantala sa karapatan ng mahihirap.

b)

ang pagdating ng isang delubyong magbibigay wakas sa kapalaluan ng tao.

c)

ang kidlat ay mapanganib at maaari itong makapaminsala sa buhay at pag-aari ng mga tao.

 

17.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Tukuyin ang angkop na hinuha ukol sa nais ipahiwatig ng bawat pahayag.

"Tayo na mga bata. Ipinaghanda kayo ng inyong ina ng pangkurang hapunan."

a)

Humingi ng pagkain sa kura ang ina ng mga bata upang maipaghanda ng masarap na pagkain ang mga anak.

b)

Ang inihandang pagkain ng ina sa mga anak ay kagaya ng pagkaing hinahain sa kura.

c)

Naghanda ng masarap at masaganang hapunan ang ina para sa pagdating ng kanyang mga anak.

 

18.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Tukuyin ang angkop na hinuha ukol sa nais ipahiwatig ng bawat pahayag.

"Kung sabagay, ang isang mabuting tao ay mas pinahahalagahan ko kung buhay kaysa kung patay na..."

a)

Ang isang taong buhay ay higit na mahalaga kaysa sa mga yumao na.

b)

Dapat bigyan ng pagkilala ang isang taong mabuti habang siya ay buhay pa at hindi kung wala na.

c)

Nasusukat at naaalala ang halaga ng isang tao kapag siya ay patay na.

 

19.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Tukuyin ang angkop na hinuha ukol sa nais ipahiwatig ng bawat pahayag.

"Bukas, sana ay magkasakit ako...matagal na magkasakit para alagaan ako ng nanay at hindi pabalikin sa kumbento."

a)

Labis na paghihirap ang nararanasan ni Crispin sa kumbento kaya nais niyang makaalis na rito.

b)

Nais ni Crispin na siya ay magkasakit upang makatakas sa mga trabaho sa kumbento.

c)

Labis na nangungulila si Crispin sa pag-aaruga ng ina kaya ipinapanalangin niyang magkasakit siya.

20.

II. NML: KAISIPAN AT HINUHA

Panuto: Tukuyin ang angkop na hinuha ukol sa nais ipahiwatig ng bawat pahayag.

 "Magnanakaw raw tayo dahil sa maraming bisyo ang tatay natin."

a)

Namamana ng anak ang masamang ugali ng magulang.

b)

Ipinahihiwatig nito na kung ano ang puno siya ring bunga.

c)

Nagkaroon ng negatibong paningin ang mga tao sa mga anak na may amang hindi maganda ang reputasyon.

 

21.

III. NML: PAGWAWAKAS

Panuto: Basahin nang mabuti at sagutan nang buong husay ang mga tanong na hango sa nabasang  obra  maestra.

Alin sa mga suliraning kinaharap ng mga pangunahing tauhan ang pinakatumatak sa iyong isipan? Bakit? Kung ikaw ang nasa kanyang katayuan at naranasan mo ito sa kasalukuyan, paano mo ito tutugunan?

4 lines
22.

III. NML: PAGWAWAKAS

Panuto: Basahin nang mabuti at sagutan nang buong husay ang mga tanong na hango sa nabasang obra maestra.

Ngayong natapos mo nang basahin ang obra maestrang Noli Me Tangere, paano mo ito tatayain bilang isang akdang pampanitikan? Masasabi mo bang makasasabay ang kalidad ng nobela sa mga pandaigdigang panitikan? Patunayan ang iyong sagot.

4 lines