WorksheetsIKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9
Total questions: 17
Worksheet time: 32mins
1. Siya ang kinilala bilang diyosa ng araw o Sun Goddess?
Ninigi-No-Mikoto
Jimmy Tenno
Amaterasu Omikami
Zhongguo
2. Ito ay pinaniniwalaang pinaka dakilang monumentong Buddhist na itinayo sa Central Java, Indonesia?
A. Kalasan Temple
B. Sewu Temple
C. Plaosan Temple
D. Borobudur Temple
3. Ang kabihasnang ito ay hango sa mga turo ng tanyag na pilosopiya na si Confucius?
A. Kabihasnang Sumerian
B. Kabihasnang Tsina
C. Kabihasnang Malay
D. Kabihasnang Indus
4. Sa relihiyong Budismo, mahalaga ang merit upang malinis ang ang sarili at maging karapat-dapat na makamtan ang ___. Ito rin ay tinatawag ng estado na pagkawala ng paghihirap at pagkatapos ng siklo ng kapanganakan at kamatayan.
A. Nirvana
B. Salvation
C. Predisposition
D. Indulgence
5. Siya ng diyos ng digmaan at responsible sa panahon na naninirahan sa tuktok ng Mount Meru.
A. Athena
B. Indra
C. Circe
D. Siva
Piliin ang tamang sagot na nagpapakita ng tamang kahulugan ng Devaraja at Cakravartin.
A. Ang deva ay nangangahulugang diyos at ang raja naman ay hari na tinitingala na mataas at walang kapantay. Samantala, ang Cakravartin o tinatawag ding universal monarch o hari ng buong daigdig.
B. Ang deva ay nangangahulugang apoy at ang raja naman ay hari. Samantala, ang Cakravartin ay pinaniniwalaang pinakamakapangyarihan sa lahat.
C. Ang deva ay nangangahulugang anak ng diyos at ang raja naman ay pinaka makapangyarihang diyos. Samantala, ang Cakravartin ay ang kahariang nasasakupan nito.
D. Lahat ng nabanggit ay tama
7. Ang Kowtow ay isang paraan sa Tsina para sa pagbibigay galang sa Emperador. Piliin ang tamang sagot na nagpapakita nito.
A. Kailangan lumuhod ng tatlong beses kasama ang ibang mga opisyal at pagkatapos ay sasabihin ang salitang “mabuhay ang Emperador!”
B. Pagyuko sa Emperador ng tatlong beses kung saan ang noo ay humahalik sa semento at dapat magka-loob ng regalo ang sinumang haharap sa emperador.
C. Habang nagsasalita ang Emperador kailangan ay nakayuko lamang ang sinumang nakikipag usap dito.
D. Sino man ang haharap sa Emperador ay kailangan dumaan sa paki-kipagduwelo sa pinakamahusay na sundalo.
8. Ang Sino ay katagang ginamit upang tukuyin ang mga Tsino, kung kaya’t ang kanilang pananaw na sila ay superior sa lahat ay itinuturing na sinosentriko. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito.
A. Si Yang-Yang ang may pinakamataas na grado sa kanilang klase.
B. Ipinagmamalaki ni Xyang-Chi ang kanyang pagkapanalo sa chess.
C. Pinagmamalaki ng Tsina na sila ang may pinaka magandang kultura sa buong mundo at walang papantay dito.
D. Ang mga taga-China ay inferior sa lahat.
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ginawa ni Prinsipe Hwanung ng siya ay bumaba sa lupa at itinatag ang lungsod ng diyos (city of god)
I. Nagtalaga sya ng pangangalaga sa hangin, ulan at lupa.
II. Nagtayo sya ng iba’t ibang imperyo.
III. Nagturo ng iba’t ibang kaalaman sa agrikultura, medisina, pangingisda, pagkakarpintero at iba pa.
IV. Nagkaloob sya ng batas na nagtuturo ng tama at mali.
A. I, II, III
B. I, II, IV
C. I, III, IV
D. II, III, IV
10. Siya ang naging anak ni Prinsipe Hwanung sa isang Oso na naging isang magandang dilag, siya rin ang nagtatag ng unang kaharian ng Korea ang Joseon.
A. Mon
B. Danjun
C. Shin
D. Yoongi
11. Bakit pinaniniwalaang si Po Klaun Garai na isang Prinsipe ng Cham ay representasyon ni Siva, isa sa diyos ng relihiyong Hinduism?
A. Dahil si Po Klaun Garai ay isa sa mga diyos sa relihiyong Hinduism.
B. Dahil ang India ay naniniwalang ililigtas sila nito sa kahit anong panganib.
C. Dahil sa India ang hari ay tinitinalaga bilang buhay na imahe na diyos, kung saan tumatayong kinatawan sa kalupaan.
D. Dahil si Po Klaun Garai ay pinaniniwalaang, ipinadala ng Devaraja, upang magsilbing kanilang diyos sa relihiyong Hinduism.
12. Ang pangalang Borobudur ay nagmula sa wikang Sanskrit na a Buhmian Bhara Budhara na ibig sabihin ay?
A. Seal of the Caliph
B. Shadows of Mountains and Sun
C. The Light to the Temple
D. Mountain of Accumulation of Merits of the States
13. Sa paanong paraan nagkaroon ng Emperador ang bansang Japan?
A. Naniniwala ang mga Hapones na ang kanilang Emperador ay galing sa kanilang relihiyong Shintoism.
B. Naniniwala ang mga Hapones na ang kanilang Emperador ay nagmula sa kanilang diyos na si Hwanung.
C. Naniniwala ang mga Hapones na kusa lamang itong lumitaw.
D. Naniniwala ang mga Hapones na ang mga Isla nila ay lupa ng mga diyos dahil nabuo o inianak ito bunga ng pagtatalik ng kanilang diyos na sina Izanagi at ang kanilang dyosa na si Izanami.
14. Sa Golden Rule ni Confucius na “Do unto others, want others to do unto you; do not do unto others what you don’t want others to do unto you”). Ano ang ibig sabihin nito?
A. Gawin mo sa kapwa mo ang gusto mong gawin din nila sayo; samantala huwag mo naman gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin din nila sayo.
B. Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
C. Kung anong ginawa sayo ay gawin mo rin sa kapwa mo, mabuti man o masama.
D. Gawin mo sa kapwa mo ang kahit anong gusto mong gawin, habang ginagawa rin nila sayo ang gusto nilang gawin sayo.
15. Si Anawrahta ang pinaka dakilang hari ng Pagan na kinilala bilang isang Cakravartin na sa kanyang panunungkulan ang Pagan ay naging sentro ng daigdig.
A. Ito ay nagsasabi ng Tama.
B. Ito ay nagsasabi ng Mali.
C. Ito ay nagsasaad ng Mali sapagkat si Siva ang pinaka dakilang hari ng Pagan.
D. Ito ay nagsasaad ng mali sapagkat hindi kinilala si Anawrahta bilang isang Pagan.
16-24 Gamit ang limang pangungusap, ipaliwanag ang naging kontribusyon at importansya sa naging impluwensya ng relihiyong Katoliko na lumaganap sa Pilipinas kaysa sa katutubong relihiyon na Animismo.
25-35. Bilang isang mag-aaral, paano mo naunawaan ang naging pilosopiya ng relihiyong Islam batay sa “Katungkulan ng Caliph” na nakasaad sa Qur’an, ang banal na aklat ng Islam. Sagutan lamang ito sa loob ng sampung (10) minuto.
