wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3RD GRADING SUMMATIVE TEST IN ESP

Total questions: 35

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang katawagan sa pagmamahal at pagpapahalaga sa bansa at sa lahat ng kumakatawan dito.

a)

Makatao

b)

Maka-Diyos

c)

Makabansa

d)

Makakalikasan

2.

Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakakabatang kapatid sa pagsagot sa iyong nanay. Ano ang iyong gagawin?

a)

Hahayaan ko na lamang siya sa kanyang ginagawa.

b)

Sisigawan at papagalitan ko siya upang matuto.

c)

Sasabihin ko sa kanya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na sumagot siya nang may po

at opo sa mga nakakatanda.

3.

May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang iyong tatay na turuan siya ng larong pinoy. Ano ang ituturo mo sa kanya?

a)

Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.

b)

Isasama ko siya sa kompyuter shop para maglaro ng kompyuter games.

c)

Magkukunwari akong hindi narinig ang tatay dahil mahihirapan lang akong mag- ingles kapag

tinuruan ko siya.

4.

Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw ng tinikling sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano ang iyong gagawin?

a)

Makikiusap ako na Hip Hop na lang ang isayaw naming dahil iyon ang uso.

b)

Sasali ako at pagbubutihin ko ang pagsayaw.

c)

Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng pagtatanghal.

5.

Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong Yolanda, hindi natinag ang mga Pilipino. Nagtulong- tulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods, muling pagtatayo ng Kanilang bahay at pagdarasal para sa kanila. Mahirap mang pumunta sa mga nasalantang lugar dahil sira-sira ang daan, hindi ito alintana ng mga Kababayan natin. Isa itong patunay na likas na sa bawat

Pilipino ang paggiging:

a)

madasalin

b)

bayani

c)

matulungin

6.

Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain ang inyong leksyon sa Matematika. Laging mababa ang kanyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala, matataas lagi ang iyong nakukuha dahil nauunawaan mo nang mabuti ang itinuturo ng iyong guro. Ano ang gagawin mo?

a)

Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral kami ng leksyon namin sa Matematika.

b)

Pagtatawanan ko siya.

c)

Hindi ko siya papansinin.

7.

Ito ay ang siyang pinagkakakilanlan ng isang bansa na nabuo mula sa mga awitin, sayaw, kwentong bayan, tula at iba pa.

a)

Bandila

b)

Anahaw

c)

Kultura

8.

Ano ang mangyayari kung patuloy nating susuportahan ang mga makabanyagang paniniwala at gawi?

a)

Maaaring maging sanhi ito ng unti unting pagkawala ng ating kultura.a

b)

Maaari itong makadagdag sa panibagong pagkakakilanlan ng ating kultura.

c)

Wala sa mga nabanggit.

9.

Mayroon kayong bagong kamag-aral na Maranao at di siya matatas na magsalita ng tagalog. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

Layuan mo siya dahil siya ay naiiba.

b)

Kausapin at tulungan mo siyang matutunan ang iyong dayalekto.

c)

Pagtawanan siya dahil kakaiba ng kanyang paraan ng pagsasalita.

10.

Sa isang lakbay-aral natunghayan mo kung papaano namumuhay ang mga Agta. Nakita mo na kakaiba ang kanilang kasuotan kumpara sa nakasanayan mo. Ano ang iyong magiging reaksyon?

a)

Pagtatawanan ko siya dahil sa kakaiba ang kanyang paraan ng pananamit.

b)

Irerespeto ko ang kanilang nakagawian.

c)

Hindi ko sila papahalagahan.

11.

Binigyan ka ng iyong kaibigan ng isang pitakang pampangkat etniko na gawa ng mga Ifugao. Ano ang iyong mararamdaman?

a)

Matutuwa ako dahil nagkaroon ako ng isang mahalaga at katangi-tanging bagay.

b)

Mas nanaisin ko na magkaroon ng bagay na nagmula sa ibang bansa.

c)

Magpapasalamat ako ngunit hindi ko ito gagamitin.

12.

Ang isa sa iyong kamag-aral ay mayroong amang Amerikano at inang Pilipino. Siya ba ay maituturing mong Pilipino?

a)

Hindi, dahi ang kanyang ama ay Amerikano.

b)

Opo, dahil siya ay mayroong dugong Pilipino.

c)

Wala sa mga nabanggit.

13.

Inalok ka ng iyong kaibigang mula sa Davao na tikman ang kanyang dala-dalang durian. Ano ang iyong gagawin?

a)

Susubukan kong tikman ito upang matutunan ko ang isa sa kanilang pinagkakakilanlan.

b)

Hindi ko ito kakainin dahil di ko nagugustuhan ang amoy nito.

c)

Babaliwalain ko ito at sasabihin na sa iba na lamang ialok.

14.

Ikaw ay isang batang nagmula sa tribo ng mga Manobo. Inatasan ka ng inyong guro na magpakita ng isang sayaw. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagamitin?

a)

Pipiliin ko ang moderno at banyagang tugtugin sa aming pagtatanghal.

b)

Wala sa nabanggit.

c)

Pipiliin ko ang katutubo naming tugtugin at sayaw upang maipakita ang aming kultura.

15.

Tinuruan kayo ng inyong guro ng isang katutubong awitin. Ano ang iyong gagawin kung ipapa-awit niya ito sa inyo?

a)

Sasabayan ko ang awitin dahil alam ko na parte ito ng aking kultura.

b)

Di ko ito aawitin o sasabayan dahil di ako pamilyar sa mga salitang ginagamit.

c)

Sasabayan ko ang awitin dahil alam ko na parte ito ng aking kultura.

16.

Nagkaroon ng isang palaro sa inyong paaralan. Nasabihan kang sumali sa larong patintero, ngunit ito ang una mong beses na maglaro nito. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

Tatanggi akong sumali dahil bago ito sa akin at di koi to maisasagawa ng mabuti.

b)

Sasali ako, dahil nais kong matutunan ang laro ng aking lahi.

c)

Hindi ako maglalaro dahil mas nanaisin ko pang maglaro ng basketball.

17.

Bakit mahalagang mapag-aralan at maitala ang mga larong bahagi ng ating kultura?

a)

Dahil ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan na dapat tangkilikin at pangalagaan.

b)

Dahil maaari itong mawala kung ito ay di itatala at pangangalagaan.

c)

Tama ang sagot sa letra a at b.

18.

Nang dumalaw sa bahay ninyo ang iyong lola na mula sa Lanao ay ikinuwento niya ang mga aswang ay hindi naman totoo at kuwentong bayan lamang.

a)

Maniniwala ako dahil karamihan sa kuwentong bayan ay mga kathang isip lamang.

b)

Hindi ako maniniwala dahil totoo talagang may aswang sa Lanao.

c)

Wala sa nabanggit.

19.

Pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang bagong lipat ninyong kamag-aral dahil sa kanyang ipinakitang sayaw at kasuotang Muslim sa inyong programa sa paaralan.

a)

Wala akong gagawin.

b)

Sasawayin ko sila dahil dapat igalang ng bawat isa ang kulturang alam at nakasanayan niya.

c)

Wala sa nabanggit.

20.

May kakayahan ka sa pag-awit. Isinali ka ng guro mo sa musika para maging kasapi ng isang koro sa inyong paaralan na aawit ng mga awitin ng mga katutubong Ifugao para sa nalalapit na pagtatanghal sa plasa.

a)

Wala akong gagawin.

b)

Wala sa nabanggit.

c)

Sasali ako dahil kailangang ipagmalaki ko rin ang mga awitin ng mga Ifugao.

21.

Nakikiisa ako sa paglilinis ng silid-aralan kapag araw na ng paglilinis ng aming pangkat.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Itinatapon ko sa bintana ng sasakyan ang mga balat ng pagkain matapos kumain kapag ako ay nagbibiyahe.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Inilalagay ko muna sa bulsa ang aking basura kapag nakita kong walang basurahan sa paligid.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Nakikiisa ako at tumutulong sa mga programang pangkalinisan at pangkapaligiran sa aming paaralan.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Hindi ko pinupulot ang mga kalat sa pasilyo at iba pang lugar sa paaralan dahil walang nag-uutos sa akin.

a)

Tama

b)

Mali

26.

Kultura ang isa sa nagpapakilala ng isang bansa sa buong daigdig.

a)

Tama

b)

Mali

27.

Mayaman at makulay ang kulturang Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Mahalagang maunawaan at igalang natin ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang kultura ng mga pangkat etniko ng ating bansa.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Ang kultura ay nagpapakulay at nagpapakilala rin sa pagkamamamayan ng mga taong nakatira sa isang bansa.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Makiisa sa iba’t ibang panawagan sa pagpapanatili ng kagandahan ng kalikasan.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Ang kalikasan ang tunay nating tahanan hindi lang ang ating tahanan.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Hindi na dapat makiisa sa iba’t ibang panawagan upang maibalik ang kagandahan ng kalikasan.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Ang mga tao ay nagtatapon ng mga basura kung saan-saan lamang.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Ang malinis na paligid ay nagdudulot ng kaaya-ayang kapaligiran.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Ang disiplina sa pagtatapon ng basura ay masasalamin kahit saan mang panig ng daigdig tayo makarating.

a)

Tama

b)

Mali