wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Bible Characters

Total questions: 100

Worksheet time: 1hrs 20mins

Name
Class
Date
1.

Nang ipoproklama siyang hari sa Israel, nagtago siya sa likod ng mga bagahe.

a)

David

b)

Saul

c)

Hezekias

d)

Josias

2.

Nangako siya kay Jehova: ‘Diyos na Jehova, kung bibigyan n’yo po ako ng anak na lalaki, ibibigay ko siya sa inyo, at habambuhay siyang maglilingkod sa inyo.’

a)

Maria

b)

Elisabeth

c)

Hana

d)

Ruth

3.

Nanalangin siya: “Pagpaumanhinan mo ako, Jehova. Ang lalaki ng tunay na Diyos na kasusugo mo lamang, pakisuyo, paparituhin mo siyang muli sa amin at turuan niya kami kung ano ang dapat naming gawin sa bata na ipanganganak.”

a)

Jacob

b)

Abraham

c)

Manoa

d)

Jose na ama-amahan ni Jesus

4.

Kaya naman sa halip na sa bukid maggiik ng trigo, ginagawa iyon ni ____ sa isang pisaan ng ubas para mabilis niyang maitago ang mga binutil. Nang biglang magpakita ang anghel at tinawag siyang “magiting at makapangyarihan"

a)

David

b)

Saul

c)

Gideon

d)

Samson

5.

Sinabi niya "Hinayaan ng Makapangyarihan-sa-Lahat na maging mapait ang buhay ko.” Pero tinulungan siya ni Jehova na kayanin ang mga problema at naging inapo niya si Jesu-Kristo.

a)

Ruth

b)

Hana

c)

Sara

d)

Noemi

6.

I-type ang sagot. Isang Patutot na nanampalataya sa Diyos na Jehova na nakatira sa Jerico at tumulong sa mga espiya na makatakas.

a)

Raquel

b)

Rebekah

c)

Rahab

d)

Ruth

7.

Sinabi nila: ‘Ayaw na namin sa inyo! Bakit ikaw ang dapat na maging lider namin at bakit si Aaron ang mataas na saserdote? Pare-pareho lang naman ang tingin sa atin ni Jehova.’ Hindi ’yon nagustuhan ni Jehova. - SINO SINO ANG TATLONG LALAKING NAGSABI NITO? (pumili ng tatlong sagot)

a)

Datan

b)

Abiram

c)

Kora

d)

Josue

8.

Ang asawa ni Moises. Nakilala ni ___ si Moises sa tabi ng isang balon, noong pinaiinom niya at ng kaniyang anim na kapatid na babae ang mga kawan ng kanilang ama.

a)

Rebeka

b)

Zipora

c)

Sara

d)

Raquel

9.

Limang ___ ang pinangalanan sa Bibliya (Sisak, So, Tirhaka, Necoh, at Hopra), at hindi na binanggit ang pangalan ng iba, gaya ng mga ___ noong panahon nina Abraham, Moises, at Jose. Titulo ng mga hari ng Ehipto

a)

Cesar

b)

Hari

c)

Paraon

d)

Pinuno

10.

Palibhasa’y atubili si Moises dahil hindi siya matatas magsalita, inatasan ni Jehova si ___ na maging tagapagsalita ni Moises sa harap ni Paraon

a)

Zipora

b)

Josue

c)

Aaron

d)

Kora

11.

Bilang tugon sa awit na pinangunahan ni Moises, umawit si ___ : “Umawit kay Jehova, sapagkat siya ay lubhang naging dakila. Ang kabayo at ang sakay nito ay ibinulid niya sa dagat.”​

a)

Zipora

b)

Miriam

c)

Aaron

d)

Moises

12.

Nang maglaon, pinangalanan siya ng Diyos na Israel, at siya ang naging patriyarka ng bayang Israel.

a)

Jose

b)

Abraham

c)

Jacob

d)

Moises

13.

“Kung tungkol kay Jose, siya ay ibinaba sa Ehipto, at si ___ , na isang opisyal ng korte ni Paraon, na pinuno ng tagapagbantay, na isang Ehipsiyo, ang bumili sa kaniya mula sa kamay ng mga Ismaelita na nagbaba sa kaniya roon.”

a)

Potipar

b)

Abimelec

c)

Juda

d)

Paraon

14.

Gayundin, isang away ang bumangon sa pagitan ng kani-kanilang tagapag-alaga ng kawan. Yamang hindi nais ni Abram na magpatuloy ang gayong kalagayan, iminungkahi niyang maghiwalay sila, sino siya?

a)

Sara

b)

Lot

c)

Hagar

d)

Tagapaglingkod ni Abram

15.

Kinakitaan si ___ ng ilang mabubuting katangian nang hikayatin niya ang kaniyang siyam na kapatid na ihulog si Jose sa isang tuyong balon sa halip na patayin ito, yamang binabalak ni ___ na bumalik nang palihim at iahon si Jose mula sa balon.

a)

Ruben

b)

Juda

c)

Benjamin

d)

Neptali

16.

Nang manganak siya ng kambal, ang una sa lumabas ay mapula ang buong katawan at tulad ng mabalahibong damit, kaya pinangalanan ang sanggol na ___

a)

Jacob

b)

Esau

c)

Cain

d)

Saul

17.

Sinabi ni ___ sa tagapagdala niya ng sandata: “Halika, tumawid tayo papunta sa himpilan ng mga di-tuling lalaking ito. Baka tulungan tayo ni Jehova, dahil makapagliligtas si Jehova marami man o kaunti ang gamitin niya.”

a)

David

b)

Hezekias

c)

Asa

d)

Jonatan

18.

Nang malapit na siyang isuko sa mga Filisteo, “kinilos siya ng espiritu ni Jehova, at ang mga lubid na nasa kaniyang mga bisig ay naging gaya ng mga sinulid na lino na nasunog sa apoy, anupat ang mga pangaw sa kaniya ay natunaw mula sa kaniyang mga kamay.” Pagkatapos ay kumuha siya ng isang panga ng lalaking asno at pinabagsak ang isang libong kaaway sa pamamagitan nito.

a)

Samson

b)

Goliath

c)

David

d)

Si Goliath nang mabait pa siya

19.

Sinabi niya: "Narito! Ang aliping babae ni Jehova!"

a)

Maria

b)

Elisabeth

c)

Ruth

d)

Hana

20.

Sino ang nagsabi nito: “Huwag kayong magpalinlang kay Hezekias, sapagkat hindi niya kayo kayang iligtas.”

a)

Ramsases

b)

Rabsases

c)

Senakerib

d)

Nabucodonosor

21.

Nanalangin siya ng marubdob at sinabi: “At ngayon, O Jehova na aming Diyos, iligtas mo kami mula sa kaniyang kamay, upang malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw, O Jehova, ang tanging Diyos.”

a)

Josias

b)

Manases

c)

Hezekias

d)

David

22.

“Narinig ko ang iyong panalangin. Nakita ko ang iyong mga luha. Narito, daragdagan ko ang iyong mga araw ng labinlimang taon; at mula sa palad ng hari ng Asirya ay ililigtas kita at ang lunsod na ito, at ipagtatanggol ko ang lunsod na ito.” Sino ang kausap ni Jehova dito?

a)

Manases

b)

Josias

c)

Hezekias

d)

Ahaz

23.

Siya’y hindi lamang totoong mayaman kundi siya’y iginagalang din noon bilang isang mahabaging hukom at tagapanguna. Sinasabi ng Bibliya na siya’y “naging ang pinakadakila sa lahat ng taga-Silangan.”

a)

Job

b)

Moises

c)

Abraham

d)

David

24.

Isang Kristiyano na sa Bibliya ay may pinagsisikapan niyang pagtagumpayan ang pagiging mahiyain - siya ay may mabuting ulat na sa maraming kongregasyon kahit sa edad na 19 o 21 anyos.

a)

Marcos

b)

Timoteo

c)

Tito

d)

Jonas

25.

Isang Propeta na naging Tagapayo ni Haring Hezekias

a)

Jeremias

b)

Isaias

c)

Oseas

d)

Joel

26.

Ang kaniyang pangalan ay nangangahulugang "Isang Piraso ng Bato"

a)

Pedro

b)

Juan

c)

Mateo

d)

Simon

e)

Dwayne Johnson

27.

Sino ang asawa ng babae sa larawan? (I-type ang sagot)

(a)  

28.

Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas mula sa bahay-bata ay pinabanal kita. Ginawa kitang propeta sa mga bansa.”

a)

Isaias

b)

Misyonero na si Pablo

c)

Jeremias

d)

Zefanias

29.

Anak ni Hana

a)

Jemuel

b)

Samuel

c)

Lemuel

d)

Elkana

30.

Pinapunta siya ni Jehova sa isang lunsod ng Asirya pero pumunta siya sa direksyong salungat sa kaniyang atas.

a)

Elias

b)

Eliseo

c)

Jonas

d)

Senakerib

e)

Saul

31.

Ibig sabihin ng pangalan niya ay Kapahingahan, o Kaaliwaan o Kaginhawaan

a)

Noe

b)

Job

c)

Lucas

d)

Samuel

32.

Tungkol sa kaniya ay sinabi ni Jesus: "Ang taong ito ay isang piniling sisidlan sa akin upang dalhin ang aking pangalan sa mga bansa at gayundin sa mga hari at sa mga anak ni Israel."

a)

Saul ng Tarso

b)

Haring Saul

c)

Saul ng Juda

d)

Saul ng Jerusalem

33.

Sinabi niya: “Si Jehova, na nagligtas sa akin mula sa pangalmot ng leon at mula sa pangalmot ng oso, siya ang magliligtas sa akin mula sa kamay ng Filisteong ito.”

a)

Josias

b)

Solomon

c)

David

d)

Jeremias

34.

Siya ay di-makasarili, anupat iniwan ang isang prominenteng posisyon bilang katiwala ng kopa sa looban ni Artajerjes upang isagawa ang muling pagtatayo ng mga pader ng Jerusalem

a)

Ezra

b)

Esther

c)

Mordekai

d)

Nehemias

35.

Pangalan ng Ikalawang anak ni David kay Bath-Sheba (Pumili ng dalawang sagot)

a)

Jedidias

b)

Solomon

c)

Natan

d)

Simei

e)

Absalom

36.

Pagkatapos ng pagpaslang sa kaniyang ama at ng paglalapat ng kamatayan sa mga nagsabuwatan, ang walong-taóng-gulang na si ___ ay naging hari ng Juda.

a)

Jotham

b)

Hoseas

c)

Oseas

d)

Josias

e)

Hezekias

37.

Sino ang nasa larawan?

a)

Aaron

b)

Moises

c)

Abraham

d)

Job

e)

Dalawang Tapyas na Bato

38.

Wala siyang sinabing anumang salita sa Bibliya, pero ang dugo niya ay tila sumisigaw alang alang sa katarungan. Sino siya?

a)

Jesus

b)

Abel

c)

Enoc

d)

Jezebel

39.

Sino ang isa pang kasama ni Noemi at Ruth bago sila hikayatin ni Noemi na iwan siya?

a)

Opra

b)

Orpa

c)

Ropa

d)

Rapo

e)

Winfrey

40.

Sinabi ni ___ kay Ruth: "Anak ko, huwag ka nang pumunta sa ibang bukid. Dito ka na lang mamulot ng uhay, at huwag kang lalayo sa mga lingkod kong babae."

a)

Jesse

b)

Obed

c)

Boaz

d)

Laban

41.

Hindi binabanggit sa aklat ng ___ ang pangalan ng Diyos.

a)

Esther

b)

Job

c)

Awit

d)

Genesis

42.

Saserdote ng Kataas-taasang Diyos. Hari ng Salem

a)

Josias

b)

Jeroboam

c)

Melquisedec

d)

David

43.

Sinabi niya kay Jehova: "Malayong mangyari na patayin mo ang matuwid kasama ng masama, sa gayon ay pareho ang magiging kahihinatnan ng matuwid at ng masama! Malayong mangyari na gawin mo iyan. Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong lupa kung ano ang tama?"

a)

Job

b)

Elihu

c)

Moises

d)

Abraham

44.

Bago siya mamatay sinabi niya: "Ngunit kung para sa akin at sa aking sambahayan, maglilingkod kami kay Jehova.”

a)

Moises

b)

Josue

c)

David

d)

Aaron

45.

Imbes na ipapatay si ___, siya ang inilagay ni Nabucodonosor bilang pinuno ng lahat ng marurunong na lalaki at tagapamahala ng buong distrito ng Babilonya.

a)

Daniel

b)

Mesac

c)

Sadrac

d)

Abednego

46.

Siya ang nagsulat ng mga hula tungkol sa huling araw at isa rito ay ang hula tungkol sa wakas na kababasahan: “Sila ay tinipon ng mga ito sa lugar na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.”

a)

Juan Bautista

b)

Apostal Juan

c)

Juan (apostol)

d)

Ezekiel

e)

Jesus

47.

Hari ng Babilonya sa panahon ni Daniel

a)

Nabucodaunosaur

b)

Nabucodonosor

c)

Nabucudonosor

d)

Nabukodonosor

48.

Itinuro niya ang kautusan ng Diyos sa mga nakabalik na Judio. Inihanda niya ang kaniyang puso para maipaliwanag niya ang kautusan.

a)

Nehemias

b)

Ezra

c)

Jeremias

d)

Isaias

e)

Ezekiel

49.

Sino ang nasa larawan?

a)

Samuel

b)

Eliseo

c)

Elias

d)

Noe

50.

“Sa pananampalataya si ___ ay inilipat upang hindi makakita ng kamatayan, at hindi siya masumpungan saanman sapagkat inilipat siya ng Diyos; sapagkat bago pa ang pagkakalipat sa kaniya ay nagkaroon siya ng patotoo na lubos niyang napalugdan ang Diyos.”

a)

Enoc

b)

Abel

c)

Noe

d)

Lamec

51.

Sinabi ni Jesus sa babae: “Ako ang pagkabuhay-muli at ang buhay. Pinaniniwalaan mo ba ito?” Sumagot ang babae: "Naniniwala ako." Sino ang babae?

a)

Maria Magdalena

b)

Marta

c)

Maria (kapatid ni Lazaro)

d)

Mari (ina ni Jesus)

52.

Mahal ni Jacob si ___ kaya pumayag siyang magsilbi nang pitong taon para mapangasawa ito.

a)

Lea

b)

Rebeka

c)

Raquel

d)

Sara

53.

Habang sumasalok siya ng tubig sa bukal, may lalaking humingi ng tubig sa kaniya. Binigyan niya ito agad ng tubig at sumalok din siya para sa mga kamelyo nito.

a)

Rebeka

b)

Raquel

c)

Sara

d)

Ruth

54.

Kahit na baog siya at delikado dahil palipat-lipat sila ng lugar, sinuportahan niya ang asawa niya habang sinusunod nito ang mga tagubilin ng Diyos

a)

Sara

b)

Raquel

c)

Lea

d)

Rebeka

55.

Sa utos ng Diyos, ipinatawag ni ___ si Barak at sinabing pangunahan nito ang hukbo ng Israel sa pakikipaglaban sa mga Canaanita.

a)

Jael

b)

Debora

c)

Penina

d)

Elkana

56.

Tumanggap siya ng suhol sa mga Filisteo para pagtaksilan si Samson, ang tagapagligtas ng mga Israelita mula sa mga Filisteo.

a)

Cecilia

b)

Esther

c)

Babaeng Shulamita

d)

Delaila

57.

Siya ang magandang dalaga na pangunahing karakter sa aklat ng Bibliya na Awit ni Solomon.

a)

Babaeng Shungalita

b)

Babaeng Shulamita

c)

Babaeng Sulamita

d)

Babaeng Hulamita

58.

May dalawa siyang anak na babae at nakatira sila ng pamilya niya sa lunsod ng Sodoma

a)

Abigail

b)
d)

Asawa ni Lot

59.

Asawa siya ng mayaman pero mabagsik na lalaking si Nabal. Pero si ___ ay matalino at mapagpakumbaba. Maganda siya at malapít sa Diyos.

a)

Babaeng Shulamita

b)

Abigail

c)

Delaila

d)

Bath-Sheba

60.

Natalo si Sisera sa pakikipaglaban niya sa Israel kaya naghanap siya ng matataguan. Pinapasok siya ni ___ sa tolda niya at pinagpahinga. Habang natutulog si Sisera, pinatay siya ni ___

a)

Esther

b)

Eva

c)

Jezebel

d)

Jael

61.

Asawa siya ng hari ng Israel na si Ahab. Hindi siya Israelita at lingkod ni Jehova. Mananamba siya ni Baal na diyos ng Canaan.

a)

Lea

c)

Jezebel

62.

Sa isang pagkakataon, ipinakita niyang mapagbigay siya nang ibuhos niya sa ulo at paa ni Jesus ang “mamahalin at mabangong langis.”

a)

Maria (kapatid nina Marta at Lazaro)

b)

Maria Magdalena

c)

Di pinangalanang babae sa Ebanghelyo

d)

Babaeng Samaritano

63.

Siya ang pinakaunang babae at ang unang babaeng binanggit sa Bibliya. (I-type ang sagot)

(a)  

64.

"Ngayon ay nababagabag ang aking kaluluwa, at ano ang sasabihin ko? ... iligtas mo ako mula sa oras na ito." Sino ang nagsabi nito?

a)

Jonas

b)

David

c)

Asap

d)

Jesus

65.

Manunulat ng Ebanghelyo na hindi apostol (Pumili ng isa o higit pa)

a)

Juan

b)

Marcos

c)

Lucas

d)

Mateo

66.

Personal na nakatagpo ni Apostol Pablo sa Paglalakbay bilang Misyonero (Pumili ng isa o higit pa)

a)

Tito

b)

Timoteo

c)

Filemon

d)

Lucas

67.

Mga kapatid ni Jesus na manunulat ng Kasulatan (Pumili ng isa o higit pa)

a)

Manunulat ng Juan

b)

Manunulat ng Pedro

c)

Manunulat ng Santiago

d)

Manunulat ng Judas

68.

Alagad ni Jesus: Tinatawag ding Simon

a)

Mateo

b)

Lucas

c)

Juan

d)

Pedro

69.

Alagad ni Jesus: isang Maniningil ng Buwis

a)

Mateo

b)

Marcos

c)

Lucas

d)

Juan

70.

Alagad ni Jesus: Tinatawag din siyang "ang Masigasig"

a)

Bartolome

b)

Tadeo

c)

Simon

d)

Felipe

71.

Alagad ni Jesus: Kapatid ni Apostol Juan

a)

Pedro

b)

Santiago

c)

Andres

d)

Lucas

72.

Apostol ni Jesus: Kapatid ni Pedro

a)

Bartolome

b)

Juan

c)

Andres

d)

Santiago

73.

Bagong Apostol na Naging kapalit siya ni Judas Iscariote

a)

Lucas

b)

Marcos

c)

Matias

d)

Pablo

74.

Kapatid sa Ina ni Jose na anak ni Jacob

a)

Dan

b)

Neptali

c)

Benjamin

d)

Ruben

75.

Pangalan ng Dalawang Anak ni Jose (na anak ni Jacob) na naging ama ng 2 tribo sa Israel (Pumili ng 2 sagot)

a)

Manases

b)

Efraim

c)

Neptali

d)

Dan

76.

Sinabi ni Jacob kay ___ , na siyang tatanggap ng dobleng bahagi ng panganay sa mana: “Ibinibigay ko sa iyo ang isang balikat ng lupain na higit kaysa sa iyong mga kapatid."

a)

Benjamin

b)

Juda

c)

Jacob

d)

Jose

77.

Mga anak ni Jacob na pumatay sa lahat ng nakatira lunsod ni Sikem na humalay kay Dina. (Pumili ng dalawang sagot)

a)

Simeon

b)

Levi

c)

Ruben

d)

Juda

78.

Anak ni Jacob : Angkan na pinili ni Jehova para pagmulan ng mga Saserdote sa Bansang Israel

a)

Levi

b)

Juda

c)

Benjamin

d)

Jose

79.

Inihula ni Jacob tungkol sa anak niya: "Ang setro ay hindi hihiwalay kay ___ , at ang baston ng kumandante ay hindi maaalis sa pagitan ng mga paa niya, hanggang sa dumating ang Shilo." Manggagaling sa angkan niya ang Mesiyas. Sino siya?

a)

Jose

b)

Manases

c)

Efraim

d)

Juda

80.

Ang pangalan niya ay nangangahulugang Minamahal

a)

David

b)

Juan

c)

Mateo

d)

Jesus

81.

Sinabi ni Jacob: "ikaw ang panganay ko, ang aking sigla at ang pasimula ng kakayahan kong magkaanak; nakahihigit ka pagdating sa dangal at lakas. Pero hindi na ngayon, dahil naging mapusok kang gaya ng nagngangalit na tubig, dahil sumampa ka sa higaan ng iyong ama. Dinumhan mo noon ang higaan ko. Talagang sumampa siya roon!" - Sino ang kausap niya?

a)

Juda

b)

Ruben

c)

Levi

d)

Simeon

82.

Huling hari ng Juda

a)

Zedekias

b)

Hezekias

c)

Josias

d)

Jeroboam

83.

Haring kumalaban sa isang milyong kawal ng Etiope - at nanalangin para tulungan sila ni Jehova.

a)

David

b)

Asa

c)

Hezekias

d)

Jotham

84.

Sino ang mas naunang nabuhay sa lupa?

a)

Noe

b)

Moises

c)

Elihu

d)

Abraham

85.

Nabuhay siya ng 969 na taon

a)

Enoc

b)

Lamec

c)

Matusalem

d)

Adan

86.

Pangalan ng mga anak ni Noe (Pumili ng higit pa sa isang sagot)

a)

Sem

b)

Ham

c)

Sam

d)

Japet

87.

Nagrebelde siya sa kapatid niyang inatasan ni Jehova kaya siya pinarusahan ng Diyos ng Ketong.

a)

Naaman

b)

Gehazi

c)

Eliseo

d)

Miriam

88.

Sino ang mas huling nabuhay sa lupa?

a)

Hezekias

b)

Manases

c)

Josias

d)

Ahaz

89.

Tungkol sa mabuting hari na ito na sumulat ng maraming awit , ganito ang sinabi ni apostol Pedro: “Hindi umakyat si ___ sa langit.” (Gawa 2:34)

a)

David

b)

Josias

c)

Hezekias

d)

Lazaro

90.

Pangalan ng Anghel na kumausap kay Maria

a)

Miguel

b)

Gabriel

c)

Peniel

d)

Kerubin

e)

Serapin

91.

"Pero nang si ___ na arkanghel at ang Diyablo ay magtalo tungkol sa katawan ni Moises, hindi nangahas si ___ na hatulan ang Diyablo gamit ang mapang-abusong mga salita" (Judas 9) Sino ang arkanghel?

a)

Gabriel

b)

Miguel

c)

Baal

d)

Beelzebub

92.

Sino o Ano ang mas naunang umiral?

a)

Jesus

b)

Satanas

c)

Jehova

d)

Ang Langit

e)

Mga Elemento ng Kalikasan

93.

Ang pangalan niya ay nagmula sa Yeho at Shua na nangangahulugang "Si Jehova ay Kaligtasan" (Puwedeng pumili ng sagot more than 1)

a)

Jesus

b)

Josue

c)

Joel

d)

Isaias

94.

Nakipag usap sa kaniya ang Diyos sa harap ng Bundok habang may puno na nagniningas sa apoy pero hindi nasusunog

a)

Gideon

b)

Moises

c)

Job

d)

David

95.

Binigyan siya ng bagong pangalang Israel

a)

Abraham

b)

Juda

c)

Jacob

d)

Moises

96.

Yumukod siya sa kaniyang kapatid ng pitong beses nang sasalubungin niya ito pagkatapos ng maraming taong di nila pagkikita.

a)

Jose

b)

Benjamin

c)

Juda

d)

Jacob

97.

Ang pangalan ng unang naging asawa ni David

a)

Bath-Sheba

b)

Abigail

c)

Ahinoam

d)

Mical

98.

Ang manunulat ng aklat ng Job

a)

Moises

b)

Solomon

c)

Job

d)

Abraham

99.

Ang salitang _ ay tumutukoy ito sa isang naiibang digmaan, ang “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat,” kung saan ang “mga hari ng buong tinatahanang lupa” ay titipunin para sa pangwakas na pakikidigma sa Diyos.

(a)  

100.

Dati ang Lunsod na ito ay tinawag na Salem (Genesis 14:18) Kung saan ang kanilang Hari ay si Melquizedek - ang unang Hari na Saserdote rin - at ginamit siya ni Jehova bilang halimbawa - na sa hinaharap si Jesus ay magkakaroon din ng dobleng papel gaya niya. (Awit 110:4) Ang Salem ay mula sa salita na nangangahulugang "Kapayapaan" / Tulad ng pangalang "Solomon"

(a)