NEW
Font size
WorksheetsPaunang Pagtataya Q4 Modyul 3 Florante at Laura
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Sa pagsulat ng monologo, kaninong damdamin ang ipinakikita nito?
A. sa babasa
B. sa tauhan
C. sa may-akda
D. sa manonood
2. Anong uri ng pahayag ang “dalawang bungang nalagas”?
A. simbolo
B. talasalitaan
C. eupemistikong pahayag
D. matalinghagang ekspresyon
3. Ano ang kahulugan ng tayutay na “katulad ng isang bulak, malambot”?
A. mabait na tao
B. kawangis ng bula
C. pagtutulad sa bulak
D. mapagkumbabang nilalang
4. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pahayag na “Parang ilaw na bagong sindi ang kaniyang mga mata nang marinig ang balita tungkol sa pag-angat niya sa posisyon?”
A. kagalingan
B. maaasahan
C. maalalahanin
D. pag-asa
5. Anong damdamin ang mayroon sa bahaging ito ng monologo? “Paano na ‘ko? Paano ako mabubuhay sa magulo at masalimuot na mundong ‘to?”
A. malungkot
B. masaya
C. nangungulila
D. takot
6. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng monologo?
A. emosyon
B. iskrip
C. tauhan
D. salita
7. Ano ang hinaing ng morong gerero nang mapadpad siya sa loob ng kagubatan?
A. Inagaw ang kaniyang kasintahan
B. Malabong maging sila ng kaniyang kasintahan.
C. Naayos ang buhay niya dahil sa kaniyang natamo
D. Paaalisin ang mga taong nagbigay sa kaniya ng pasakit.
8. Anong damdamin ang lutang na lutang sa pahayag sa ibaba?
“Mahiganting langit, bangis mo’y nasaan, ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay, bago’y ang bandila ng lalong kasam’an, sa Reynong Albanya’y iniwawagayway.
A. galit
B.Paghihiganti
C. Pagmamahal
D. takot
9. Ano ang kahulugan ng pahayag na may salungguhit?
Bagun-taong basal ang anyo at tindig, kahit nakatali kamay paa’t leeg, kung si Narciso’y tunay na Adonis, mukha’y sumilang sa gitna ng sakit
A. binata
B. makisig
C.matikas
D. matipuno
10. Ano ang kahulugan ng salitang “kamay” sa saknong sa ibaba?
“Wala na, Laura ikaw na nga lamang ang makalunas niring kahirapan; damhin ng kamay mo ang aking katawan at bangkay man ako’y muling mabubuhay!”
A. kagalingan
B. pagkalinga
C. pananamantala
D. sakit
