NEW
Font size
WorksheetsARALING PANLIPUNAN 9 - EKONOMIKS
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa supply maliban sa isa. Ano ito?
Pagbabago sa bilang ng bumibili
Pagbabago sa Halaga ng salik sa proksyon
Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
Pagbabago sa Teknolohiya
2. Ang pagtaas ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa _____________.
Kaliwa
Kanan
Pababa
Pataas
3. Ang pagpasok sa negosyo ay malaking pakikipagsapalaran. Upang maging matagumpay, kailangang pagtuunan ng masusing pag-aaral ang pamamalakad nito. Kung ikaw ay nagnanais magnegosyo, ano ang pinakanararapat mong gawin?
Gumawa ng sariling estratehiya sa pagnenegosyo Mga salik na nakaaapekto sa Supply
Ipauubaya ang pamamahala ng itatayong negosyo sa taong malapit sa iyo
Humingi ng payo sa mga eksperto upang maging matatag ang negosyo
Subukang gawin ang mga bagay na naiisip tungkol sa pagnenegosyo
4. Si Ana ay isang negosyante, siya ay nagtitinda ng bigas at iba pang mga pangunahing pangangailangan. Ano ang pinakamainam niyang gawin ngayong panahon ng pandemya?
Iwasan ang pagsasamantala lalo na sa panahon ng kagipitan o kakulangan
Magbagsak presyo upang makatulong kahit ikalulugi niya pa ito
Magdagdag ng maraming paninda
Taasan ang presyo ng mga paninda upang makakuha ng malaking kita
5. Ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais. Sa panahon na mas mataas ang presyo ng mais, nagaganyak siyang gamitin ang kabuuang lupa bilang taniman ng mais. Anong salik na nakakaapekto sa supply ito napabilang?
Ekspektasyon ng Presyo
Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda
Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
Pagbabago sa teknolohiya
6. Ano ang tawag sa kondisyon na kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon, ay itatago ang produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap?
Bandwagon Effect
Entrepreneurship
Hoarding
Scarcity
7. Makalumang pamamaraan ng pagtatanim ng gulay ang ginagamit ni mang Jose kung kaya’t maliit ang bilang ng mga gulay ang kanyang nasusuplay sa palengke. Anong salik ang nakakaapekto sa dami ng supply ito napabilang?
Pagbabago sa bilang ng bumibili
Pagbabago sa Halaga ng salik sa produksyon
Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
Pagbabago sa Teknolohiya
8. Alin sa sumusunod ang hindi salik sa paggawa ng produkto?
Kapital
Kustomer
Lupa
Manggawa
9. Si Rosa ay nagtitinda ng mga kakanin. Ngayong panahon ng pandemya hindi maiiwasang tataas ang presyo ng mga kinakailangang sangkap. Ano ang nararapat niyang gawin?
Gumamit ng efficient na paraan tulad ng paggamit ng kakaunting salik upang makabuo ng maraming produkto
Gumamit ng kakaunting salik at ipagbili sa mas mataas na presyo
Gumamit ng normal na mga sangkap at ipagbibili pa rin ang produkto sa nakasanayang presyo kahit tumaas ang halaga ng mga salik produksiyon.
Titigil muna sa pagtitinda sapagkat wala masyadong customer
10. Malakas na negosyo ngayon ang pagtitinda ng malunggay na pandesal sa pamilihan, kaya si mang Roel ay nahikayat din na magbenta ng nasabing produkto. Aling salik ang nakakaapekto sa pagdami ng supply?
Ekspektasyon ng presyo
Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda
Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
Pagbabago sa Teknolohiya
