NEW
Font size
WorksheetsFilipino 6- Review 4.3
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ako ay nakapagluto na ng almusal (ngunit) hindi pa ako nakakaligo. Ano ang tawag sa pang-ugnay na nasa loob ng saklong sa pangungusap?
pang-angkop
pang-ukol
pangatnig
wala sa nabanggit
Ang puting bulaklak ay mahalimuyak. Anong uri ng pang-ugnay ang ginagamit sa pangungusap?
pang-angkop
pang-ukol
pangatnig
wala sa nabanggit
__________________ “Mental Health Awareness” ang dadaluhan ng mga guro sa darating na Sabado. Anong pang-ugnay ang dapat isulat sa patlang para mabuo ang pangungusap?
kina
tungkol sa
ayon sa
laban sa
Naku! Ang mga sasakyan ay nagbubuga ng maitim na usok na tiyak makakadagdag sa polusyon sa hangin. Anong uri ng pangungusap ito ayon sa gamit?
paturol
pautos
patanong
padamdam
Ang mga sumusunod ay pasaylaysay na pangungusap, MALIBAN SA ISA. Alin dito?
Si Nato ay nagpapatimpla ng gatas.
Labhan mo ang aking mga damit at sapatos.
Iniisip ni inay ang kapakanan naming lahat.
Si Juan ay naghihintay na mahulog ang prutas sa kanyang bibig.
Ano ang mangayayari sa ating planeta sa mga susunod na taon? Anong uri ng pangungusap ito ayon sa gamit?
paturol
pautos
patanong
padamdam
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pautos o pakiusap?
Saan tayo mamamasyal bukas?
Maaari mo bang kunin ang telepono ko?
Aray! Ang sakit ng ngipin ko.
Tinuruan kami ng magandang asal ni Binibining Doblado.
Sana ay maganda____ kinabukasan ang naghihintay sa atin. Ano ang tamang pang-angkop dito?
ng
g
na
wala sa nabanggit
Ano ang tawag sa kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan
sa iba pang mga salita sa pangungusap?
Pangatnig
Pang-angkop
Pang-ukol
Pangatnig at Pang-angkop
Ano ang tawag sa kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan
sa iba pang mga salita sa pangungusap?
Pangatnig
Pang-angkop
Pang-ukol
Pangatnig at Pang-ukol
