WorksheetsPANI2 FINAL EXAM
Total questions: 17
Worksheet time: 28mins
Buong Pangalan-Kurso-Grupo
Ang alamat. mitolohiya at mga karunungang bayan ay sumikat sa anong panahon?
Panahon ng Kastila
Panahon ng Amerikano
Sinaunang Panahon
Panahon ng Hapon
Ang pangunahing paksa ng panitikan sa Panahon ng Amerikano ay tungkol sa _________.
pag-ibig
kapaligiran
relihiyon
batas militar
Nakabatay ang Sinaunang Panahon ng Panitikan sa ________.
Himagsikan
Kagandahang-asal
Rebolusyon
Kapaligiran at Kalikasan
Ang karaniwang pagpapasa ng panitikan noong Sinaunang Panahon ay ________.
pasalindila
pa-elektorniko
pasulat
palipad-hangin
Ang Tulang ipinamana sa atin ng mga Hapon ay ang _______.
Tanaga
Haiku
Awit
Korido
Ito'y talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig ng kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
panitikan
kultura
lipunan
wika
Ang panitikan ay hindi pwedeng ihiwalay sa ____.
wika
sipnayan
kasaysayan
agham
Ang lahat ay layunin ng Kilusang Propaganda maliban sa isa,
Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko.
Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Espansya.
Salitang Latin na pinagmulan ng panitikan.
litera
litra
literatura
titik
Pillin ang tamang pares ng awiting bayan at mensaheng ipinababatid nito.
Si Pilemon, si Pilemon- kalugod-lugod na paraan ng pamumuhay
Ili-ili Tulog Anay- pagmamahal ng magulang sa anak
Lawiswis Kawayan- pagmamahal ng magulang sa anak
Ili-ili Tulog Anay- maling paraan ng pamumuhay
Sa ating bansa ay maraming genre ng akdang pampanitikan, alin sa mga akdang pampanitikan
na inaawit ng ating mga ninuno noong unang panahon ang lumitaw sa anyong patula na sumasalamin sa mga kultura at paniniwala ng mga Pilipino?
(a)
Panitikang binubuo ng apat na taludturan na may pituhang pantig.
(a)
Tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap.
Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
(a)
Tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t
ibang kabanata.
(a)
Sa panahong ito ay may temang rebolusyonaryo.
(a)
Tukuyin ang Anyo, Paksa, Tungkuling Ginagampanan ng Persona sa loob ng akda, Simbolismo at Teoryang Pampanitikang magagamit sa pagsusuri ng Tulang “Magkano ang Inyong Boto?” ni Rolando A. Bernales. Ipaliwanag ang bawat bahagi ng pagsusuri. (20 puntos)
Magkano ang Inyong Boto?
ni Rolando A. Bernales
Magkano ang inyong boto, Mang Juan?
Sapat na ba ang isang kilong bigas
at isang maliit na lata ng sardinas?
Aling Maria, inyo rin bang ipinagbibili,
ang inyong pangarap at maging inyong bukas?
Ano o magkano ang dagdag na bayad
na inyong hinihingi kung pati kinabukasan
nina Boy at Nene ay kasamang babayaran?
Sapat na marahil ang ilang dadaanin
pambili ninyo ng asin, kamatis at daing…
Hindi n’yo ba naiisip, Aling Maria at Mang Juan:
Kapag naluklok, mga bu!ayang kandidato
lalo nilang padudukhain, abang buhay ninyo?
Sapagkat, kung uunlad ang lahat ng mahihirap
baka ni isang boto, wala na silang matanggap
dahil wala na ring sa patalim nila ay yayakap!
Para sa libu-libong Mang Juan at Aling Maria sa ating lipunan
