NEW
Font size
WorksheetsNatatanging Pilipinong Nakipaglaban para sa Kalayaan Quiz
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Si Apolinario Mabini ay isa sa mga nakipaglaban para sa kalayaan. Alin sa mga sumusunod ang bahaging kanyang ginampanan sa kasaysayan ng Pilipinas?
Pag-akda ng Saligang Batas ng Malolos
Pagtatatag ng Republika ng Biak-na-Bato.
Paglulunsad ng pinakamahabang pag-aalsa.
Pagsisilbi bilang tagapayo ni Emilio Aguinaldo.
Si Marcelo H. del Pilar na kilala sa tawag na Plaridel ay nakipaglaban sa mga Espanyol upang makamit natin ang kalayaan. Paano niya ito isinagawa?
Sa pamamagitan ng pamamahayag
Sa pamamagitan ng armadong pakikipaglaban
Sa pamamagitan ng pakikipagdayalogo sa mga Espanyol
sa pamamagitan ng pagsasadula nasa buhay ng mga Espanyol
Namuno sa paghihimagsik laban sa Kastila sa Batangas.
Emilio Aguinaldo
Miguel Malvar
Melchora Aquino
Gregorio del Pilar
Bilang kasapi ng Kilusang Propaganda noong 1872, ano ang naging kontribusyon ni Graciano Lopez-Jaena sa sambayanang Pilipino?
Naglaan siya ng malaking pondo para sa samahan.
Gumawa siya ng mga pagtatanghal upang isiwalat ang maling
pamamahala ng mga Espanyol.
Inaruga niya ang mga Propagandistang nakaramdam ng
pangungulila sa Inang Bayan.
Itinatag niya ang pahayagang La Solidaridad na naglalaman ng
mga artikulong nagsisiwalat sa pang-aabuso at maling
pamamalakad ng mga Espanyol.
Pinuno ng hukbong nakipaglaban sa mga Amerikano sa Balangiga, Samar.
Vicente Lukban
Emilio Aguinaldo
Antonio Luna
Apolinario Mabini
Ang mga makabayan at natatanging Pilipino ay buong giting na nakipaglaban sa mga dayuhang mananakop sa iba’t ibang pamamaraan. Ano ang kanilang magkakatulad na pinahahalagahan?
Pagbubuklod ng mag-anak.
Pagpapahalaga sa ari-arian.
Pagpapahalaga sa kalayaan.
Pagpapahalaga sa kapangyarihan.
Iba’t ibang paraan ang ginamit ng mga bayani upang makamit ang kalayaan ng bansa. Ilan sa mga ito ay sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez-Jaena. Anong paraan ang ginamit nila sa pakikipaglaban upang nakamit ang kalayaan ng bansa?
Pakikipaglaban gamit ang armas.
Pagsisilbi sa mga dayuhang Espanyol.
Pakikipaglaban sa pamamagitan ng panulat.
Pagtalima sa mga utos ng mga dayuhang mananakop.
Si Heneral Gregorio del Pilar ay tinaguriang Bayani ng Pasong Tirad. Paano niya ipinagtanggol ang ating bansa?
Pinangalagaan niya ang pagtakas ni Emilio Aguinaldo sa
pamamagitan ng pagharang sa mga sundalong Amerikano.
Pinagpatuloy ang laban sa Pasong Tirad hanggang napasuko ang mga sundalong Amerikano
Pinasunog niya ang mga kagamitan ng mga sundalong Amerikano.
Tinugis niya ang mga kawal na Amerikano sa Pasong Tirad.
Maituturing na pinakabata at kauna-unahang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.
Antonio Luna
Emilio Aguinaldo
Macario Sakay
Gregorio del Pilar
Isa si Macario Sakay sa mga nakipaglaban para sa kasarinlan ng bansa. Paano niya ito isinagawa?
Nagpasimula ng labanan sa mga mananakop.
Nagtatag ng sariling Republika sa Katagalugan.
Gumamit ng taktikang militar na natutuhan sa Europa.
Nagtatag ng samahan upang lumaban sa mga Amerikano.
