wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Written Work 4.1 - Filipino 5

Total questions: 20

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pautos na gamit ng pangungusap?

a)

Pakiabot naman ang aking charger na nasa mesa.

b)

Marami akong natutuhan sa Filipino kahapon.

c)

Bitbitin mo ang mga pinamili ko.

d)

Saan ka pupunta?

2.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng patanong na gamit ng pangungusap?

a)

Kumusta na kaya si Yuki?

b)

Puwede bang pakikuha ang sandok sa kusina?

c)

Doon tayo sa may kanto sasakay ng dyip.

d)

Yehey! Nanalo ako sa Math Quiz Bee.

3.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pasalaysay na gamit ng pangungusap?

a)

Kailangang maging mabuti akong halimbawa sa pagiging maayos, disiplinado, at may kusa.

b)

Lutuin mo nga ang daing at tinapa para sa ating almusal.

c)

Aba! Napakaayos ng gamit mo.

d)

Puwede ka bang makinig sa mga payo?

4.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):

Puwede mo ba akong turuan mag-bake ng custard cake?

a)

Pasalaysay

b)

Pautos

c)

Patanong

d)

Pakiusap

5.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):

Ano ba ang kulay na magko-complement sa kulay lila?

a)

Pasalaysay

b)

Pautos

c)

Patanong

d)

Pakiusap

6.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):

Kumuha ka nga ng yelo sa ating ref.

a)

Pasalaysay

b)

Pautos

c)

Patanong

d)

Pakiusap

7.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):

Maaari bang tulungan mo ako sa asignatura natin sa Matematika?

a)

Pasalaysay

b)

Padamdam

c)

Patanong

d)

Pakiusap

8.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):

Aray! Napaso ako.

a)

Pasalaysay

b)

Padamdam

c)

Patanong

d)

Pakiusap

9.

Tukuyin ang ayos (structure) ng pangungusap.

Natutulog ang mga bata sa kama.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

10.

Tukuyin ang ayos (structure) ng pangungusap.

Kami ay magbabasa ng mga aklat sa silid-aklatan.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

11.

Tukuyin ang ayos (structure) ng pangungusap.

Maglalaro sina Nina at Nilo ng badminton sa Palms Country Club.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

12.

Tukuyin ang ayos (structure) ng pangungusap.

Nakalimutan ni Lambert ang kanyang payong sa labas ng kainan.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

13.

Tukuyin ang ayos (structure) ng pangungusap.

Ang mga magkakapatid ay nagdesisyong pumunta sa Jollibee para kumain.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

14.

Tukuyin ang ayos (structure) ng pangungusap.

Itinago nina Alex at Jovic ang kanilang laruan mula kay Oprah.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

15.

Punan ng tamang pang-angkop ang mga sumusunod na salita.

Bumili ako ng masarap_____ almusal.

a)

na

b)

ng

c)

g

16.

Punan ng tamang pang-angkop ang mga sumusunod na salita.

Nakatulog kaagad si Tatay dahil sa sobra______ pagod sa trabaho.

a)

na

b)

ng

c)

g

17.

Punan ng tamang pang-angkop ang mga sumusunod na salita.

Dahan-dahan________ naglakad ang bata palabas ng bahay

a)

na

b)

ng

c)

g

18.

Punan ng tamang pang-angkop ang mga sumusunod na salita.

Mahilig magbasa ng mga kuwento_________ bayan ang magkapatid.

a)

na

b)

ng

c)

g

19.

Punan ng tamang pang-angkop ang mga sumusunod na salita.

Inayos mo na ba ang telebisyon______ sira?

a)

na

b)

ng

c)

g

20.

Punan ng tamang pang-angkop ang mga sumusunod na salita.

Si Benjamin ang ikalawa______ anak ni Ginang Garcia.

a)

na

b)

ng

c)

g