NEW
Font size
WorksheetsFIRST SUMMATIVE TEST IN ESP 3 - 4TH QUARTER
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pananalig sa Diyos?
a. Magsimba upang maisuot ang bagong damit
b. Magsimba kung kalian lang gusto.
c. Magsimba upang tulungan at gabayan tayo ng Diyos.
d. Magsimba upang hindi mapagalitan ng nanay.
Ang isa sa kaklase mo ay hindi katoliko. Siya ay naiiba ng pananampalataya kaysa iyo.
Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ka makikipagkaibigan sa kanya
b. Igagalang mo ang kanyang paniniwala
c. Hihikayatin mo siyang maging Katoliko
d. Aanib ka sa relihiyon nila
Ang kasambahay ninyo ay hindi naniniwala sa Diyos, ayaw niyang magsimba.
Ano ang iyong gagawin?
a. Pipilitin mo siyang magsimba
b. Palalayasin mo siya sa inyong bahay
c. Hihikayatin mo siyang makinig sa mga aral ng Diyos
d. Pababayaan mo na lang sa gusto niya
Alin dito ang pinaka simpleng paraan na magagawa mo sa pangangalaga ng kalikasan?
a. Ang pagpapatupad ng “zero waste management”
b. Ang “total ban” sa paggamit ng plastic
c. Ang pagtatanim ng mga puno sa kagubatan.
d. Ang pagtapon ng basura sa tamang lalagyan
Sino ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng relihiyon?
a. Si Ben na nagbabaon ng pagkain at inumin sa pagsamba
b. Lumalabas na lang ng simbahan si Marie kapag inaantok
c. Nakikinig si Tess sa pagbasa ng banal na kasulatan
d. Tinitingnan ni Rosa ang mga nagsisimba na di angkop ang kasuotan.
Bakit kailangang igalang ang paniniwala ng ibang relihiyon?
a. Dahil may iba-iba tayong Diyos na sinasamba
b. Dahil karapatan nila ang sambahin ang Diyos na kanilang pinili
c. Dahil bawat relihiyon ay may kanya-kanyang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagsamba sa Diyos.
d. Dahil ang relihiyon ay susi sa kaligtasan
Magkakaroon ng katuparan ang ating mga ipinapanalangin sa Diyos kung ___________ .
a. Wala tayong gawin upang ito ay mangyari
b. Magdasal at manalig sa Diyos
c. Aaasa sa milagro
d. Hayaan ang iba na magdasal para sa atin
Ang mga sumusunod na gawain ay nagpapakita ng paggalang sa pook
dalanginan maliban sa:
a. Pamaligiing malinis ang pook dalanginan
b. Panatilihing tahimik ang lugar
c. Panatilihang maganda at maayos ito
d. Tapakan ang luhuran sa simbahan
Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Katoliko?
a. Koran
b. Bibliya
c. Pahayagan
d. Komiks
Naipakita ko ang pag-asa sa pamamagitan ng pananalig, pagtitiwala at ________.
a. pagdarasal
b. paglalaro
c. pagyayabang
d. pagtulog
Alin sa mga sumusunod ang biyayang hindi nilikha ng Diyos?
a. kalikasan
b. kalupaan
c. hayop at halaman
d. kabuhayan
Nakita mo ang iyong kaklase na malungkot. Hindi niya naintindihan ang
aralin sa Matematika. Ano ang iyong gagawain?
a. Pagtatawanan mo siya
b. Yayain ko siyang maglaro
c. Lalapitan ko at tutulungan sa aralin na kinahihirapan
d. Hahayaan ko na lamang siya at hindi papansinin
Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting katangian ng iyong kaibigan?
a. laging maaasahan
b. Nariyan siya para ikaw ay damayan
c. Naiinggit sa mga bagay na iyong natamo
d. Kasiyahan niya ang Makita kang masaya at matagumpay
Oras na ng inyong recess, nakita mo na walang baon ang iyong kaibigan. Ano ang gagawin mo?
a. Hahatian ko siya sa aking baon
b. Bibigyan ng pambili
c. Hihingian ko siya sa aking kaklase
d. Hindi ko na lamang papansinin
Naglalaro ang mga bata sa tapat ng inyong bahay. Narinig mo na bigla silang nagtawanan, nadapa pala ang batang dumaan. Paano mo maipapakita ang iyong kabutihan sa ganitong sitwasyon?
a. Sasawayin ang bata at tutulungang tumayo ang batang nadapa
b. Sasali sa tawanan ng mga bata
c. Pababayaan ko silang pagtawanan ang batang nadapa
d. Aalis at hindi papansinin ang nangyari
Nasalanta ng bagyong Yolanda ang lalawigan ng Tacloban. Ano sa palagay mo ang dahilan ng malawakang pagbaha sa lugar na ito?
a. Naiwang bukas ang gripo
b. Pagkakalbo ng kagubatan
c. Pagyanig ng lupa
d. Wala sa nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga bagay na likha ng Diyos?
a. Sunugin ang kalat sa paligid
b. Gamitin muli ang mga bagay na may pakinabang pa
c. Itapon sa estero ang pinaggamitang plastic
d. Magtanim ng puno at halaman
Si Jean at Cara ay magkaibigan. Sumali si Cara sa paligsahan ng pag awit.
Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagbibigay ng pag-asa.
a. Bibigyan ng lakas ng loob
b. Hahayaan sa gusting gawin
c. Sasali din sa paligsahan
d. Pipigilan siya dahil hindi naman siya magaling umawit
Si Lyka ay hirap. Nabubuhay ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pangangalakal at pagbabasura. Ngunit magaling siyang kumanta.
Sumali siya sa “ The Voice of the Philipines Kids”
at tinanghal na kampeon. Paano niya nakamit ang tagumpay?
a.Hindi siya nawalan ng pag-asa at naniwala sa sariling kakayahan na hindi hadlang ang kahirapan.
b. Pinilit siyang sumali sa paligsahan.
c. Namalimos siya sa kalsada.
d. Hindi siya nakikinig sa klase.
Tanyag na tanyag si Manny Pacquiao sa buong mundo. Bakit siya nagtagumpay sa buhay?
a. Dahil siya ay nag-ensayo sa pakikipag suntukan sa kalye.
b. Dahil siya ay nagsumikap, nagtiyaga at hindi nawalan ng pag-asa sa pagkamit ng tagumpay.
c. Dahil sa takot niya sa kanyang Ina na si Dionisia.
d. Dahil malakas ang kanyang loob.
Piliin ang tamang sagot sa ibaba:
Ang tunay na pananalig sa Diyos ay may kakambal na kilos.
Piliin ang tamang sagot sa ibaba:
Ang pananalig sa Diyos ay nag-aalis ng takot sa ating damdamin at isipan.
Piliin ang tamang sagot sa ibaba:
Ang lunas ng mga pag-aalala at suliranin sa buhay ay ang pananalig sa Diyos.
Piliin ang tamang sagot sa ibaba:
Ang pananalig sa Diyos ay isang katangiang dapat isaisip, isapuso at isagawa
Piliin ang tamang sagot sa ibaba:
Ang turo ng Panginoong Diyos sa bawat tao ay huwag mag-alala.
