NEW
Font size
WorksheetsQ4 MTB Week 5 (TAMBALANG SALITA)
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Alin ang TAMBALANG SALITA sa pangungusap?
1. Matapos ang malakas na ulan ay may nakita kaming bahaghari.
bahaghari
malakas
matapos
nakita
Tukuyin ang TAMBALANG SALITA na ginamit sa pangungusap.
2. Bilisan mo naman diyan, lakad-pagong ka naman.
bilisan
diyan
lakad-pagong
naman
Tukuyin ang TAMBALANG SALITA na ginamit sa pangungusap:
3. Naparami ang nabili kong mga damit, abot-kaya kasi ang presyo nito sa KCC Mall.
abot-kaya
damit
KCC Mall
presyo
Tukuyin ang TAMBALANG SALITA na ginamit sa pangungusap:
4. Hanga ako kay Tito Mando, hanapbuhay niya kasi ang pagiging pulis.
ako
hanga
hanapbuhay
pulis
Tukuyin ang TAMBALANG SALITA sa pangungusap:
5. Si Fatima ay isang batang may pusong-mamon.
Si
Fatima
bata
pusong-mamon
Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng wastong TAMBALANG SALITA.
6. ____________ ang mga magkagrupo kaya sila ay nanalo sa paligsahan.
hanapbuhay
bukang-liwayway
kapitbahay
kapit-bisig
Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng wastong TAMBALANG SALITA.
7. Tuwing ____________ bumabangon si Amirah upang maaga silang matapos sa kanilang mga gawain.
abot-kaya
silid-aralan
takdang aralin
bukang-liwayway
Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng wastong TAMBALANG SALITA.
8. Presko ang hangin dahil maraming ____________ sa paligid.
punong-guro
punongkahoy
akyat-bahay
alilang-kanin
Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng wastong TAMBALANG SALITA.
9. _____________ na nang kami ay nakauwi kaya medyo madilim na ang paligid.
Takipsilim
Bukang-liwayway
Tanghaling-tapat
umaga
Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng wastong TAMBALANG SALITA.
10. Kaagad umiiyak si Marissa. Siya ay may _______________.
balatkayo
balat-sibuyas
dalagang-bukid
dalanghita
