wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Sama Samang Pagkilos

Total questions: 15

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Piliin kung alin sa mga sumusunod na katangian ang makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito

a)

MAALAM

b)

MAKABANSA

c)

MAABILIDAD

d)

MAKIALAM

e)

MAPANAGUTAN

2.

Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.

a)

MAALAM

b)

MAKIALAM

c)

MAPANAGUTAN

d)

MAABILIDAD

e)

MAKABANSA

3.

Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin.

a)

MAALAM

b)

MAKIALAM

c)

MAABILIDAD

d)

MAPANAGUTAN

e)

MAKABANSA

4.

Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay.

a)

MAALAM

b)

MAKIALAM

c)

MAPANAGUTAN

d)

MAABILIDAD

e)

MAKABANSA

5.

Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan

a)

MAALAM

b)

MAKIALAM

c)

MAPANAGUTAN

d)

MAABILIDAD

e)

MAKABANSA

6.

Ang pagbabayad ng buwis ay _____________________.

a)

obligasyon sa pamahalaan

b)

bayad ng tao sa mga serbisyong panlipunan

c)

pagpapahirap ng pamahalaan sa taong bayan

d)

pinagkukunang-yaman

7.

Alin sa sumusunod na pahayag ang tama?

a)

Sapat nang may trabaho upang maging maunlad ang bansa

b)

Nasa kamay ng manggagawa ang pag-unlad ng bansa

c)

Nasa pamahalaan ang susi sa pag-angat ng ekonomiya

d)

Nasa paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa

8.

Anong salik ang hindi bumubuo sa pag-unlad ng bansa?

a)

likas-kayang pag-unlad

b)

makataong pamamahala

c)

kasiguraduhang pangkabuhayan

d)

Modernisasyon

9.

Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang tama?

a)

Sapat na ang pagkakaroon ng trabaho upang umangat ang ekonomiya ng bansa

b)

Sapat na ang pag-angat ng ekonomiya upang umunlad ang buhay ng mga tao

c)

Sapat na ang may pinag-aralan upang umunlad ang buhay

d)

Sapat na ang maunlad na buhay upang magkaroon ng malagong ekonomiya

10.

Paano papatunayan na ang kolaborasyon ng mga mamamayan, sektor ng ekonomiya, at mga patakarang pang-ekonomiya ay susi para sa pambansang pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya?

a)

Kapag ang sektor ng paglilingkod ay may pinakamataas na porsiyentong naiambag sa pambansang kaunlaran batay sa estadistika

b)

Kapag ang pamahalaan ng Pilipinas ay solong tinutupad ang mga gampanin bilang taga-alaga ng kaunlaran

c)

Kapag pinakikialaman ng pamahalaan ang mga negosyong kailangan sa ekonomiya at makakuha ng malaking komisyon

d)

Kapag nakapagpautang sa mababang interes sa nakakaraming manggagawa

11.

Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay

a)

Merriam Webster

b)

Feliciano R. Fajardo

c)

Michael P. Todaro

12.

Ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso, ang pagsulong ay ang bunga ng prosesong ito.

a)

Amartya Sen

b)

Feliciano R. Fajardo

c)

Stephen C. Smith

13.

Nilikha upang bigyang diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng bansa.

a)

Human Development Index

b)

Pambansang Kaunlaran

c)

Development as Freedom

14.

Nagsabi na matatamo lamang ang kaunlaran kung "mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito"

a)

Feliciano Fajardo

b)

Amartya Sen

c)

Michael P. Todaro

d)

Stephen C. Smith

15.

Ang pag-unlad ay dapat na kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.

a)

Tradisyonal na pananaw

b)

Makabagong pananaw

c)

Pag-sulong

d)

Pag-unlad