WorksheetsGEC11-YUNIT IV-Batayang Kaalaman sa Metodolohiya
Total questions: 30
Worksheet time: 1hrs 5mins
Proseso ng pagsusuri sa paggamit ng wika sa loob ng panlipunang teksto.
Pahambing na Pag-aanalisa
Pag-aanalisa ng Diskurso
Secondary Data Analysis
Pagsusuri ng Dokumento
Isang uri ng etnograpiyang pananaliksik na karaniwang ginagamit sa larangan ng antropolohiya at sosyolohiya.
Pakikipamuhay
Pagtatanong-tanong
Pakikipanayam
Saliksik-Arkibo
Ito ay sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.
Pananliksik
Metodo
Disenyo ng Pananaliksik
Metodolohiya
Ayon kay ______ ang Historikal na uri ng metodo ay naglalayong mabigyan ng interpretasyon ang mga nakaraang kaganapan upang magkaroon ng matalinong hinuha sa hinaharap.
(Kowalczyk, 2013)
Stringer (2014)
Boyd (2018)
(Moore at Borrup, 2008)
Sa pagsusuri ng datos mahalaga rito na mapagmuni-munihan kung ano ang naging resulta nito para mga benepisyaryo, positibo man o negatibo.
Impact Assessment
Rebyu ng Polisiya
Pag-aanalisa Gamit ang SWOT
Pag-aanalisa ng Diskurso
Ang mga sumusunod ay ang proseso ng pananaliksik na ibinigay ni Walliman, maliban sa isa.
Kategorisasyon
Pagpapaliwanag
Pagtatakda ng kontrol
Pagbibigay ng haypotesis
Ang etnograpiya ay halaw sa mga salitang?
Griyegong ἔθνος ethnos = "mga tao", at γραφία graphia = "pagsusulat"
Latin na ἔθνος ethnos = "mga tao", at γραφία graphia = "pagsusulat"
Griyegong ἔθνος ethnos = "mga tao", at γραφία graphia = "manunulat"
Latin na ἔθνος ethnos = "pamayanan", at γραφία graphia = "pagsusulat"
Paraan ng pagtitipon ng mga datos kung saan kinakailangan ng presensya ng dalawang tao upang makuha ang unang tiyak na impormasyon.
pakikipanayam
sarbey
focused group discussion
obserbasyon
Tumutukoy sa pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag at/o mensaheng nangingibabaw sa teksto, awit, video, pelikula, at iba pang materyales.
Pagsusuri sa diskurso
Pagsusuri ng panukala
Pagsusuri sa datos
Pagtitipon ng mga datos
Tinatawag ding comparative analysis kung saan ito ay ang pagtatangka sa detalyadong pagpapaliwanag sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang konsepto o baryabol.
Pahambing na Pag-aanalisa
Pagsusuri sa Diskurso
Pagsusuri ng Panukala
Pagsusuri sa Datos
Ito ang tawag sa akto ng pagsasalin o paglilipat ng mga anyong audio tungong tekstwal na sanggunian.
video documentation
transcription
encoding
transferring
Katawagan ito sa mga taong sumasagot ng isang sarbey na maaaring magbigay o hindi magbigay ng mga personal na impormasyon.
Nakikipanayam
Kinapapanayam
Respondante
Questionnaire
Isang pulong ito kung saan ang tagapanayam ay hindi mahigpit na sumusunod sa isang pormal na listahan ng mga tanong, maaaring bawasan o pagbali-baliktarin.
Estrukturadong pakikipanayam
Semi-estrukturadong pakikipanayam
Hindi estrukturadong pakikipanayam
Pakikinayam
Piliin ang maling pahayag o impormasyon na may kaugnayan sa metodolohiya.
Ang metodolohiya ay ay tumutukoy sa sistematikong paglutas ng mga suliranin.
Ang metodolohiya ay tumutukoy sa mga tiyak na teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng datos upang makabuo ng mga konklusyong mapaninindigan.
Metodolohiya ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik na kinakailangang isaalang-alang sa simula pa lamang ng pag-iisip ng paksa.
Sa metodolohiya, hindi tuwirang inilalarawan ang disenyo at pamamaraang gagamitin sa pananaliksik.
Piliin ang wastong proseso na nagpapakita ng eksperimentasyong pananaliksik.
Pag-iimbestiga sa bisa ng lagundi syrup sa paggamot ng ubo ay sinusukat sa paghahambing sa paggaling ng grupo na hindi pinaiinom ng lagundi syrup at ng grupo na pinaiinom naman ng lagundi syrup.
Pagbibilad ng mga halaman sa ilalim ng sinag ng araw upang malaman kung nakatutulong ito sa pagtubo ng halaman o hindi
Pagpapasagot ng tseklist upang malaman kung epektibo o hindi ang alkohol bilang panlinis ng sugat.
Pag-iimbestiga sa bisa ng nilagang dahon ng sambong sa may mga sakit sa bato.
Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang taliwas sa saliksik-arkibo.
Isang porma ng pananaliksik na historical na nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo (archives) gaya ng mga lumang manuskrito, dyaryo, at iba pa.
Ang saliksik-arkibo o archival research sa kasaysayan at tradisyon ngpanitikan at dula, gagamit ang mananaliksik ng datos, kung saan manggagaling samga silid aklatan ng mga kolehiyo at pamantasan.
Ang pangunahing gamit nito ay hanapin at hanguin ang nakalantad na mga sanggunian.
Ang arkibong pananaliksik ayisang uri din ng pananaliksik na kung saan ang mga nasaliksik ay tinatago at maaring gamitin pa ng mga susunod na mananaliksik.
Piliin ang pinakaangkop na paglalarawan sa focused group discussion.
Ang Focused Group Discussion ay malayong maging katulad ng pakikipanayam.
Isinasagawa ang Focused Group Discussion na limitado lamang sa tatlo ng kalahok.
Ito ay diskusyong ginagabayan ng tagapagdaloy ayon sa naihandang tuntunin ng pakikipanayam.
Ang Focused Group Discussion ay sumusunod sa malayang talakayan at hindi alintana ang paksang inilalahad ng tagapagpadaloy.
Ang mga sumusunod na pananaliksik ay naglalarawan sa disenyong kwentong-buhay maliban sa isa.
Ang datos ng pananaliksik na ito ay magmumula sa talambuhay ng mga manggagawang kontraktwal, at sa mga obserbasyon ng mananaliksik batay sa pakikipamuhay at/o pag-iinterbyu sa kanila.
Sa pamamagitan ng salaysay ng mga mandaragat, sisipatin ang anyo ng pakikipagkaisa sa kapwa nila sa gitna ng mga hamon sa industriya ng pagbabarko.
Kakalapin ang lahat ng datos sa pananaliksik batas sa kung paano umiikot ang buhay ng mga nagtatrabaho bilang mga call center sa pamamagitan ng kanilang pagsasalaysay
Sa pamamagitan ng isang sarbey, susukatin ang pulso ng madla hinggil sa kanilang pagpabor o hindi pagpabor sa nalalapit na face to face classes.
Piliin ang uri ng pagsusuri na dapat gamitin sa sitwasyon ng pananaliksik na kailangan matukoy ang mensaheng nangingibabaw sa teksto.
Pahambing na Pag-aanalisa
Pagsusuri sa Diskurso
Pagsusuri ng Panukala
Pagsusuri sa Datos
Piliin sa mga pahayag ang nagpapakita ng pahambing na pag-aanalisa.
pagpapaliwanag sa pagkakatulad at pagkakaiba
pagpapakita ng mga kahinaan
pagpapakita ng mga kalakasan
paghahanay ng mga baryabol
Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang wasto hinggil sa eksploratori.
Layunin nito ang makapaglatag ng mga bagong ideya na magsisimula sa wala
Paghahambing sa resulta ng pagmamanipula ng isang variable na kasangkot sa dalawang grupo
Nakatuon sa paglutas ng ispesipikong suliranin
Pagtukoy at paglalarawan sa lahat ng mga yamang pangkultura na nasa isang tiyak na lugar
Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang wasto hinggil sa video documentation.
paglilipat ng mga anyong audio tungong tekstwal na sanggunian
pagrerekord ng mga imahe at tunog
pagtatala ng mga makabuluhang pagmamasid ng mananaliksik
pagtatala ng mga dayalogo
Saliksik-arkibo ang paraang gagamitin ni JK sa pagtitipon ng mga datos upang makuha ang mga lumang dokumentong maaaring paghanguan ng mga sanggunian.
TUMPAK
KABALINTUAN
Si RM, isang mananaliksik, ay naghahangad na masuri ang mga pelikula ni Ricky Lee. Buhat dito, tiyak na makatutulong sa kanya ang transkripsyon ng mga ito.
TUMPAK
KABALINTUAN
Ang pagsasagawa ng isang sarbey ay nangangailangan ng personal na pagtatanong sapagkat ang talatanungan ay karaniwang nakaimprenta sa papel na siyang ipamamagahagi sa mga respondante.
TUMPAK
KABALINTUAN
Ang pananaliksik na may pamagat na “PAGMAMAPA NG PAGBABAGONG HEOGRAPIKAL, HISTORIKAL AT KULTURAL NG QUIAPO” ay isang halimbawa ng aksyong pananaliksik.
TUMPAK
KABALINTUAN
Ang pananaliksik na may pamagat na “PAGSUSURI SA PELIKULANG PISAY: PRAYMER SA PAGTUTURO NG PELIKULANG PILIPINO” ay gumamit ng paraang Pagsusuri sa Diskurso.
TUMPAK
KABALINTUAN
Ang pananaliksik na tumatalakay sa paraan ng pamumuhay at negosyo ng mga Tsino at ng paraan ng pamumuhay at negosyo ng mga Amerikano ay maaaring sumusog sa Pahambing na Pag-aanalisa bilang paraan ng pagsusuri sa mga datos nito.
TUMPAK
KABALINTUAN
Ang Penomenolohikal ay nakapaloob o mabibilang sa ilalim ng ________.
Disenyo ng Pananaliksik
Paraan ng Pagtitipon ng Datos
Paraan ng Pagsusuri ng Datos
Ang Saliksik-Arkibo ay nakapaloob o mabibilang sa ilalim ng ________.
Disenyo ng Pananaliksik
Paraan ng Pagtitipon ng Datos
Paraan ng Pagsusuri ng Datos
