NEW
Font size
WorksheetsPAUNANG PAGTATAYA PART 4
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
1. Ano ang magandang maidudulot ng pag-aaral para sa pagpapaunlad ng sarili?
A. Magkaroon ng maayos na buhay.
B. Mapaunlad ang talento, kakayahan at hanapbuhay.
C. Maayos ang sariling paninindigan at pagkilala sa iba.
D. Matupad ang sariling pangarap para sa sarili at pamilya.
2. Bakit kailangan na magkaroon ng sariling paraan para sa pag-aaral?
A. Hindi magkamali sa gagawing bagay.
B. Handa sa mga bagay na nais na maabot.
C. Madali na magagawa ang mga takdang-aralin at proyekto.
D. Hindi maguluhan sa mga bilin ng guro tungkol sa gawain.
3. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito “Mas mabuti ng maghirap ng ilang taon dahil sa pag- aaral kaysa naman maghirap ng maraming taon dahil hindi ka nag-aral.”?
A. Mag-aral ng mabuti upang hindi magsisi sa huli.
B. Huwag magsawa ng mag-aral upang gumanda ang buhay.
C. Mag-aral ng mabuti at gawin inspirasyon ang sarili at pamilya.
D. Huwag mapagod sa pag-aaral dahil ito ay magbubunga pagdating ng araw.
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pansariling pamamaraan ng pag-aaral?
a. Nagtatanong sa Guro
B. Nagbabasa ng susunod na arali
C. Ginagawa sa tamang oras ang takdang-aralin.
D. inagaya ang sagot ng kamag-aral sa takdang-aralin
5. Bakit kailangang malinaw na sa isip ng isang nagdadalaga o nagbibinata ang mga nais nito sa buhay?
A. Alam na agad ang gagawin.
B. Hindi makalimutan ang mga bagay-bagay.
C. Gawin itong inspirasyon sa bawat bagay na gagawin
D. Magiging masaya dahil may pangarap na ito sa buhay
6. Ano ang tawag bunga ng kilos at desisyon ng tao?
A. Wastong Kilos
B. Wastong Pag-iisip
C. Wastong Pagpapasiya
D. Wastong Salita at gabay
7. Bakit kailangan na magplano para sa hinaharap?
A. Hindi magkamali sa gagawing bagay.
B. Mapaghandaan ang anuman mangyari.
C. Hindi matatakot sa mga bagay na dadating.
D. Hindi mag-alinlangan sa mga bagay o pangyayari.
8. Paano masusukat ang kasipagan ng isang mag-aaral sa kabila ng pinatutupad na Remote Learning at walang Face to Face?
A. Pagbabasa at pagsagot sa modyul at panonuod ng video lesson.
B. Hahayaan ang matalinong kapatid sa pagsagot sa modyul.
C. Hindi mag-oonline sa oras na itinakda para sa asignatura.
D.Hindi magbabasa ng modyul.
9. Alin sa mga personal na salik sa pagpaplano sa hinaharap maliban sa?
A. Hilig
B. Talento
C. Kagamitan
D. Kakayahan
10. . Sa paanong paraan makakatulong ang paggawa ng wastong pagpapasiya?
A. Pagkakaroon ng matuwid na buhay
B. Pagkakaroon ng maayos na pag-iisip.
C. Pagkakaroon ng malinaw na tunguhin
D. Pagkakaroon ng responsibilidad at gawain.
11. Paano ang isasagawang paraan upang malayo sa mga bagay na hadlang sa layunin?
A. Manggagaling sa sarili ang pagkukusa upang maabot ito.
B. Ipapaubaya na lang ang kapalaran sa Diyos.
C. Hayaan ang magulang ang magpasya sa lahat dahil “Parents’ know best”.
D. Alamin ang mga hadlang pero hindi gagawa ng solusyon para dito.
12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga?
A. Gugulin ang buong araw sa paglalaro ng online games.
B. Hintayin ang mga magulang para makapagluto para may makain
C. Lumabas ng bahay at pumunta sa mga barkada habang wala pa ang mga magulang.
D. Magluto at pakainin na ang mga kapatid dahil natrapik ang mga magulang mula sa trabaho.
13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsableng mag-aaral?
A. Samantalahin ang pagkakataon na maglaro sa silid habang hinihintay ang guro.
B. Manatili sa silid-aralan, buksan ang kwaderno at mag rebyu sa nakaraang aralin.
B. Manatili sa silid-aralan, buksan ang kwaderno at mag rebyu sa nakaraang aralin.
C. Yayain ang isang kaklase at mag-ikot muna sa paaralan habang wala pa ang guro.
D. Hinatayin na makarating ang guro sa silid at magpaalam na bibili sa kantina kahit katatapos pa lamang ng recess.
14. Nakita mo na binubully ng iyong kabarkada ang isang batang mag-aaral. Napansin mong naiiyak na ang mag-aaral at tila hindi titigil ang iyong kabarkada sa ginagawa niya. Ano ang pinakamainam mong gawin sa ganitong sitwasyon?
A. Hahayaan ko lamang ang aking kabarkada sa kanyang ginagawa.
B. Makikisali sa pambubully sa mag-aaral hanggang sa ito’y umiyak.
C. Yayayain ko ang aking kabarkada na maglaro na lamang kami ng paborito naming laro upang tigilan niya ang mag-aaral.
D. Pakikiusapan ko ang aking kabarkada na tigilan na ang mag-aaral at paliliwanagan sa magiging epekto nito sa bata.
15. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa proseso ng paggawa ng mabuting pagpapasya?
A. Alamin ang suliranin
B. Magkalap ng impormasyon.
C. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.
D. Isaalang-alang ang maaring maging ibunga ng solusyon
