NEW
Font size
WorksheetsEPP AGRI ST #3
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Ang maingat na pagpaplano ay kailangan gawin kung mag-aalaga ng hayop
upang lubos at tiyak na mapakinabangan.
TAMA
MALI
2. Sa paggawa ng plano, mahalagang pag-ukulan ng pansin ang hayop na
aalagaan at uri, maging lugar, klima, at pakinabang na dulot nito.
TAMA
MALI
3. Sa maliit at makipot na bakuran dapat alagaan ang manok.
TAMA
MALI
4. Dapat isaalang- alang ang klase ng pagkain na ibibigay sa alagang manok.
TAMA
MALI
5. Ang produktong galing sa manok ay pwedeng ibenta at ikonsumo ng pamilya.
TAMA
MALI
Sa paraang tingian na pagtitinda, paunti-unti ang pagtitinda sa mga
mamimili.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Sa tingiang pagtitinda maari kang bumili ng por kilo o kaya ay isang
piraso lamang.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Kailangang makulay at kaakit-akit ang larawan na ibebenta mo sa
online upang mahikayat mong bumili ang mamimili.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Kailangan mong maging mataray sa mamimili upang hindi utangin
ang iyong paninda.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Ang ___________________ay nangyayari kapag nagkasundo ang may-ari at
ang bibili bago pa anihin ang produkto.
Pagbebenta sa palengke
Tingiang pagtitinda
Pakyawan o Maramihan
Online Selling
Ang ______________ ay isang paraaan ng pagsasapamilihan na
kung saan ang mga produkto ay dadalhin sa palengke upang doon ito ibenta.
Pagbebenta sa palengke
Tingiang pagtitinda
Pakyawan o Maramihan
Online Selling
Ang _______________malaking tindahan na karaniwang matatagpuan sa
bayan o barangay kung saan kumpleto lahat ng uri ng paninda na puwede
mong pagbentahan ng iyong produkto.
Pagbebenta sa palengke
Tingiang pagtitinda
Pakyawan o Maramihan
Online Selling
Tinatawag itong bigay tiwala, sapagkat ibinibigay ang produkto sa
tingiang tindahan kahit wala pang bayad sa kasunduang babayaran sa oras na maubos ang paninda.
pakyawan
tingian
pag-aangkat
pagbebenta sa palengke
Sa pagtitinda sa pamamagitan ng online selling ang mga sumusunod ang dapat mong gawin:
I. Gumawa ng social media account katulad ng facebook.
II. Kuhanan ng maayos at malinaw larawan ang produktong nais ibenta upang maging kaakit –akit sa makakakita ng iyong facebook.
III. Kailangang malinis at sariwa at nasa tamang presyo ang iyong produkto.
IV. Hindi kinakailangang alamin ang tunay na pangalan at tirahan ng bumibili.
V. Linangin ang kaalaman sa pagbebenta gamit ang teknolohiya.
I , II, III at V
II, III at V
I, II, III
Lahat nang nabanggit
Sa online selling kailangan mong pilitin ang iyong mga kaibigan sa
facebook upang ikaw ay kumita.
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon
Ang pag-aalaga ng isda ay nakatutulong sa ating katawan sapagkat ____.
nagkakaroon ng bitamina ang ating katawan.
nagbibigay ito ng protina sa atin.
ito ay sapat na panlaban sa lahat ng sakit.
may sakit na dala ang pagkain ng isda.
Isa itong pamamaraan ng pagsasapamilihan ng isda na karaniwang nasa
balde o banyera ang isdang inilalako ng manininda na naglalakad lamang
o nakasakay sa sasakyan habang lumilibot sa baranggay.
Pagbebenta sa palengke
Paglalako
Tingiang pagtitinda
Lansakan o Pakyawan
Ang isdang ito ay maari nang anihin kapag ang mga ito ay tatlo
hanggang apat na buwan na o kaya’y 80-100 gramo na ang timbang.
tilapia
bangus
hito
karpa
Sa paraang ito maaring ipagbili ang mga isda ng paisa-isa.
Pagbebenta sa palengke
Online Selling
Tingiang pagtitinda
Lansakan o Pakyawan
Bakit kawiliwili ang pag-aalaga ng manok, kalapati, pugo at mga kauri nito?
dahil nagbibigay ang mga ito ng itlog at karne
dahil nakadagdag ang mga ito ng problema
dahil nagpapagulo ang mga ito sa mag-anak
