NEW
Font size
WorksheetsPAGPUPULONG O MINUTES
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang ___________ isang gawain kung saan ang grupo ng mga tao ay nagtitipon sa isang lugar sa takdang oras upang mag-usap tungkol sa mga bagay- bagay o gumawa ng pasya tungkol sa mga isyu.
A. party
B. handaan
C. pagpupulong
D. botohan
2. Ano ang tawag sa opisyal na tala ng mahahalagang diskusyon at desisyon sa isang pulong na kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo at comprehensibo? Tinatawag din itong "minutes".
A. pagpupulong
B. diskusyon
C. katitikan
D. usapan
3. Maliban sa petsa, oras at lugar ng pagpupulong, ano pa ang kinakailangang isama sa katitikan ng isang pagpupulong?
A. presyo ng mga ihahanda sa bisita
B. listahan ng mga bibilhin sa tindahan
C. pangalan ng mga dumalo/ hindi dumalo sa pagpupulong
D. wala sa nabanggit
4. Ano ang iyong magiging reaksyon sa sitwasyong ito: "Nagsimula na ang pulong. Tumayo at nagpaliwanag ang pangulo sa harap ng mga kasapi ng mga iskawt. Ipinagpatuloy ng ilang kasapi ang kanilang usapan. Mayroong ilang kasaping nagtawanan."
A. Matutuwa ako dahil ang iba ay hindi nakikinig.
B. Dapat silang tularan at tawanan rin ang nagsasalita sa harap
C. Maiinis ako dahil may ibang hindi nakikinig; sila ay aking pagsasabihan nang maayos.
D. Wala akong pakialam, makikipagdaldalan rin ako sa ibang kasapi.
5. Alin dito ang isa sa mga kahalagahan ng katitikan ng pulong?
A. Masmabilis makipagtsismisan habang nagpupulong.
B. Hindi mo maiintindihan ang mga pinag-usapan sa pagpupulong.
C. Mas madaling mababalikan anumang oras ang napag-usapan o napagkasunduan sa pulong.
D. Wala itong saysay sa pagpupulong.
6. Sa tuwing ako ay magsasabi ng aking opinyon sa isang pagpupulong, dapat gumamit ako ng mga ____________.
A. masasamang salita
B. magagalang na pananalita
C. malakas na boses
D. malalim na Tagalog
7. Ito ang bahagi ng katitikan kung saan isinusulat ang mga pinag-usapan sa pagpupulong.
A. Lugar ng Pagpupulong
B. Oras ng Pagpupulong
C. Pagtalakay sa Pagpupulong
D. Paksa ng Pagpupulong
8. Alin sa sumusunod na katanungan ang HINDI KASAMA sa mga dapat malaman sa pagpupulong?
A. Kailan nangyari ang pagpupulong?
B. Saan nangyari ang pagpupulong?
C. Sinu-sino ang mga nagpulong?
D. Kailan ang kaarawan ng nagsasalita sa harap?
9. Bakit kailangan ang katitikan ng pagpupulong?
A. Para may rekord sa mga pag-uusapan sa pagpupulong.
B. Ito ay listahan ng mfa meryenda sa pagpupulong.
C. Ito ay skrip ng mga sinabi sa pagpupulong.
D. Para may budget sa gagawing proyekto.
10. Tawag sa listahan ng mga pag-uusapan sa isang pulong?
A. libro
B. agenda
C. petsa
d. mga dumalo/ hindi dumalo
