NEW
Font size
WorksheetsPagbibibgay ng Pamagat sa Kwento o Sanaysay
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang Kangkong ay isang madahong gulay. Kulay berde ang dahon nito. Nabubuhay ito sa tubig o sa basang lupa.
Ang aking ate
Ang Kangkong
Ang Paborito kong Ulam
Sinigang na hipon ang paborito kong ulam. Lalo itong nagiging masarap para sa akin kapag si Nanay ang nagluto. Marami akong nakakain tuwing sinigang na hipon ang ulam namin.
Ang Gatas
Ang Kangkong
Ang Paborito kong Ulam
Angeline, ang pangalan ng ate ko. Matalino at masipag siya. Mabait at magalang siya sa aming mga magulang.
Ang aking ate
Ang Gatas
Ang Paborito kong Ulam
Isang masustansiyang inumin ang gatas. Sagana ito sa calcium na nagpapatibay ng ngipin at mga buto. Mayaman din ito sa protina na mahalaga para lumaking malusog ang isang bata.
Ang Gatas
Ang Manika Ko
Ang Paborito kong Ulam
Ginger ang pangalan na ibinigay ko sa aking manika. Ito ay may mahabang buhok. Dilaw ang damit nito pati ang sapatos. Talagang maganda ang aking manika.
Ang aking ate
Ang Manika Ko
Ang Paborito kong Ulam
Linggo ang paboritong araw ni Jiego. Ito ang araw na sama-samang nagsisimba ang pamilya. Sabay-sabay kakain sa restawran ang pamilya pagkatapos magsimba.
Ang Pagsisimba ng Pamilya
Tayo ay Kumain
Ang Paboritong Araw ni Jiego
Ako si Igo. Ang paborito kong kulay ay asul. Nilagang baboy naman ang paborito kong ulam. Sa paaralan, paborito ko ang Math.
Nilagang Baboy
Ang Aking Mga Paborito
Math
Sa aking bakasyon nagpunta kami sa Disney Land. Nakita ko ang mga paborito kong Disney Princess'. Sila ay kumakanta, sumasayaw at umaarte. Nakasakay din ako sa isang roller coaster kasama si kuya.
Ang Aking mga Paborito
Ang Pagsakay ko sa Roller Coaster
Ang Aking Bakasyon
Si Zachary ay palakaibigan. Ibinabahagi niya ang kanyang mga laruan sa kanyang mga kaklase. Tinutulungan niya ang kanyang mga kaklase tuwing sila ay may gawain.
Ang Pagtulong sa Kaklase
Ang Palakaibigang Bata
Pagbabahagi ng Laruan
Basahing mabuti ang bawat teksto. Hanapin ang angkop na pamagat nito.
Ang mga gulay ay masustansiyang pagkain. Ito’y nagtataglay ng bitamina at minerals na kinakailangan ng ating katawan.
Ang Kalabaw
Si Pilemon
Ang Mga Gulay
Ang Palengke
