Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Subukin Natin!

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa lalawigan o probinsya o kaya’y partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika.

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

pormal

2.

Ito ay mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aaral sa wika.

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

pormal

3.

Ito ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. Hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsusulat.

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

pambansa

4.

Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ibang titik sa salita

upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

pambansa

5.

Nakayanan ko lang, pambili ng dalawang yosi. Ang yosi ay nasa anong antas ng wika?

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

pambansa

6.

Mainit na labi, nagbabagang mata. Ang nagbabagang mata ay nasa anong antas ng wika?

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

pormal

7.

“Nakuha mo pang ngumiti Noypi ka nga.” Tukuyin ang kahulugan ng salitang balbal na Noypi?

a)

Pinay

b)

Pino

c)

Pinoy

d)

Pina

8.

Ang katumbas na lalawiganin ng salitang ate ay ____________.

a)

ateng

b)

utol

c)

sis

d)

manang

9.

Ang katumbas na balbal ng salitang ina ay ____________.

a)

inahan

b)

ermat

c)

ilaw ng tahanan

d)

nanay

10.

Mamang sorbetero, tayo'y sumayaw. Ang tayo’y nasa anong antas ng wika batay sa pormalidad?

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

pormal

11.

Mahalagang maunawaan ng tao ang antas ng wika ayon sa pormalidad dahil ______________.

a)

maibigay ang katayuan sa hinihingi ng panahon, pook at okasyong dinadaluhan

b)

malaman mo ano ang ugali ng tao batay sa antas ng wikang ginagamit niya

c)

alam mo paano sasabay sa pakikipag-usap

d)

malaman mo sino o kanino ka makikipagkaibigan

12.

Alin sa mga salita ang gagamitin mo sa pormal na pagkakataon tulad ng sa paaralan?

a)

bulaklak

b)

bebot

c)

chicks

d)

dalaga

13.

Ang antas ng wika ay nakadepende sa ____________ kung kailan ito ginamit

a)

oras, kasama, kaharap

b)

kasama, kausap, kaharap

c)

lugar, okasyon, panahon

d)

kausap, kalaro, kaaway

14.

Ang tinutukoy sa mga awiting Dalagang Pilipina at Bebot ay____________.

a)

bata

b)

babae

c)

manang

d)

ate

15.

Hindi natin puwedeng gamitin ang mga balbal na salita sa pormal na usapan o panitikan dahil ______________.

a)

ginagamit lamang sa pangkaraniwang pag-uusap o yaong salitang kanto

b)

hindi madaling maiintindihan ng lahat

c)

nawawalan ang mga ito ng paggalang

d)

mag-iiba ang tingin sa iyo ng tao