wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4W7 FILIPINO

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

PANUTO: Basahin at unawain ang seleksiyon at sagutin ang mga tanong.

Ang Pasayaw ng Canlaon

Ang pista ay isang tradisyon ng mga Pilipino. Tuwing ika-19 ng Marso ipinagdiriwang ang taunang pista sa siyudad ng Canlaon. Itinatapat ito sa kaarawan ng patron ng lungsod na si San Jose. Sari- saring palabas ang makikita tuwing pista at ang pinakasikat ay ang Pasayaw. Ang Pasayaw ay isang sayaw ng pasasalamat. Ang mamamayan ay nagpapasalamat sa masaganang ani na ipinagkaloob ng Poong Maykapal sa kanila. Nagsimula ito noong 1986. Ang mga mananayaw ay mga kabataang nagmula sa labing dalawang barangay na sakop ng lungsod. Maraming mga taong dumadayo galing sa iba’t ibang lungsod upang masaksihan ang sayaw ng pasasalamat na ginawa sa kalsada na may magarang tugtog ng banda. Ang pasayaw ay nagpapakita ng pagkakaisa, pagmamahal at higit sa lahat pagbibigay pugay sa ating Panginoon sa mga biyayang ipinagkaloob niya sa mga mamamayan ng Canlaon.

1. Anong lagom o buod ang pinaka-angkop sa tekstong binasa?

a)

Ang Pasayaw ng Canlaon ay ang pinakasikat na aktibidad na isinagawa tuwing sumapit ang kapistahan ng lungsod ng Canlaon.

b)

Pasayaw ng mga mamamayan ng Canlaon.

c)

Ang pagdiriwang ng kapistahan ng Canlaon.

d)

Mga gawaing tampok sa Canlaon Festival.

2.

2. Aling pangungusap ang hindi tumutukoy sa mahalagang pangyayari ng tekstong binasa?

a)

Ang mga mamamayan ng Canlaon ay nagpapasalamat sa masaganang ani na ipinagkaloob ng Poong Maykapal sa kanila.

b)

Ipinagdiriwang ang taunang pista sa lungsod ng Canlaon tuwing ika-19 ng Marso.

c)

Sagana ng mga gulay at dinadayo ng mga turista ang bayan ng Canlaon.

d)

Itinatapat ito sa kaarawan ng patron ng lungsod na si San Jose.

3.

3. Ang mga sumusunod na pangungusap ay hindi tumutukoy sa mahalagang pangyayari ng tekstong binasa maliban sa isa.

a)

Maraming mga negosyante ang dumadayo sa siyudad ng Canlaon dahil sa kanilang masaganang ani ng mga gulay.

b)

Ang Pasayaw ng Canlaon ay ang pinakasikat na aktibidad sa pagdiriwang ng kapistahan ng siyudad.

c)

Ang bulkan ng Canlaon ay isa sa mga magagandang tanawin sa ating bansa.

d)

Palaging handa sa paglikas ang mga mamamayang nakatira malapit sa bulkan

4.

4. Alin sa sumusunod na mga pangungusap sa ibaba ang nagpapahayag ng mahalagang pangyayari sa binasang teksto?

a)

Ipinapakita ng taga Canlaon ang kanilang pagkakaisa.

b)

Ang mga mamamayan ay walang suporta sa taunang pagdiriwang.

c)

Sila ay may ibat-ibang ginawa tuwing sasapit ang taunang pagdiriwang.

d)

Ang lahat ay walang ginawa tuwing sasapit ang kapistahan ng Canlaon.

5.

5. Para saan ang Pasayaw na ginanap sa Canlaon?

a)

para maging sikat ang lalawigan

b)

para maipakita ang kanilang talento sa sayaw

c)

para magpasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob ng Panginoon

d)

para masaya ang mga turista at mga mga mamayan sa mga sayaw

6.

6. Bakit kaya maraming tao ang dumadayo sa pagdiriwang na ito?

a)

Nais nilang makita ang mga dayuhan na nagsasayaw sa kalsada.

b)

Gusto nilang makita ang mga taong nag-aawitan sa kalsada.

c)

Sila ay may mga kaibigan sa Canlaon na nag-anyaya sa kanila.

d)

Nais nilang masilayan ang magarbong selebrasyon ng siyudad ng Canlaon.

7.

7. Ano ang mahalagang pangyayaring naganap sa tekstong binasa?

a)

Ang Canlaon ay may maraming mga gulay tuwing pista.

b)

Ang mga taga-Canlaon may sari-saring tanim na mga gulay.

c)

Ang mga taga-Canlaon ay masayang sumayaw sa kalsada.

d)

Ang Pasayaw ng Canlaon ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagkamalikhain

ng mga mamamayan ng siyudad ng Canlaon.

8.

8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop na lagom o buod ng teksto?

a)

Ang pasayaw ay isang magandang kultura ng mga mamamayan.

b)

Ang pasayaw ng Canlaon ay isang sayaw ng pasasalamat at pagbibigay pugay sa mga biyayang natanggap ng mga mamamayan ng Canlaon mula sa Poong Maykapal.

c)

Ang pasayaw ay magarang selebrayon ng Canlaon kaya lahat tayo ay pumunta sa kanilang lugar.

d)

Ang pasayaw ay hindi kailangan ng mga mamamayan kaya walang dumayo rito.

9.

9. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagpapakita ng mahalagang pangyayari sa tekstong binasa?

a)

Tuwing ika-19 ng Marso, ipinagdiriwang ang taunang pista sa lungsod ng Canlaon.

b)

Pasasalamat na hindi sila sinalanta ng mga kalamidad sa buong taon.

c)

Pasasalamat ng maraming ani ng niyog sa buong taon.

d)

Nagkaroon ng sari-saring pakontes ng takbuhan.

10.

10. Ayon sa tekstong binasa, alin ang hindi mahalagang pangyayari?

a)

Ang mga mamamayan ay nagpapasalamat sa masaganang ani na ipinagkaloobng Poong Maykapal.

b)

Sari-saring palabas ang makikita tuwing pista at ang pinakasikat ay ang Pasayaw.

c)

Masayang ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Nazareno.

d)

Ang Pasayaw ay isang sayaw ng pasasalamat.