wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Maikling Pagsusulit

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang lungsod na ito ay sagana sa mga yamang dagat at kilala bilang Fishing Capital of the Philippines.

a)

Malabon

b)

Quezon

c)

Navotas

d)

Pateros

2.

Ano ang ipinagmamalaking produkto ng Lungsod ng Quezon?

a)

Kasangkapang kahoy

b)

Patis

c)

RTW o ready to wear na kasuotan

d)

Lechon at aksesorya ng sasakyan

3.

Sa Lungsod na ito matatagpuan ang pagawaan ng matitibay at dekalidad na mga sapatos.

a)

Marikina

b)

Pasig

c)

Pateros

d)

Quezon

4.

Alin ang HINDI produkto ng  Taguig?

a)

Balut

b)

Itlog na maalat

c)

Lechon

d)

Tipas hopia

5.

Si Maria ay nais bumili ng RTW or ready to wear na kasuotan. Ano ang mga lungsod na dapat  niyang puntahan?

a)

Malabon, Navotas, Pasig

b)

Quezon, Marikina, Las Piñas

c)

Caloocan, Pasig, Parañaque

d)

Taguig, Muntinlupa, Valenzuela

6.

Si Angel ay mahilig sa kendi kaya nais niyang mapuntahan ang pagawaan nito. Kung ikaw ang kaibigan ni Angel, saang lungsod mo siya dadalhin?

a)

Taguig

b)

Caloocan

c)

Navotas

d)

Quezon

7.

Ang Lungsod ng Las Piñas ay sagana sa water lily. Sa iyong palagay, anong mga kagamitan ang maaring magawa gamit ang mga niresiklong water lily?

a)

Tsinelas, palamuti, bag

b)

RTW, sapatos, kwintas

c)

Asin, sombrero, bayong

d)

Papel, aksesorya ng sasakyan, basket

8.

Bakit mahalagang ipagmalaki ang produkto ng iyong lungsod?

a)

Dahil mas maganda ang produkto sa inyong lungsod.

b)

Dahil mas mapapaunlad nito ang buhay mo.

c)

Dahil wala itong kasingtulad sa ibang lungsod.

d)

Dahil makakatulong ito upang mapaunlad ang inyong lungsod.

9.

Ano ang pakinabang ng mga produkto sa bawat lungsod o rehiyon sa kanilang pamumuhay?

a)

Nakakatulong ito upang maiahon sa kahirapan ang mga mamamayan ng bawat lungsod.

b)

Nakapagbibigay ng trabaho at serbisyo.

c)

Nakikilala ang mga produktong nilikha ng mga manggagawang Pilipino.

d)

Lahat ng nabanggit.

10.

Paano mo maipagmamalaki ang mga lokal na produkto ng bansa?

a)

Pagbili at paggamit ng mga imported na sapatos at damit.

b)

Magbebenta ako sa mga kaibigan ko sa mas mataas na presyo.

c)

Tatangkilikin ko ang mga lokal na produkto ng ating bansa kaysa sa produktong galing ibang bansa.

d)

Pagtangkilik sa mga nauusong branded na produktong galing sa ibang bansa.