NEW
Font size
WorksheetsMajor problem
Total questions: 50
Worksheet time: 4hrs 10mins
1. Ayon sa akdang “Tumanggap Ako ng mga bulaklak sa Araw na ito”, anong araw huling tumanggap ng mga bulaklak ang tauhang nagsasalaysay sa tula?
A. Kaarawan
B. Anibersaryo
C. Libing
D. Araw ng mga Ina
2. Samakatuwid ang akdang “Tumanggap ako ng mga Bulaklak sa Araw na ito” ay isang ____________.
A. Komedya
B. Trahedya
C. Romansa
D. Parsa
3. Ayon sa kwentong “Ang Inang Anak” ni Thu Van ng Vietnam, ano ang ibig sabihin ng kamatayang “bat doc ky tu”?
A. Kamatayang parusa ng kasalanan
B. Pagtatakda ng kamatayan ayon guhit ng kapalaran
C. Paglilibot ng kaluluwa ng mga namamtay sa akdisdente hanggang sa araw ng talaga nilang kamatayan
D. Kamatayang biglaan at di napaghandaan
4. Kung susuriin an kwentong Asyano na “Mga Magnanakaw” ni Yanti Soebiakto, ito ay nagpapamalas ng anong teoryang pampanitikan?
A. Sikolohikal
B. Sosyolohikal
C. Markismo
D. Dekontruksyon
5. Ilarawan ang kwentong Asyano “Ang ikatlong Baytang” ni Shanon Ahmad.
A. Ito ay tungkol sa yugto ng pagsilang
B. Ito ay tungkol sa yugto ng kamatayang
C. Ito ay tungkol sa yugto ng buhay
D. Ito ay tungkol sa yugto ng tagumpay
6. Itinuro ni Titser ang wika gamit ang pamamaraang na kung saan inilalahad niya sa mga mag-aaral ang proseso ng paggawa ng mungkahing pangkalakal pagkatapos ay nagtanong siya ng tungkol dito. Ibigay ang layunin ng guro.
A. Nahihinuha ang paksa ng usapan
B. Natutukoy ang mahahalagang kasipan at pagtatanggal ng mga di-mahalaga
C. Nakakalap ang mahahalagang impormasyonsa pamamagitan ng pagtatala
D. Nahihinuiha sa mga pahiwatag na impormasyon ang intension at saloobin ng tagapagsalita
7. Si Jose ay masusing inaanalisa ang mga impormasyon napakinggan batay sa mga ebidesya o patunay. Kung gayon, taglay ng naturang mag-aaral ang ____________
A. marginal o passive na pakikinig
B. masigasig na pakikinig
C. mapanuring pakikinig
D. maglugod na pakikinig
8. Kapag ang mag-aaral ay may layon sa pakikinig na mahango ang kahulugan ng mensahe sa pamamagitan ng pag-unawa sa lahat ng datos panglingwistika, maituturing na siya ay gumagamit ng prosesong ___________.
A. top down
B. bottom-up
C. aktibong pakikinig
D. pagdinig vs. pakikinig
9. Basahin at unawain ang sumusunod na dayalogo na ginawang lunsarang ng guro sa pagtuturo ng wika. Maria: Kumusta na mare, anon a balita sa iyo?
Josephine: Heto mare, Ok naman medyo sinuwerte lang sa Japan. Ikaw balita ko asensado ka na din daw?
Maria: Hindi naman masyado marepinalad lang sa negosyo, alam mo na konting sakripisyo, sikap at uwido
Josephine:Talaga? Kung gayon, masayang-masaya ako para sa iyo, mare
Anong dulog sa pagtuturo ng pakikinig ang kapuna-puna sa nabanggit na usapan?
A. Pagkukumpol
B. Pag-uulit
C. Pinaikling anyo
D. Interaksyon
10. Ang mga sumusunod ay talaan ng mga patnubay o simulating nakatutulong sa mabisang pagtuturo ng pakikinig maliban sa isa sa. Ano ito?
A. Maglaan ng mga tunog o set ng Gawain na ngkoop sa kakayahan ng mga mag-aaral
B. Tiyakin lubos na nauunawaan ng mga mga mag-aaral ang kanilang gagawin bago ito sisimulan
C. Bigyan ng sapat n panahon ang mga mag-aaral na basain ang mga tanong nila sa pakinggan ang mga mag-aaral na basahin ang mga tanong bago nila pakinggan ang awdyomateryal na angkop para dito.
D. Maaring iparinig sa klase ang isang awdyo-materyal nang hindi pa paunang pakinggan ng guro.
11. Sa pagtuturo ng isang kwentong napakinggan mula sa isinateyp na material, ano ang maituturing na pinakamabisang estratehiya?
A. Pagguhit sa mga tauhan o tagpuan ng kwento
B. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari batay sa kwentong napakinggan
C. Pagsasadula ng mga pangyayaring mula sa kwentong napakinggan gamit ang sariling likhang dayalog sa kaligiran pang-araw na buhay
D. Pagsusuri sa kwento gamit ang mga cohesive devices
12. Sa pagpaplano ng isang aralin alin sa mga sumusunod ang mabisang gamitin estratehiya bago making?
I. Pagpukaw sa kawilihan ayon sa tekstong napakinggan
II. Pagtukoy sa ilang dating kaalaman o impormasyon na makakatulong sa pag-unawa ng tekstong pakikingan
III. Pagsasagot sa mga tanong hinggil sa mensaheng napakinggan
IV. Paghawan ng sagabal na talasalitaan na maaring madaanan sa pagtunghay sa pakikinig
A. I at II lamang
B. II at III lamang
C. I, II at IV
D. I,II,III at IV
13. Kung nais ng isang guro ng gumamit ng linya ng awitin bilang lunsaran sa pagkatuto ng pakikinig ano ang maituturing na pinakamataas na antas na Gawain?
A. Ipamalas ang awit na may mga pinalitang linyo nito sa saliw ng likhang musika at indak ng katawan upang mapalutang ang diwa nito
B. Paggamit ng imahenasyon sa pagguhit ng mensahe ng awit
C. Pagbuo ng isang poster o islogan ng halaw sa awit
D. Pagsusuri at pagpapaliwanag ng naturang awit sa anyong debate o talumpati
14. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabilis, daglian at payak na pagkilatis at pagtataya ng kasanayang pagsasalita?
A. Pagbigkas ng isang dagliang talumpati
B. Madamdaming pagbigkas ng isang tual
C. Aktibong pakikilahok sa talakayan
D. Pagganap sa isang tauhan ng dula-dulaan
15. Si titser Abby ay nagbigay ng gawaing pananaliksik sa mga naatasang mag-aaral hingil sa mga napiling paksa at na kanilang iuulat sa susunod na pagkikita. Ang naturang Gawain ay nagtataglay ng anong tungkulin ng wika?
A. Transaksyunal
B. Interaksyunal
C. Interpersonal
D. Reperensyal
16. Alin sa mga sumusunod na gawaing pangklasrum ang nagtataglay ng tungkuling transaksyunal sa pagsasalita?
A. Pagsasagawa ng balitaan
B. Pagpapamalas ng isang dayalog para sa dula-dulaan
C. Pagdaraos ng isang pagtatalo hinggil sa napapanahong isyu
D. Pagbabahaginan ng pananaw sa isang forum
17. Ang pagsasalita na kadalasan nagaganap sa klase tulad ng talakayan, paguulat pagtatanong, lektyur at iba pang kaugnay na Gawain ay nagpapakita ng tungkuling.
A. Direktiba
B. Referensyal
C. Imahinatibo
D.Estetiko
18. Anong tanong ang maaring buuin ng guro na nailalapat sa sumusunod na layunin may tungkulin interseksyunal? “Naipapahayag ang samdamin o niloob at nakapagbibigay ng sariling saloobin o opinion hinggil sa paksa”
A. Kung bibigyan kayo ng pagkakataong maging pangulo n gating bansa, paano ninyo masolusyunal ang kahiarapan?
B. Anu-aon ang mga pangungusap sa loob ng talata ng tumukoy sa konsepto ng sakripisyo
C. Anong konsepto ang napapaloob sa Kwento ni Mabuti?
D. Ano ang dahilan ng madalas na nararanasan pagbaha sa iba’t ibang panig ng mundo
19. Kung magtuturo ng pagbigkas ng tula sa mga mag-aaral ang istilong pagsasanay o drill, ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng proseso?
1. Pagbibigkas ng guro sa tula
2. Sabayang pagbibigkas ng klase sa tula
3. Pagtawag sa ilang mag-aaral para bigkasin ang tula nang isahan
4. Maliit na pangkatang pagbigkas ng bawat bahagi ng tula
1,3,4,2
1,2,3,4
4,3,2,1
1,3,2,4
20.Ipinalarawan ng guro sa mga mag-aaral ang mga nakasabit na bola sa kisame na may iba’t ibang kulay at laki. Ang mga mag-aaral ay nagbigay ng iba’t ibang pananaw hinggil ditto. Wika ng isang mag-aaral, “Ang mga bolang iyan ay maihahantulad sa pagkakaiba-iba ng tao, may mayaman at may mahirap; may Malaya at may alipin; may pinagpala at mayroon ding pinagkaitan subalit sa dulo ng lahat ay pare-parehosilang nilalang sa sanlibutan mula sa iisang ng Maylikha bagama’t iba-iba ang sinapupunang pinagmulan at baying kinalalakihan.’ Ang naturang pahayag ay maituturing na nasa anong antas ng paglalarawan?
A. Kababawan
B. Kalooban
C. Kalaliman
D. Kaibuturan
21. An mga sumusunod ay mabisang simulain na dapat isaalang-alang ng guro sa pagtuturo ng pagsasalita ng tungo sa maunlad na pagkatuto maliban sa ____________
A. isaalang-alang ang buong pagkatao ng bawat mag-aaral
B. bawasan ang pagkabahala at pag-aalala ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga aralin mula sa mahirap pagtungo sa madali
C. pananatilihin ang pantay na pagtuon sa kawastuhan at katatasan sa pagsasalita
D. Pag-iba ibahin ang mga kaparaanan ng interaksyon sa klase
22. Dapat bang madalas na iwinawasto ng guro ang pagkakamali ng mag-aaral sa pagbigkas ng istraktura ng wika?
A. Oo, upang ganap niyang matamo ang masteri ng wika nang mabilisan at kaaya-aya
B. Hindi, sapagkat higit na babagal ang knyang pagkatuto dulot ng pandamdaming sagabal tulad ng pagkahiya na maidudulot nito.
C. Oo, sapagkat ang layunin ng pagtuturo ng pagsasalit ay matiyak na nagagamit ng wasto ang mga salita ayon sa istruktura nito.
D. Hindi sapagkat mas mahalaga ang lakas ng loob sa pagsasalita kaysa kawastuhan ng istruktura ng wikang sinasalita
23. Higit na naipapamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan komunikatiba sa pamamagitan ng paglalapat ng wika sa mga sitwasyong pang-araw araw na buhay. Samakatuwid, ito ay nasa yugto ng ___________ .
A. paglalahad
B. pagsasanay
C. paglalahat
D. aktwal na pagsasalit
24. upang ganap na mapaunlad ng guro ang kasanayanang pagsasalita na malimitahan niya ang pagbibigay ng tanong sa talakayan o tinatawag na “core questions” ano an dahilan?
A. Upang mapadali ang talakayan sa klase na kung saan mas marami ang nakakalahok
B. Upang mas maraming mag-aaral ang mabibigyan ng pagkakataong magpahayag ng ideya o saloobin at malayang makilahok sa talakayan
C. Upng mas maraming panahon ang maigugol sa pagsulat ng pagsusulit
D. Upang maging madali para sa guro ang paghahanda at mas malaking panahon ang maigugol sa pagtatama ng Gawain.
25. Ayon kay Coady, kapag ang isang mag-aaral ay nakatuon sa impormasyong pangwika tulad ng balangkas ng pangungusap at batayang hulwaran sa kanyang binabasa, siya ay nagpapamalas ng anong estratehiya?
A. Semantika
B. Sintaktika
C. Leksikal
D. Grapopomik
26. Ang mga mag-aaral ng III-Mahogany ay pinagbasa ng guro hinggil sa mga paksang tumutuon sa mga isyong panlipunan na kanilang ibinahagi sa klase. Pagkatapos mailahad ay binigyan ng pagkakataon ang mga mag-araal na makapaglahad ng sarili nilang pananaw. Ang naturang kaganapan nabanggit ay nagpapatunay lamang na __________________ .
A. ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo
B. ang pagbasa ay isang sistema sa pagtataguyod
C. ang pagbasa ay isang proseso ng pagiisip
D. ang pagbasa ay isang estetiko o panibangang Gawain
27. Kapag ang pagbasa ay nakasalig sa mambabasa bilang isang napakaaktibong kalahok sa prosesong ito mula sa kanyang taglay na dating kaalaman at sariling kakayahan sa wika, ito ay sumasailalim sa ____________ .
A. teoryang bottom-up
B. teoryang top-down
C. teoryang interaktibo
D. teoryang metakognisn
28. Alin sa mga sumusunod na gawaing ang nagtataglay ng metakognisyon sa pagbasa? 1. Pag-aanalisa ng isang teksto 2. Paglikha ng sariling simula, sukdulan at wakas ng binasang katha 3. Pagpapakita ng dula-dulaan gamit batay sa mga tagpong nagpalutang ng diwa sa kwento 4. Pagbibigay kahulugan sa mga simbolong nakalimbag sa mga pahina
A. tambilang 1 at 2 lamang
B. tambilang 2 at 3 lamang
C. tambilang 1,2 at 3
D.tambilang 1,2,3 at 4
29. Ang mga mag-aaral ng Mataas na Paraan ng Bayabas ay nakalilinang na ng kasanayan sa mabilis na pagbabasa at pagunawa sa teksto bunga ng masigasig ng pagtitiyaga ng guro sa paggabay sa kanila. Ito ay malinaw na nagpapakita na ang mga naturang mag-aaral ay nasa anong yugto ng kahandaan sa pagbasa?
A. Panimulang Pagbasa
B. Maunlad na Pagbasa
C. Malawakang Pagbasa
D. Kahandaan sa pagbasa
30. Batay sa mga pag-aaral alin sa mga sumusunod ang maituturing na salik na may tuwirang kinalaman sa kahandaan sa pagbasa na dapat maisaalang-alang ng guro tungo sa akademikong pagkatuto?
A. Kagulang pisikal at mental
B. Personalidad, karanasan at pinag aralan ng magulang
C. Kagulangang sosysal at emosyonal at antas ng pamumuha
D. Wika, kultura, kaligiran at baying pinagmulan
31. Upang matukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang hinango sa binasang teksto gumuhit si Titser Ana ng mga kahon sa pisara bilang palatandaan sa mga titik na bubuo sa hinahanap na talasalitaan. Batay nabanggit na halimbawa anong estratehiyang ang ginamit ng guro?
A. konpigurasyon
B. simbolismo
C. Contextual Clues
tematikaa
32. Ito ay estratehiya sa pagbasa hinggil sa paghahanap ng tiyak na impormasyon para sa katumbas na sagot at kadalasay’y nakatuon sa pagkuha at pagtatala ng detalye
A. Skimming
B. Scanning
C. Intensive reading
D. Extensive reading
33. Si titser Robina ay nag lalahad ng isang kwento sa klase bilang lunsarang-aralin. Naglaan siya ng mga tanong para sa mga mag-aaral; na nagsasaad n g ilang paghuhula a maarign kalabasan ng ilan pang sumusunod ng tagpo. Anong estratehiya sa pagbasa ang tinukoy sa naturang sitwasyon pampagtuturo?
A. KWL
B. DRTA
C. GMA
D. QAR
34. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Pagkatapos ay tukuyin ang lebel ng komprehensyon ang isinasaad nito.
“Sa iyong palagay, ano ang nararamdaman ng mga taong nagsisikap na makapaghanap buhay sa ibang bayan ngunit patuloy na nilulusay naman ng kanilang mga anak ang kanilang pinaghihirapan?
A. Literal
B. Interpretasyon
C. Mapanuri
D. Malikhain
35. Sa pagtuturo ng isang binasang teksto, pinlano ni Titser Manalo ang araling susukuan sa kasanayan ng mga magaaral sa paghula ng maaring maganap. Ang naturang estratehiya ay napapaloob sa anong antas ng pag-iisip?
A. Pakwtal lebel
B. Interpretatib lebel
C. Aplikatibo lebel
D. Transaktib lebel
36. Ang klase sa filiino ay pinangkat ni Gng. Arceo upang basahin ang isang kwento. Pagkatapos ay pinagawa niya ang bawat pangkat ng mapa ng konsepto hinggil sa kanilang binasa a kanilang ipinakita at ilalahad sa klasae.Anong estratehiya ang ginamit ng guro as nasabing sitwasyon pampagtuturo?
A. KWL ( what I know, want to know learned )
B. GMA ( Group mapping activity)
C. DRTA (Direct Reading Teaching Activity)
D. ReQuest ( Reciprocal Questioning)
37. Ang korespondensya, memoranda plano, proposal, ulat at adbertisment ay mga anyo ng anong uri ng suatin?
A. Sulating personal
B. Sulating transaksyunal
C. Malikhaing sulatin
D. Malayang sulati
38. Alinsa mga sumusunod ang kaisipang naaaon sa pagtuturo ng pagsulat? 1. Mahalaga ang hakbang na pagtuturo ng pagsulat 2. Dapat isaalang-alang ang paggamit ng mga mahuhusay na modelo sa pagtuturo ng pagsulat. 3. Dapat ituro ang mga kaalamang pangwika sa angkop sa pangangailangan ng mga magaaral. 4. Dapat bigyang-diin ang iba’t ibang proseso sa pagsulat.
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 laman
C. Tambilang 1,2 at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4
39. Alin sa mga sumusunod na simulain sapagtuturo ng pagusulat ang may tunguhin bilang komunikatibo?
A. kontrolado
B. pinatnubayan
C. Malaya
D. Padikta
40. Ang mga sumusunod ay proseso ng mabisang pagtuturo ng pagsulat tungo sa kasanayang, pampagkatuto. Ihanay ang mga ito ayon sa tamang pagkakasunod-sunod: pidbak, rebisyon paggawa ng buradorat editing.
A. 1-2-3-4
B. 3-2-4-1
C. 3-1-2-4
D. 1-2-4-3
41. Binasa ng guro ang mga sulatin ng kanyang mga mag-aaral at bumuo siya ng pangkalahatang impresyon. Pagkatapos ay binigay niya ang mga puna upang mapabuti ng mga mag-aaral ang kanilang wika. Anong paraan ng ebalwasyon ang ginamit ng guro?
A. Pagmamarkang holistic
B. Pagmamarkang analitik
C. Mapamiling pagmamarka
D. Dalawahang pokus ng pagmamahal
42. Anong proseso ng pag-aaral ng panitikan ang isinisaad ng sumusunod na tunguhin?
“Nailalapat ang mga kaisipang nahango s kwento sa mga sitwasyong nagaganap sa pangaraw araw na buhay.”
A. Pagsusuri
B. Pagtataya
C.Paglalahat
D. Paglikha
43. Anong estratehiyasa pagtuturo ng panitikan ang naangkop para sa mga mag-aaral na may biswal na istilo na pagkatuto?
A. Dula-dulaan
B. Pagpapalabas ng pelikula
C. Pagpapatugtog ng musika
D. Pagdaraos ng ulat
44. Uri ng banghay na sumasailalim sa katuparan ng isang nasa, pagtatagumpay ng kabutihan sa kasamaan nang sagana.44. Uri ng banghay na sumasailalim sa katuparan ng isang nasa, pagtatagumpay ng kabutihan sa kasamaan nang sagana.
A. Romansa
B. Trahedya
C. Satiriko
D. Komedya
45. Ang katapusan ay simula lamang ng muling pagbangon sa pagkamatay at sa dakong huli tagumpay sa gitna ng pagkabigo mula sa pagsilang hanggang kamatayan ………. Sa dapithapon hanggang sa bukang liwayway “ Ito ay imaheng ____________.
A. Arketipo
B. siklikal
C. dayalektal
D. kumbensyunal
46. Tukuyin ang mga wastong patnubay sa pagtuturo ng tula 1. pagganyak at pagpukaw ng damdamin 2.pagbibigay ng malikhaing imahenasyon 3. pagkakaroon ng marangal na diwa 4. pagtuon sa mahalagang tayutay
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1, 2, at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4
47. Alin sa mga sumusunod na paksa ang mabisang unsaran sa pagtuturo ng pagsulat isang sanaysay na may paksang hinggil sa kanilang karanasan? 1. Ang aking karanasan 2. Isang mabisang paglalakbay sa Makulay na Karanasan 3. Isang makulay na paglalakbay tungo sa hiwaga ng Buhay 4. Ang Pasko sa Buhay ko
A. 1-2
B. 2-3
B. 2-3
D. 3-4
48. Anong estratehiya sa pagtuturo ng tula ang naangkop sa mga mag-aaral na may mataas na antas ng kasanayang pampagkatuto?
A. Fishbowl Teknik
B. Ulat-Balitaan
C. ReQuest (Reciprocal Questioning)
D. Pagsasatao o Role Playing
49. Anong estratehiyang pampagtuturo ang higit naangkop gamitin batay layuning nakasaad sa ibaba? “Napaghahambing ang bilang ng mga batang nagpatala sa isang paaralan sa loob ng limang taon batay sa nakasaad na datos.”
A. Tsart
B. Grap
C. Talaan
D. Klayn
50. Ano ang gagamitin mo kung nais mong ilahad ang propayl mga mag-aaral hinggil sa bahagdan ng kanilang antas na kinabibilangan?
A. Bar graph
B. Pie Graph
C. Line graph
D. Pictograph
