NEW
Font size
WorksheetsMASINING NA PAGPAPAHAYAG MIDTERM EXAM
Total questions: 40
Worksheet time: 30mins
Ito ay salitang griyego na nangangahulugang guro o maestro.
Rhetoric
Rhetor
Retorika
Hindi ganap ang kinang at bisa ng anuman sasabihin kung ito ay maligoy at walang kaayusan.
Kaisipang gustong ipahayag
Pagbuo o organisasyon
Estilo ng Pagpapahayag
Ang mga sumusunod ay saklaw ng masining na pahayag maliban sa isa.
Tao
Estilo
Kasanayan ng manunulat
Kumakatawan ito sa taglay na galing o talino ng manunulat o mananalita sa larangan ng pagsasalita o pagsusulat.
Sining
Pilosopiya
Estilo
Ito ang antas ng wika na bunga ng katutubong kakayahan at kasanayan sa paggamit ng malikhain at makahulugang pananalita.
Pampanitikan
Kolokyal
Lalawigan
Balbal
Tawag sa antas ng wika na bunga rin ng kasanayan sa paggamit ng pang-araw-araw na salita ng komunikasyon.
Balbal
Kolokyal
Lalawigan
Pambansa
Ito ang bunga ng pinagmulang lugar na karaniwa'y pinakamababang antas ng lipunan.
Balbal
Kolokyal
Lalawigan
Pambansa
Ito ay nakasulat sa anyong patula kaya't may sukat at tugma.Mayaman ito sa kagandahang asal at nagsisilbing panggising sa mga taong natutulog sa kasamaang asal.
Salawikain
Kasabihan
Idyoma
Tayutay
Ito ay bukambibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa dapat gawin sa buhay.
Salawikain
Kasabihan
Idyoma
Tayutay
Ito ay matalinghagang pahayag na nakatago sa likod ng salita ang tunay na kahulugan nito.
Salawikain
Kasabihan
Idyoma
Ito ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Salawikain
Kasabihan
Idyoma
Tayutay
Uri ng tayutay na naghahambing ng dalawang bagay sa tulong ng mga salitang pahambing.
Pagtutulad
Pagwawangis
Personipikasyon
Ito ang paghahambing ng dalawang bagay o tao na di ginagamitan ng anumang salitang pahambing.
Pagtutulad
Pagwawangis
Personipikasyon
Ito ang uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pandiwa.
Paurintao
Sinekdoke
Personipikasyon
Uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pang-uri.
Paurintao
Sinekdoke
Personipikasyon
Uri ng tayutay na tumutukoy sa isang bahagi upang tukuyin ang kabuuan
Metonimya
Sinekdoke
Oksimoron
Uri ng tayutay na gumagamit ng dalawang salitang magkasalungat ang kahulugan.
Metonimya
Sinekdoke
Oksimoron
Ito ay pagtukoy sa isang salita o pahayag upang katawanin ang isang bagay o pangngalan.
Pagtawag
Eupemismo
Metonimya
Ito ay katumbas ng mga salawikain o sawikain.
Eupemismo
Paradoks
Metonimya
Ito ay pagtukoy sa kabaliktaran ng katotohanan na may pangungutya.
Hiperbole
Ironiya
Onomatopeya
Ang tunog o himig ng salita na nagpapahiwatig ng kahulugan nito.
Hiperbole
Ironiya
Onomatopeya
Ito ang pag-uulit ng tunog-katinig sa simulang titik ng mga salita sa loob ng pahayag.
Onomatopeya
Aliterasyon
Asonansya
Ito ang pag-uulit ng tunog-patinig sa simulang titik ng mga salita sa loob ng pahayag.
Onomatopeya
Aliterasyon
Asonansya
Ito ang pag-alalang muli sa kaalamang patuloy na naiimbak sa likod ng utak ng taong may pinag-aralan.
Tayutay
Alusyon
Salawikain
Parang tambol sa lakas ang boses ng nagsasalitang bata sa entablado.
Pagtutulad
Metapora
Personipikasyon
Walang tayutay
Ang mata niya ay mga alitaptap
Pagtutulad
Metapora
Personipikasyon
Walang tayutay
Napatalon sa tuwa ang mga manlalaro nang nalaman nilang nagwagi sila.
Pagtutulad
Metapora
Personipikasyon
Walang tayutay
Ang kapitbahay namin ay nagtataingang kawali. Ano ang ibig sabihin ng "nagtataingang kawali"?
Naghihirap
Bingi
Kuripot
Bibigyan kita ng pera pagsweldo ng tulisan. Ano ang ibig sabihin ng "pagsweldo ng tulisan"?
Malapit na ang pera
Di mangyayari
Maraming pera
Kawangki niya'y ahas na tulog
Pagtutulad
Pagwawangis
Metonimya
Di magkamayaw ang mga tao sa Bogo City.
Paradoks
Senikdoke
Metonimya
Sampung daliri ang nagtulong-tulong sa proyekto kaya natapos agad.
Paradoks
Senikdoke
Metonimya
Venus siya ng Pilipinas
Paurintao
Alusyon
Pagtawag
Tukso, layuan mo ako
Onomatopeya
Pagtawag
Oksimoron
Ang tiktak ng relo ay tila nagsasabing ikaw ay parating na.
Onomatopeya
Pagtawag
Oksimoron
Ito'y dalawang katagang malayang nagpapalitan.
Kong at Kung
Raw at Daw
Sila at Nina
Ito ay isang makaluma at maiksing pariralang nagpapahayag ng ideya.
Kasabihan
Idyoma
Salawikain
Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng Masining na Pahayag maliban sa isa.
Nakapagpapayaman ng Kaisipan ng sinumang bumabasa
Handog ay kagaanan sa pagbabasa ng mambabasa
Sapat ang pahayag upang mapanatili ang kawilihan ng mambabasa
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Metonimya
Paradoks
Oksimoron
Ang mga salitang : tulad ng, kawangis, kawangki, kamukha ay gamit sa tayutay na _______.
Pagwawangis
Pagtutulad
Paurintao
