NEW
Font size
Worksheets5- Short Quiz
Total questions: 15
Worksheet time: 30mins
Ito ay bahagi ng pananalita na ginagamit bilang pantawag sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari. Ito ang nagsisilbi nating panawag sa mga bagay-bagay.
Pangngalan
Pang-ukol
Pandiwa
Ito ang ginagamit na pantawag sa di-tiyak o sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari.
Pantangi
Pambalana
Ito naman ay pangngalang ginagamit bilang pantawag sa natatanging ngalan ng tao, bagay, lugar, kathang-isip o pangyayari.
Pantangi
Pambalana
Ito ay isa sa uri ng pangngalan ayon sa tungkulin na tumutukoy sa pangngalang hindi nakikita o nahahawakan kundi mga konseptong nadarama o naiisip..
Kongkreto
Di-kongkreto
Tumutukoy sa ngalan ng bagay na nakikita, naririnig, nalalasahan, nahahawakan o naaamoy.
Kongkreto
Di-kongkreto
Tukuyin kung anong uri ng pangalan ayon sa tungkulin ang mga may salungguhit na salita.
1. Dahil sa kaniya, nakadama ng kalungkutan sina Pedring at Luisito.
Kongkreto
Di-kongkreto
Tukuyin kung anong uri ng pangalan ayon sa tungkulin ang mga may salungguhit na salita.
2. Maraming prutas ang nakatanim sa likod-bahay.
Kongkreto
Di-kongkreto
Tukuyin kung anong uri ng pangalan ayon sa tungkulin ang mga may salungguhit na salita.
3. Puno ng pagkain ang lamesa dahil sa kaarawan niya.
Kongkreto
Di-kongkreto
Tukuyin kung anong uri ng pangalan ayon sa tungkulin ang mga may salungguhit na salita.
4. Nagluto si nanay para sa kaniyang kaarawan.
Kongkreto
Di-kongkreto
Tukuyin kung anong uri ng pangalan ayon sa tungkulin ang mga may salungguhit na salita.
5. Umaapaw ang kaligayan na kaniyang nararamdaman.
Kongkreto
Di-kongkreto
Ang ______ ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
Kanta
Tula
Balita
Tumutukoy ito sa isang arawang tala ng pansariling gawain at mga repleksyon ng mga nadarama.
Talaarawan
Tula
Sanaysay
Sa Talaarawang "Sorpresa sa Kaarawan ko" ano ang tinutukoy na sorpresa?
Ang pagpunta nila sa mall para kumain at mamasyal.
Ang sorpresa na ihahanda siya ng magarbong handaan.
Ang pag-alis ng kaniyang nanay at muli nitong pagbabalik pagkatapos ng dalawang taon sa ibang bansa upang sila ay makumpleto.
Piliin ang ilan sa mga dahilan kung bakit kailangang mag-ibang bansa ang mga magulang:
I. Upang mabigyan ng maayos na kinabukusan ang mga anak at pamilya.
II. Upang ipagpatuloy ang kanilang pangarap para sa kanilang pamilya
III. Upang magbakasyon at maging masaya.
I, II, III
I, at II
I, at III
Tama bang hindi nagalit o nagtanim ng sama ng loob ang tauhan sa ating binasang akda nang umalis ang kaniyang ina?
Opo, dahil umalis ang kaniyang ina para po sa kanilang pamilya.
Hindi, dapat siya ay nagalit dahil hindi naipagdiwang ang kaniyang kaarawan.
Wala sa nabanggit.
