NEW
Font size
WorksheetsQuiz 3
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Sinabi ni Carlos P. Romulo sa isa niyang akda, “Ang Pilipino ay may dugong maharlika.” Ano ang kahulugan nito?
Ang Pilipino ay nanggaling sa malayang lahi
Ang Pilipino ay sadyang mabuti ang budhi
Ang Pilipino ay galing sa mayamang lahi
Ang Pilipino ay madaling maipagbili
Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan
Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi
Ang kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at nagtatakbuhan sa lansangan
Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro
Piliin ang gawi ng pagsasalita: Kasiyahan ko nang makitang kayo’y nagmamahalan
Pangarap
Pagkontrol ng kilos
Pagkuha ng impormasyon
Pagbabahagi ng damdamin
Ang kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sa panitikang Pilipino ay___
Nanatiling masigla ang diwang Pilipino
Nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino
Natutong lumabag sa batas at lumaban sa may kapangyarihan ang mga Pilipino
Naimpluwensyahan ang diwang alipin ng mga Pilipino
Laging UMUUKILKIL sa isipan ng ama ang nasirang pangako ng anak.
Sumasagi
Gumugulo
Sumasapi
Bumubuhay
Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ay gulong-gulo kapag may giyera sa ibang bansa. Ano ang unang ginagampanan ng ambassador ng bansa?
Bilangin ang mga nasugatan at nasawi
Alamin ang mga tirahan ng mga Pilipino sa bayang iyon
Ipunin ang mga maykaya at ipalipad pauwi
Bayaang magsipag-uwian sa sariling sikap ang bawat isa
Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Bumili ng bagong sasakyan si Angelo”?
Pokus sa direksyon
Pokus sa kagamitan
Pokus sa aktor
Pokus sa sanhi
Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taon-taon. Higit na marami ang maralitang nangangailangan ng salapi at dunong. Ang nagsasalita ay _____
Kuripot
Maramot
Matipid
Praktikal
Nasa anong kaganapan ng pandiwa ang pangungusap?
Naglaro ng basketball sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan.
Sanhi
Tagaganap
Kagamitan
Ganapan
Sa aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung pinagpipilitang si Rose ang nakabasag ng pinggan?
Hindi si Rose ang nakabasag ng pinggan
Rose
Hindi
Pinggan
Nakabasag
Anong tayutay ang tinutukoy sa pahayag.
Durog ang katawang bumagsak sa semento si Miguel.
Pagtutulad
Pagbibigay katauhan
Pagmamalabis
Pagwawangis
“Magtatrabaho ako at ikaw ay mag-aaral upang makatapos ka ng pag-aaral.” Anong uri ng pangungusap ito?
Payak
Tambalan
Hugnayan
Langkapan
Mag-aalas-singko na _____ umaga _____ magising siya
ng – ng
nang – nang
nang – kapag
ng – nang
Ang butong tinangay ng aso, walang pagsalang nalawayan ito. Ang kaisipang ito ay tumutukoy sa katotohanan ng ______
Pagnanakaw
Pagtatanan
Pagpapakasal
Pakikipagkaibigan
Anong uri ng pagbigkas ang salitang “dambuhala”?
Malumi
Mabilis
Maragsa
Malumay
