WorksheetsFirst Day Diagnostic Test
Total questions: 25
Worksheet time: 8mins
Multilingguwalismo ang umiiral na patakarang pangwika sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas dahil ___________ ang ginagamit na _____________.
dalawa, wikang panturo
tatlo, wikang panturo
tatlo, wikang opisyal
dalawa, wikang opisyal
________ ang/ang mga pambansang wika ng Pilipinas.
Filipino
Filipino at Ingles
Ingles
Tagalog
Dayalek ang __________________.
Filipino
Hiligaynon
Ingles-Estados Unidos
Bontok
Ang sitwasyong pangwika sa Estados Unidos ay ___________ dahil _________ ang umiiral na wika rito.
homogenous,iisa
heterogenous,dalawa
multilinggualismo,tatlo
bilingguwalismo,dalawa
Ang tawag sa wikang natututunan ng isang tao pagkaraang matutunan ang kanyang unang wika ay ________________.
unang wika
pangalawang wika
pangatlong wika
pang-apat na wika
Ang wika ay ______________ sapagkat ito’y pinagkakasunduan ng mga taong gagamit nito.
may masistemang balangkas
dinamiko
arbitraryo
natatangi
Walang mga wika ang magkatulad na magkatulad ang katangian sapagkat lahat ng wika ay _______________.
may masistemang balangkas
dinamiko
arbitraryo
natatangi
Ang/Ang mga opisyal na wika ng Pilipinas ay ______________.
Filipino
Filipino at Ingles
Ingles
Tagalog
Ang _____________ ay isang halimbawa ng bernakular.
Ibaloi
Filipino
Tagalog-Batangas
Ingles
Ang Pilipinas ay may/mayroong ______________ umiiral na wika kaya ___________ ang tawag sa sitwasyong pangwika rito.
mahigit-kumulang 180, multilingguwalismo
isang, homogenous
mahigit-kumulang 180, heterogenous
dalawa, bilingguwalismo
Ang ________________ ang sumasalamin sa kalinangan, kultura at damdamin ng mamamayan ng isang bansa.
wikang opisyal
wikang pambansa
wikang panturo
lingua franca
Ang mother tongue, Filipino at Ingles ay mga ______________ sa Pilipinas.
wikang opisyal
wikang pambansa
wikang panturo
lingua franca
Ang wikang unang natutunan at natural na ginagamit ng isang tao ay tinatawag na _____________ niya.
unang wika
bernakular
dayalek
pambansang wika
Bilang wikang opisyal, ang ____________ ay dapat gamitin sa pag-akda ng batas at iba pang dokumento ng pamahalaan.
Filipino
Mother tongue
Ingles
Tagalog
Ang taong kayang gumamit ng _________ wika nang may pantay na kahusayan ay tinatawag na ___________.
dalawang, bilingguwalismo
dalawang,multilinguwalismo
dalawang, bilingguwal
dalawang, multilingguwal
Ito ang kasalukuyang umiiral na patakarang pangwika sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas.
billinguwalismo
heterogenous
multilingguwalismo
homogenous
Ito ang tawag sa pangatlong wika na natutunan ng isang tao.
unang wika
pangalawang wika
pangatlong wika
pang-apat na wika
Ito ang tawag sa wika/ mga wikang kinikilala ng batas na gagamitin sa mga transaksiyon ng pamahalaan
opisyal na wika
pambansang wika
wikang pampamahalaan
wikang panturo
Ito ang kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.
Tagalog
Pilipino
Filipino
Ingles
Alin sa mga sumusunod ang diyalekto?
Ilokano
Filipino-Ilokano
Kankana-ey
Filipino
Ilan ang wikang panturong ginagamit sa kasalukuyang sistema ng edukasyon sa Pilipinas?
isa
dalawa
tatlo
apat
Ano ang tawag sa sitwasyong pangwika sa Pilipinas dulot ng maraming wikang umiiral rito?
multilingguwalismo
bilingguwalismo
heterogenous
homogenous
Ilan ang wikang kinikilala ng batas ng Pilipinas na maaaring gamitin sa transaksyon ng gobyerno?
isa
dalawa
tatlo
apat
Ito ang wikang sumasagisag sa kalayaan ng isang bansa.
opisyal na wika
wikang panturo
wikang pambansa
unang wika
Alin sa mga sumusunod ang/ ang mga kasalukuyang opisyal na wika sa Pilipinas?
Filipino
Ingles
Ilokano
titik A at B
