wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

TAGISAN NG BRAINZ - EASY PEASY CHEESY EMZ

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang phonocentrism, na nangangahulugang "una ang bigkas bago ang sulat", ay nakasentro sa pag-aaral na ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa __________.

a)

ingay

b)

tunog

c)

simbolo

d)

koda

2.

Pasalita man o pasulat, ang wika a pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin. Ano sa terminong Filipino ito?

a)

komunikasyon

b)

transaksyonal

c)

ugnayan

d)

talastasan

3.

Isa itong uri ng komunikasyong maituturing pundasyon ng kaalaman at edukasyon ng tao.

a)

Komunikasyong pabigkas

b)

Komunikasyong pakikinig

c)

Komunikasyong pasulat

d)

teknolohikal na komunikasyon

4.

Anong kautusan mula sa Commission on Higher Education na nagpatupad ng pagkakatanggal ng mga asignaturang Filipino sa colleges and state universities?

a)

CMO No. 20 s. 2013

b)

CMO No. 25 s. 2016

c)

CMO No. 26 s. 2017

d)

CMO No. 28 s. 2018

5.

Huwag makisama kay Zoilo dahil

buwaya siya. Ang nakahilis na salita ay gumamit ng ______________________.

a)

konotasyon

b)

denotasyon

c)

pampanitikan

d)

etimolohiya

6.

Ang makrong kasanayan ay isa sa mga mahahalagang sangkap ng paghubog ng kaalaman at kasanayang pangwika. Ano-ano ang mga makrong kasanayang ito?

a)

Pagsulat, pagbasa, pag-oobserba, pakikinig

b)

Pagbasa, Pag-oobserba, paglalakad, pagtakbo

c)

Panonood, pagsasalita, pag-oobserba, pagbasa

d)

Pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat

7.

Si Jose Rizal ay likas nang nakapagsasalita ng apat hanggang limang wika nang may kahusayan. Ano ang tawag sa ganitong uri ng tagapagsalita?

a)

native speaker

b)

bilingualist

c)

monolingualist

d)

polyglot

8.

Ang paraan ng pagsasalita nina Kris Aquino, Jessica Soho, at Rufa Mae Quinto ay tanyag sa buong Pilipinas. Kung titingnan mabuti ito, anong barayti ng wika ito?

a)

register

b)

idyolek

c)

sosyolek

d)

dayalek

9.

Sa kasalukuyan, naririnig natin ang mga salitang lodi, petmalu, at matsala kahit saanman. Bunga ito ng anong katangian ng wika?

a)

dinamiko

b)

arbitraryo

c)

sistematiko

d)

wala sa nabanggit

10.

“Siya ang aking bana.”

Ang nakasalungguhit na salita ay nabibilang sa anong antas ng wika?

a)

Kolokyal

b)

Lalawiganin

c)

Pambansa

d)

Balbal

11.

Ikaw ay inutusan ng iyong nanay na bumili ng suka sa tindahan para sa kanyang nilulutong ulam. Anong tungkulin ng wika ang kakikitaan sa sitwasyon?

a)

Interaksyunal

b)

Interpersonal

c)

Instrumental

d)

Regulatori

12.

Palabuuan: Morpema

Palatunugan: __________

a)

salita

b)

ponema

c)

pangungusap

d)

kahulugan

13.

Anong tiyak na kautusang nagpatupad ng Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas?

a)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

b)

Batas Komonwelt Blg. 184

c)

PD 1080

d)

RA 10356

14.

Ito ang kauna-unahang tawag sa ngayo'y Komisyon sa Wikang Filipino.

a)

Linangan ng mga Wika sa Pilipinas

b)

Surian ng Wika at Panitikan

c)

Surian ng Wikang Pambansa

d)

Linangan ng mga Katutubong Lenggwahe

15.

Anong taon ipinatupad ang Wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas?

a)

Nobyembre 12, 1950

b)

Disyembre 30, 1937

c)

Disyembre 2, 1950

d)

Oktubre 30, 1936