WorksheetsAP8 Q1 Week 2 - Heograpiya ng Daigdig
Total questions: 10
Worksheet time: 6mins
Ang mga sumusunod ay ang mga saklaw ng pag-aaral ng heograpiya. Alin sa mga pagpipilian ang HINDI KABILANG sa mga saklaw ng heograpiya?
Anyong Lupa at Tubig
Likas Yaman
Kabihasnan
Klima at Panahon
Ang absolute, astronomical at tiyak na lokasyon ng isang lugar ay maaring matukoy sa pamamagitan ng pagbibigay ng latitude at longitude gamit ang mapa o globo. Ang latitude ay ang distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng equator. Ano naman ang tawag sa distansyang angular sa pagitan ng dalawang meridian, patungo sa kanluran o silangan ng Prime Meridian?
Meridian
Longitude
Parallel
Equator
Ang mga sumusunod ay mga tamang pahayag tungkol sa daigdig MALIBAN SA ISA. Alin ito?
Ang daigdig ay binubuo ng crust, core at mantle.
Ang daigdig ay nabuo 13.5 bilyong taon na ang nakalipas.
Ang daigdig ang pangatlong planeta mula sa araw at pinakamalaking planetang terestriyal ng solar system.
Ang daigdig ay may tinatawag na plate o mga malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon.
Ang panahon ay ang pang-araw-araw na kalagayan ng kalawakan. Kasama dito ang mga elemento gaya ng temperatura, kalagayan ng himpapawid, hangin, ulan, halumigmig at iba pa. Ano naman ang tawag sa karaniwang kalagayan o kondisyon ng atmospera na nararanasan ng mga lugar sa loob ng mahabang panahon?
Klima
Flora
Fauna
Likas Yaman
Ano tawag sa distansyang angular na natutukoy sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng equator?
parallel
meridian
latitude
longitude
Ito ang tawag sa rehiyon kung saan nagaganap ang mga pinakamalakas na pagputok ng mga bulkan at paglindol dulot ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate.
Earthquake Zone
Volcanic Belt
Pacific Ring of Fire
Great Balls of Fire
Ang (a) ay ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
Ito ang imahinasyong guhit na nasa Greenwich, England na itinatalaga bilang zero degree longitude.
International Date Line
Equator
Prime Meridian
Parallel
Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ano ang tawag sa kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel?
Crust
Core
Mantle
Plate
Ito ang distansyang angular na natutukoy sa pagitan ng dalawang meridian patungo sa silangan o kanluran ng Prime Meridian.
parallel
meridian
latitude
longitude
