wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

01_8TH GRADE - ARALING PANLIPUNAN 1Q [HEOGRAPIYA]

Total questions: 66

Worksheet time: 55mins

Name
Class
Date
1.

Dito nagmumula ang mga halaman, gulay, prutas, at mga hayop na pinanggagalingan ng pagkaing kailangan ng tao upang siya ay mabuhay.

(a)  

2.

Ang (a)   ay isang mababa, patag, at malawak na kalupaan.

Ginagawa itong taniman o sakahan, pook-panahanan, at sentro ng kalakalan at kabuhayan. Matatagpuan ito sa pamayanang rural at urban.

3.

Ang (a)   ay isang mataas na anyong lupa. Karaniwang matatagpuan dito ang mga kagubatan at kuweba kung saan nakatira ang ilang natatanging hayop at halaman.

4.

Ang (a)   ay isang mataas na anyong lupa ngunit mas mababa o mas maliit kaysa sa bundok. Mainam itong pagpastulan ng mga hayop na pansakahan.

5.

Ang (a)   ay isang mahabang hanay ng mga magkakadugtong na bundok. Nahahati nito ang ilang lalawigan sa bansa. Matatagpuan dito ang ilan sa pinakamalalawak na kagubatan ng bansa.

6.

Ang (a)   ay isang mataas na anyong lupang may lagusan patungo sa ilalim ng lupa. Sa pana-panahon ay naglalabas ito ng usok at mainit na lusaw na bato.

7.

Ang (a)   ay isang uri ng kapatagan na napalilibutan o napagigitnaan ng mga bundok o burol. Ang mga bundok na ito ang nagsisilbing panangga ng mga naninirahan sa lambak mula sa malakas na hangin at bagyo.

8.

Ang (a)   ay isang kapatagan na matatagpuan sa itaas ng bundok. Ginagawa itong taniman o kaya ay pook-panahanan. Dahil nasa mataas na pook ito, higit na malarnig ang klima rito kaysa sa kapatagan.

9.

Ang (a)   o peninsula ay isang bahagi ng kapatagan sa baybayin na nakausli o nakaungos mula sa malaking bahagi ng lupain.

10.

Ang (a)   ay patag na lupain sa tabing-dagat. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay rito. Bunga ng pagiging isang kapuluan, ang Pilipinas ay nagtataglay ng napakahabang baybayin.

11.

Ang (a)   ay isang anyong lupa na lubos na naliligiran ng tubig. May mga pulong nabuo dahil sa pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat o pag-agos ng lusaw na bato mula rito.

12.

Dito nagmumula ang mga isda, alimango, seaweeds na pinanggagalingan ng pagkaing kailangan ng tao upang siya ay mabuhay. Gayun din ang kabibe at perlas na ginagamit upang gawing alahas, at mga korales na nagsisilbing tirahan ng mga isda.

(a)  

13.

Ang (a)   ang pinakamalaking anyong tubig sa daigdig.

Ang tubig nito ay maalat.

14.

Ang (a)   ay isang anyong tubig na bahagi ng karagatan. Ito ay matatagpuan malapit sa kalupaan. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga nakatira sa baybayin. Tulad ng karagatan, maalat din ang tubig nito.

15.

Ang (a)   ay bahagi ng dagat na bahagyang napalilibutan ng lupa. Nagsisilbi itong daungan at mahalagang pook ng kalakalan at transportasyon.

16.

Ang (a)   ay higit na malaki kaysa sa look. Tulad ng look, malapit ito sa lupa kung kaya mainam din itong daungan at himpilan ng mga sasakyang pandagat.

17.

Ang (a)   ay isang anyong tubig na napalilibutan ng lupa. Ito ay sarado at ang tubig nito ay hindi dumadaloy. Hindi tulad ng dagat, ang tubig dito ay matabang. Mainam itong pangisdaan.

18.

Ang (a)   ay isang anyong tubig sa pagitan ng dalawang pulo na may makitid na pagitan. Pinagdurugtong nito ang dalawang malalaking anyong tubig.

19.

Ang (a)   ay anyong tubig na dumadaloy papuntang dagat. Kadalasan ay umaagos ito mula sa matataas na lugar tulad ng bundok o burol. Kaugnay nito ang iba pang anyong tubig tulad ng sapa at batis.

20.

Ang (a)   ay anyong tubig na dumadaloy mula sa bundok hanggang marating nito ang bangin. Bumubuhos ito papunta sa paanan ng bundok.

21.

Ang (a)   ay anyong tubig na mula sa ilalim ng lupa.

May mga bukal na dumadaloy buong taon at mayroon namang hindi. Dinarayo ng mga turista ang mga bukal na may maligamgam o mainit na tubig.

22.

Ang (a)   ay isang anyong tubig na higit na maliit kaysa ilog. Karaniwan itong karugtong ng ilog o bukal. Ito ay pinagkukunan ng patubig para sa mga bukid. Dahil mababaw lamang ang tubig nito, natutuyo ang ilang sapa pagsapit ng tag-araw.

23.

Anong Anyong Lupa ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

24.

Anong Anyong Lupa ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

25.

Anong Anyong Lupa ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

26.

Anong Anyong Lupa ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

27.

Anong Anyong Lupa ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

28.

Anong Anyong Lupa ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

29.

Anong Anyong Lupa ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

30.

Anong Anyong Lupa ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

31.

Anong Anyong Lupa ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

32.

Anong Anyong Lupa ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

33.

Anong Anyong Tubig ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

34.

Anong Anyong Tubig ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

35.

Anong Anyong Tubig ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

36.

Anong Anyong Tubig ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

37.

Anong Anyong Tubig ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

38.

Anong Anyong Tubig ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

39.

Anong Anyong Tubig ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

40.

Anong Anyong Tubig ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

41.

Anong Anyong Tubig ito at saan ito matatagpuan?

(a)  

42.

Anong Anyong Tubig ito?

(a)  

43.

Pinakamalalim, pinakamalawak, at pinakamalaki sa lahat ng mga anyong tubig.

a)

golpo

b)

karagatan

c)

talon

d)

dagat

44.

Makipot na anyong tubig na nagdurugtong sa dalawang anyong tubig.

a)

ilog

b)

karagatan

c)

talon

d)

kipot

45.

Ito ay naliligiran ng lupa at bahagi rin ng karagatan na karaniwang nasa bukana ng dagat.

a)

ilog

b)

golpo

c)

talon

d)

kipot

46.

Magandang bulkan na nasa gitna ng isang lawa.

(a)  

47.

Ito ang tawag sa mga bagay na ginagamit natin upang matugunan ang ating mga pangangailangan.

a)

Ingat-yaman

b)

Yamang Likha

c)

Likas na Yaman

48.

Tinaguriang "Seafood Capital of the Philippines".

a)

Dagupan, Pangasinan

b)

Roxas City, Capiz

c)

Donsol, Sorsogon

49.

Ang malamig na temperatura ay nararanasan ng mga lugar na may _____ na lokasyon.

a)

patag

b)

mababa

c)

mataas

50.

Paano ka makatutulong sa wastong pangangalaga sa mga likas na yaman sa iyong pamayanan.

a)

Hindi ko papansinin ang batang nagtapon ng basura sa tabing-ilog.

b)

Ilalagay ko ang aking basura sa aking bag.

c)

Aalagaan ko at pagyayamanin ang halaman sa aming bakuran.

51.

Halos kalahati ng ating kapuluaan ay kagubatan.

a)

Tama

b)

Mali

52.

Alin sa mga sumusunod ang responsableng paggamit ng likas yaman.

a)

Paggamit ng cyanide.

b)

Pagtatanim ng mga puno sa paligid ng watershed.

c)

Pagkakaingin sa mga kagubatan upang kumita.

53.

Mga bagay na nakukuha sa kalikasan.

a)

yamang tao

b)

yamang likas

c)

yamang capital

54.

Makikita sa karaniwang taniman ng palay.

a)

lambak

b)

talampas

c)

kapatagan

55.

Lumikas na ang pamilyang Marino dahil may umuusok na at malapit ng sumabog. Anong anyong lupa ang malapit sa kanilang bahay?

a)

bundok

b)

talampas

c)

burol

d)

bulkan

56.

Malawak ang palayan ng mga kapitbahay ni Juna. Sila ay malapit sa anong anyong lupa?

a)

bundok

b)

bulkan

c)

talampas

d)

kapatagan

57.

Mataas at mahirap akyatin ang lugar nina Robi. Malaki at mataas ang mga punong-kahoy dito.

a)

kapatagan

b)

bundok

c)

bulkan

d)

talampas

58.

Dito dumadaan ang mga malalaking barko patungo sa ibang bansa.

a)

ilog

b)

bundok

c)

karagatan

d)

lawa

59.

Dito dumadaan ang mga malalaking barko patungo sa ibang bansa.

a)

ilog

b)

bundok

c)

karagatan

d)

lawa

60.

Nakakatuwang pagmasdan ang tubig na bumabagsak mula sa itaas ng bundok.

a)

ilog

b)

bundok

c)

karagatan

d)

talon

61.

Pinakamalaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas.

a)

Luzon

b)

Visayas

c)

Mindanao

d)

Manila

62.

Pulong matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas.

a)

Luzon

b)

Visayas

c)

Mindanao

d)

Manila

63.

Pinakamaliit sa tatlong malalaking pulo sa Pilipinas.

a)

Luzon

b)

Visayas

c)

Mindanao

d)

Manila

64.

Isa sa tatlong malalaking pulo sa Pilipinas na matatagpuan sa timog o ibabang bahagi ng Pilipinas.

a)

Luzon

b)

Visayas

c)

Mindanao

d)

Manila

65.

Bakit tinatawag na isang kapuluan o archipelago ang bansang Pilipinas?

(a)  

66.

Anyong lupa na kasing-hugis ng bundok ngunit bumubuga ng mainit na putik.

a)

lambak

b)

dagat

c)

bulkan