WorksheetsBUGTONG-BUGTONG!
Total questions: 20
Worksheet time: 3mins
Nang bata pa ay apat ang paa. Nang lumaki ay dalawa. Nang tumanda ay tatlo na.
Hayop
Tao
Bagay
Dalawang magkapatid, Sa pagdarasal ay namimitig.
Tuhod
Siko
Tenga
tanda na ang nuno hindi pa naliligo
Bata
Manok
Pusa
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Zipper
Ngipin
Aso
Dalawang balong itim, malayo ang nararating.
paa
mata
tenga
Maliit na bahay, puno ng mga patay.
libingan
kahon
posporo
Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sumbrero
Buhok
Elepante
Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap
kama
salamin
unan
Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan.
sanggol
yoyo
paa
Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
sinturon
palda
blusa
Bata pa si Nene marunong nang manahi
gagamba
mananahi
tindera
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita
tenga
mata
labi
Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos
kalsada
kriminal
sapatos
Araw-araw nabubuhay, taon-taon namamatay
bulaklak
bangkay
kalendaryo
Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
mata
pluma
pantasa
Pinilit na mabili, saka ipinambigti.
pantali
singsing
kurbata
Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
matalik na kaibigan
anino
aso
Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Babae
kampana
trumpeta
Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
Sundalo
kapitbahay
Walis
Maliit pa si Nene nakakaakyat na sa tore.
langgam
ibon
gagamba
