wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1ST QUARTER EXAMINATION

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang tiyak na lugar kung saan namumuhay ang iba't-ibang pamilya.

a)

Komunidad na sakahan

b)

Komunidad

c)

Komunidad na rural

d)

Komunidad na urban

2.

Ang Komunidad na ito ay matatagpuan sa mga lalawigan o sa mga liblib na pook.

a)

Komunidad

b)

Komunidad na sakahan

c)

Komunidad na rural

d)

Komunidad na urban

3.

 Ano ang tawag sa mga taong ang trabaho ay pagtatanim ng gulay at palay?

a)

Mangingisda

b)

Minero

c)

Magsasaka

d)

Karpintero

4.

Ano ang pangunahing pananim ng ating bansa?

a)

Tubo

b)

Mais

c)

Palay

d)

 Pinya

5.

Ang lugar na ito ay kilala bilang "Rice Bowl of the Philippines."

a)

Nueva Ecija

b)

Tarlac

c)

 Bukidnon

d)

Pangasinan

6.

 Ito ay ang paghuli, paghango, at pag-aalaga ng mga yamang-dagat.

a)

Pagtatanim

b)

Pangingisda

c)

Pagsasaka

d)

Pagmimina

7.

Ano ang HINDI kabilang sa komunidad na rural?

a)

Sakahan

b)

Pangisdaan

c)

Industriyal

d)

Minahan

8.

Ang komunidad na ito ay matatagpuan sa mga pangunahin at mauunlad na lungsod o bayan.

a)

 Rural

b)

Urban

c)

Sakahan

d)

Minahan

9.

Dito matatagpuan ang mga pagawaan ng iba't-ibang produktong kailangan natin sa araw-araw.

a)

Industriyal

b)

Komersyal

c)

Urban

d)

Rural

10.

Dito hinuhukay ang mga ginto, pilak at tanso.

a)

Urban

b)

Rural

c)

Minahan

d)

Pangisdaan

11.

Dito sama-samang nananalangin ang mga mamamayan.

a)

Pamilihan

b)

Barangay Hall

c)

Pook-sambahan

d)

Estasyon ng Pulis

12.

Ito ang tanggapan ng pinuno ng komunidad na kung tawagin ay Kapitan.

a)

Pamilya

b)

Barangay Hall

c)

Paaralan

d)

Pagamutan

13.

Ito ang patag na larawan ng isang lugar

a)

globo

b)

komunidad

c)

mapa

d)

 legend o pananda

14.

Sino ang umaapula o pumapatay ng apoy?

a)

Bumbero

b)

 Pulis

c)

Doktor

d)

Punong Guro

15.

 Ito ang pangunahing institusyon sa lipunan.

a)

Pagamutan

b)

Pamilya

c)

Pamilihan

d)

 Paaralan

16.

 Ito ay isang malawak, mababa, at patag na anyong lupa.

a)

Kapatagan

b)

Burol

c)

Bundok

d)

Bulkan

17.

Ang pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas ay ang ______________?

a)

 Hilagang Luzon

b)

Gitnang MIndanao

c)

Kanlurang Visayas

d)

Gitnang Luzon

18.

Ano ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa Davao del Sur?

a)

Mount Arayat

b)

Mount Pulag

c)

Mount Apo

d)

 Mount Hibok-Hibok

19.

Ito ay anyong lupa na mas mababa kaysa bundok.

a)

Talampas

b)

Burol

c)

Bulkan

d)

Lambak

20.

 Simbolo sa mapa na  nagpapakita ng direksiyon.

a)

Legend

b)

Pananda

c)

 Mapa

d)

Compass Rose

21.

Ito ay hanay ng magkakarugtong na mga bundok.

a)

Lambak

b)

Bulubundukin

c)

 Talampas

d)

Burol

22.

Ito ay isang mababang anyong lupa sa pagitan ng mga burol o bundok

a)

Talampas

b)

Tangway

c)

Lambak

d)

Pulo

23.

Ito ay isang mataas na anyong lupa na may patag sa tuktok o ibabaw.

a)

Pulo

b)

Talampas

c)

Tangway

d)

 Lambak

24.

Sa aling direksiyon sumisikat ang araw?

a)

 Hilaga

b)

Kanluran

c)

Silangan

d)

Timog

25.

Ito ang pinakamalalim at pinakamalawak na anyong tubig.

a)

Karagatan

b)

Golpo

c)

 Dagat

d)

Look

26.

 Ang tubig sa __________ ay maligamgam dahil ito ay nagmumula sa ilalim ng lupa.

a)

Talon

b)

Ilog

c)

Bukal

d)

 Lawa

27.

Ang Philippine Sea ay halimbawa ng anong anyong tubig?

a)

Karagatan

b)

 Lawa

c)

 Dagat

d)

 Golpo

28.

Ano pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas?

a)

Sierra Madre

b)

Cordillera Mountain Range

c)

Caraballo Mountain Range

d)

Mindanao Mountains

29.

Ang Baguio City ay halimbawa ng anong uri anyong lupa?

a)

Kapatagan

b)

Pulo

c)

Burol

d)

Talampas

30.

 Ang mga ito ay maaring kumatawan sa mga estraktura, pook, bagay, anyong lupa o tubig na makikita sa mapa.

a)

 compass rose

b)

pananda

c)

globo

d)

pangunahing direksiyon

31.

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi. 

Maraming puno at palayan sa pamayanang urban. 

a)

Tama

b)

Mali

32.

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi. 

Ang pagsasaka at pangingisda ay mga hanap-buhay sa pamayanang rural. 

a)

Tama

b)

Mali

33.

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi. 

Sa pamayanang rural, may mahahabang mga tulay at aspaltado o sementado ang mga kalye. 

a)

Tama

b)

Mali

34.

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi. 

Ang mga nakatira sa pamayang rural ay sumusunod sa mga tradisyon, kaugalian at pamahiin.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi. 

Ang mga bahay sa pamayanang urban ay gawa sa dahon at kawayan.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi. 

Simple lamang ang pamumuhay ng mga tao sa rural.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi. 

Karaniwan sa mga nakatira sa rural ay kainakailangan pang maglakad o bumiyahe nang matagal upang makarating sa paaralan, ospital, o opisina.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi. 

Sa urban madalas itinatayo ang matataas na gusali.

a)

Tama

b)

Mali

39.

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi. 

Ang urban ay may komunidad na industriyal at komersiyal.

a)

Tama

b)

Mali

40.

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi. 

Malapit ang urban sa kalikasan kung saan dito nakakukuha ang mga mamamayan ng kanilang kabuhayan.

a)

Tama

b)

Mali