NEW
Font size
WorksheetsAraling Panlipunan 5 - Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas (Review)
Total questions: 10
Worksheet time: 7mins
1) Ano ang tawag sa pagtatagpo ng latitud at longhitud sa globo?
Tropiko ng Kanser
Kathang isip na linya
grid
prime meridian
2) Ito ang espesyal na guhit na batayan ng petsa at oras ng mga
bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Tropiko ng Kanser
International Date Line
grid
prime meridian
3) Ano ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas batay sa longhitud?
58° kanluran at 112° kanlurang longhitud
258° timog at 127° silangan longhitud
116° kanluran at 172° hilaga longhitud
116° silangan at 127° silangan longhitud
4) Bukod sa grid, ano pa ang nakatutulong sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng isang lugar?
mga espesyal na kathang-isip na linya sa mapa
mga kagamitan tulad ng ruler
mga instrumento tulad ng kompas
mga mahalagang papel tulad ng mapa
5) Kung ikaw ay isang kartograpo, paano mo sasabihin sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng grid sa paghahanap ng bansa sa mapa?
Hindi mahalaga ang grid.
Mahalaga ang grid dahil mas mapagaganda nito ang mapa.
Mahalaga ang grid dahil maaari itong magsilbing sulatan kapag gumagamit ka ng mapa.
Mahalaga ang grid dahil nakatutulong ito upang mas tiyak na makita o makuha ang lokasyon ng kahit anong lugar.
6) Paano nakatutulong ang grid sa mga kapitan ng barko at piloto ng eroplano na gumagamit at bumabasa nito?
Ginagamit nila ang grid sa mapa upang mas maayos na mailatag ang ruta na kanilang dadaanan.
Ginagamit nila ang mga grid sa mapa upang mas maayos na makita ang mga dinadaanan.
Hindi nakatutulong ang grid sa kanila dahil nakalilito ito.
Hindi nakatutulong ang grid sa kanila dahil hindi nila ito kailangan.
7) Bakit mahalagang malaman ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?
upang mas madali natin itong makita kapag hinahanap natin sa mapa
upang malaman din natin kung saan ang hangganan ng ating teritoryo
upang madali natin itong maiguhit sa mapa kung kinakailangan
upang hindi tayo mahirapan sa paghahanap nito sa globo
8) Ito ang espesyal na guhit na makikita sa 0° longhitud.
Tropiko ng Kanser
Kathang isip na linya
ekwador
prime meridian
9) Ito ang espesyal na guhit na naghahati sa mundo sa hilaga at
timog. Ito ay makikita sa 0° latitud.
International Date Line
Kathang isip na linya
ekwador
prime meridian
10) Tinagurian itong isang patag na representasyon ng mundo.
globo
mapa
ekwador
prime meridian
