WorksheetsQ1 Klima sa Pilipinas
Total questions: 30
Worksheet time: 17mins
Ang kalagayan ng atmospera na tumatagal sa loob ng mahabang panahon.
panahon
temperatura
elebasyon
klima
Bakit klimang tropikal ang nararanasan sa Pilipinas?
dahil sa lokasyon nito sa mundo
dahil sa nakapaligid na katubigan
dahil kapuluan ito
dahil sa mga greenhouse gas
Aling rehiyon sa mundo ang nakararanas ng apat na seasons?
Tropical
Temperate
Polar
Alin sa mga sumusunod na bansa ang nasa Tropical Region?
Alaska
Ecuador
Norway
Japan
Alin ang bansang nasa Temperate Region?
Spain
Thailand
Hawaii
Madagascar
Bakit ang Polar region ay buong taong malamig at may yelo?
dahil sa galaw ng hangin
dahil hindi direktang nakakatanggap ng init ng araw
dahil sa paggalaw ng tubig
dahil sa dami ng halaman
Ang mga bansang tropikal ay nakararanas ng tag-init at tag-ulan.
TAMA
MALI
Mas malamig ang temperatura ng isang mataas na lugar.
TAMA
MALI
Ano ang hindi pangkaraniwang pag-ulan sa Pilipinas at karatig na bansa na nagdudulot ng malawakang pagbaha.
El Niño
La Niña
Ang tagtuyot ay tinatawag din na El Niño.
TAMA
MALI
Ano ang pagtaas ng temperatura ng mga lupain at katubigan sa daigdig?
Climate change
Global Warming
monsoon
typhoon
Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng global warming?
greenhouse gas
reforestation
paggamit ng e-bike
pagtitipid ng kuryente
Magbigay ng isang gawain na dahilan ng Climate Change?
Magbigay ng isang solusyon sa Climate Change.
Paano ka makatutulong bilang isang Climate Change Ambassador?
Ang pag-inog ng mundo sa araw ay tinatawag na (a) .
Alin ang epekto ng rebolusyon ng mundo?
seasons
weather
temperature
precipitation
Ito ay hangin na nagmumula sa Tsina at Siberia tuwing Setyembre hanggang Nobyembre.
trade winds
Hanging Amihan
Hanging Habagat
easterlies
Bakit malamig sa Baguio City?
dahil malapit sa dagat
dahil kapatagan
dahil mataas na lugar ito
Ano ang tawag sa anyong lupa na binubuo ng maraming isla o pulo?
tangway
kapatagan
arkipelago
lambak
Ang Pilipinas ay binubuo ng _____________ na malalaki at maliliit na pulo.
7, 416
7, 641
7, 146
7, 164
Dahil arkipelago ang Pilipinas, masagana sa likas na yaman ang katubigang nakapalibot dito.
TAMA
MALI
Madaling protektahan ang bansang Pilipinas.
TAMA
MALI
Alin sa mga sumusunod na bansa ang may territorial dispute ang Pilipinas sa West Philippine Sea?
Japan
Thailand
Indonesia
China
Alin sa mga sumusunod ang organisasyon na nagtatadhana ng batas ukol sa mga bansang may mga baybayin o tabing-dagat?
UNSDG
UNCLOS
UNICEF
UNCHR
Bakit madalas daanan ng bagyo ang Pilipinas?
Ito ay pag-araw-araw na kalagayan ng kapaligiran na may kinalaman sa init o lamig, pagkabasa o pagkatuyo, at pagkamaaliwalas o pagkamakulimlim.
Klima
Tropikal
Panahon
Bagyo
Tawag sa klimang nararanasan ng mga bansang malapit sa ekwador at mababang latitud.
Klimang Polar
Klimang Tropikal
Klimang Disyerto
Ito ay salik na nagpapahayag kung gaano kaiinit o kalamig ang isang lugar.
Hangin
Taas ng Lugar
Temperatura
Dami ng ulan
Ahensya ng pamahalaan na nabibigay ng ulat sa kalagayan ng panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
DSWD
PHILVOCS
PAGASA
DepEd
