wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

TAGISAN SA KASAYSAYAN - DIFFICULT ROUND

Total questions: 10

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ang pagkakadeklara ng Batas Militar sa Pilipinas ang nagbigay ng kapangyarihan sa Sandatahang Lakas na mag-organisa ng mga task force para sa layuning sugpuin ang lawless violence sa bansa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ito?

a)

Task Force Isarog

b)

Task Force Magdiwang

c)

Task Force Palanan

d)

Task Force Saranay

2.

Nang maitalaga si General Fabian Ver bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, bahagi ng isyung kinasangkutan niya ay ang umano'y koneksyon niya sa pagpatay kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong Agosto 21, 1983 dahilan para pansamantalang suspindihin siya sa katungkulan. Ano ang tawag sa independent ad hoc fact finding board na nagsagawa ng imbestigasyon sa pagkakapaslang sa dating senador?

a)

Agrava Board

b)

Odessa Board

c)

Tiangco Board

d)

Versoza Board

3.

Noong Pebrero 22, 1986, si Defense Minister Juan Ponce Enrile, kasama ang Vice Chief of Staff ng AFP na si Lt. Gen. Fidel V. Ramos, ay tuluyan ng bumitaw sa pagsuporta kay Pangulong Marcos, at hiniling sa kanya na bumaba sa pwesto. Ayon sa isang mananalaysay, ito ay dahil sa pagkasira ng institusyon ng AFP dulot ng pagkadismaya ng militar kay Chief of Staff Fabian Ver at pagkakabaha-bahagi ng mga bumubuo nito. Sino ang mananalaysay na ito?

a)

Encarnacion Alzona

b)

Patricio Abinales

c)

Cecilio Lopez

d)

Jose Clemente Zulueta

4.

Ang deklarasyon ng Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1972 ay nagdulot ng transisyon mula sa 1935 Constitution tungo sa 1973 Constitution. Sinasabing nagkaroon ng implikasyon ang paglipat na ito sa komposisyon at mga tungkulin ng Kataastaasang Hukuman. Sa ilalim ng konstitusyong ito, ilan ang bagong talagang miyembro ng Korte Suprema?

a)

12

b)

13

c)

14

d)

15

5.

Ang aklat na ito na pinamagatang “The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos” ay nagbigay ng detalyadong salaysay ng administrasyong Marcos noong panahon ng Batas Militar. Sino ang sumulat ng aklat na ito na sinasabing isang taong tanging pinagkakatiwalaan ni Ferdinand Marcos patungkol sa kaniyang mga personal na impormasyon?

a)

Dominador Mirasol

b)

Efren Abueg

c)

Primitivo Mijares

d)

Virgilio Almario

6.

Ito ay tungkol sa kuwento ni Anna, isang inang napawalay sa kanyang sanggol nang madakip siya ng militar dulot ng kanyang pakikibahagi sa rebolusyonaryong aktibidad laban sa pamahalaang Marcos. Mga dalawampung taon pagkaraan, at walang kasiguraduhan kung nabubuhay pa nga ba ang anak, patuloy si Anna sa paghahanap. Sa nobelang ito iginuguhit ni Luahalti Bautista kung paano nawasak ng batas militar ang napakaraming pamilya, at kung paanong ang galit at sakit na dulot nito ay di sinasadyang naipamamana ng mga magulang sa kanilang mga anak.

a)

Desaparesidos

b)

Hugot sa Sinapupunan

c)

Sa Panag-igsoonay

d)

The Maricris Sioson Story

7.

Noong Abril 7, 1978, ginanap ang unang pambansang halalan sa ilalim ng batas militar. Ang halalan para sa 165-miyembro ng Interim Batasang Pambansa ay nagresulta sa malawakang tagumpay ng partido ng koalisyon ng administrasyon, ang "Kilusang Bagong Lipunan ng Nagkaisang Nacionalista, Liberal, at ibapa" o KBL. Sino ang unang namuno sa KBL para sa National Capital Region na nakakuha ng pinakamataas na bilang ng mga boto sa Metro Manila?

a)

Imelda Marcos

b)

Homobono Adaza

c)

Reuben Canoy

d)

Sonia Sotomayor

8.

Ayon sa aklat na ito ni dating Pangulong Marcos, ang Bagong Lipunan ay isang kilusan na humihimok sa mga mahihirap at may pribilehiyo na magtrabaho bilang isa para sa iisang layunin ng lipunan, at makamit ang pagpapalaya ng sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng pagsasakatuparan sa sarili.

a)

Dream of a Reformed Society

b)

Notes on the New Society of the Philippines

c)

The Philippine Experience: A Perspective on Human Rights and the Rule of Law

d)

Toward the New Society: Essays on Aspects of Philippine Development

9.

Noong Hunyo 16, 1981, anim na buwan pagkatapos alisin ang batas militar, ginanap ang unang halalan sa pagkapangulo sa loob ng labindalawang taon. Gaya ng inaasahan, tumakbo si Pangulong Marcos at nanalo ng malawakang tagumpay laban sa iba pang mga kandidato. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pulitikong kumandidato sa pagkapresidente nang panahong iyon?

a)

Alejo Santos

b)

Bartolome Cabangbang

c)

Corazon Aquino

d)

Salvador Laurel

10.

Isa ito sa pinakamahalagang programang pang-ekonomiya noong dekada 1980 na sinimulan noong Setyembre 1981. Layunin nito na isulong ang pag-unlad ng ekonomiya ng mga barangay sa pamamagitan ng paghikayat sa mga residente nito na gumawa ng kanilang sariling mga proyektong pangkabuhayan. Ang pagsisikap na ito ng pamahalaan ay nagresulta sa pagtaas ng rate ng paglago ng ekonomiya ng bansa mula sa average na anim na bahagdan hanggang sa naging pitong bahagdan mula 1970 hanggang 1980.

a)

Community Livelihood Assistance Special Program

b)

Livelihood and Employment Program

c)

Movement for Livelihood and Progress

d)

Sustainable Livelihood Program Associations