WorksheetsESP 6 Q1 W4
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Si Mang Nicanor ay isang Barangay Opisyal. Nakatanggap siya ng e-mail na magkakaroon ng pagpupulong ang lahat ng opisyales ng Barangay. Tiningnan niya ang pangalan ng nagpadala mula ito sa kalihim.
TAMA
MALI
Nasa ika-anim na baitang si Josie. Handa na siyang pumasok sa paaralan ngunit napakalakas ng ulan. Narinig niya sa radyo na kinansila ng kanilang Mayor ang pasok sa elementarya at sekondarya dahil sa masamang kalagayan ng panahon. Tinawagan ni Josie ang kanilang paaralan upang eberipika ang narinig.
TAMA
MALI
Nanonood ka ng telebisyon at nakita mo sa kanilang palabas na may makapal na usok malapit sa inyong lugar. Sinabi mo agad sa iyong ina na mayroong sunog malapit sa inyo. Nabigla siya at hinimatay dahil sa nerbiyos. Nalaman mo mula sa inyong kapitbahay na nagpa-fogging lamang pala sa inyong Barangay.
TAMA
MALI
Nakatanggap ka ng mensahe mula sa kaibigan mo na naiinis ang isa mong kaklase sa iyo dahil sa palagi mong pagkuha ng matataas na marka. Hindi ka naniwala sa kanya dahil wala kang basihan nito.
TAMA
MALI
Nakita mo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino ang nakakikilala sa matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang kanyang pamilya. Nagkataon na kilala mo ang matanda at malapit lamang ang tirahan nila sa inyo kaya pinuntahan mo agad ang kanyang pamilya at ipinaalam ang kinaroronan ng matanda.
TAMA
MALI
Bata at matanda sa aki’y nawiwili
Hindi kumpleto kapag hindi ako katabi
Text, at youtube may kasama pang video call
Pati na nga tiktok na pang-alis ng antok.
(a)
Maraming kaalaman sa akin ay nakasulat
ang mga eksperto pati sinaunang tao.
Binabasa ako sapagkat ang laman ko ay pawang totoo.
(a)
Pagdating ng eskwela doon sa tahanan
Kasama ang magulang na sa akin ay na katunghay
Minsan pa nga ay nagtatalo sa aking harapan
Kung anong palabas ang kasunod na matutunghayan.
(a)
Lahat nagagalit at hindi mapakali
Kapag nanghihina ako at walang makitang tao
Pati Globe at Smart, minumura ninyo
Ngunit wala kayong magawa kapag wala ako.
Internet
Cellphone
Laptop
TV
Ako ay nauna higit sa kanila
Mga impormasyon sa akin nyo nababasa
Sariwang balita ang hatid ko tuwina
Kasalo ninyo ako sa pagkakape tuwing umaga.
TV
Aklat
Radyo
Dyaryo
