NEW
Font size
WorksheetsKonsepto at Paghahating Rehiyon ng Asya
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Salik sa paghahating rehiyon ng Asya na tumutukoy sa hugis at pisikal na katangian ng kalupaan ng isang lugar o bansa katulad ng mga anyong lupa at anyong tubig.
topograpiya
klima
lokasyon
kultura
Pananaw sa pag-aaral ng heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya na nakabatay sa pananaw ng mga Asyano.
Heliosentriko
Geosentriko
Asyasentriko
Eurosentriko
Tradisyunal na panrehiyong katawagan ng mga Europeo sa mga bansa sa Kanlurang Asya dahil pumagitna ang mga ito sa kontinente ng Asya, Europa, at Africa.
Near East
Middle East
Far East
Central Asia
Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa Insular Southeast Asia?
Thailand
Pilipinas
Vietnam
Cambodia
Dalawang bansa sa Timog Asya na tinatawag na mga bansang insular dahil nakahiwalay ang mga ito sa kontinente at binubuo ng mga isla.
India at Pakistan
Nepal at Bhutan
Sri Lanka at Maldives
India at Bangladesh
Aling pares ng mga bansa ang matatagpuan sa Silangang Asya?
China at India
Japan at North korea
Israel at Bangladesh
Vietnam at Laos
Anong karagatan ang nagsisilbing hangganan ng Asya sa bahanging timog nito?
Pacific Ocean
Indian Ocean
Arctic Ocean
Atlantic Ocean
Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga bansa ang nasa Kanlurang Asya?
UAE, Bahrain, Cambodia, Oman, South Korea, Malaysia, Maldives
Georgia, Pakistan, Uzbekistan, Syria, Iran, Iraq, Vietnam, Kyrgysztan
Indonesia, Afghanistan, Yemen, Turkey, East Timor, Mongolia, Russia
Jordan, Israel, Cyprus, Lebanon, Kuwait, Georgia, Armenia, Saudi Arabia
Pinaghihiwalay ng kabundukang ito ang Asya at Europa.
Karakoram Range
Tien Shan Mountains
Kabundukan ng Ural
Kabundukan ng Himalayas
Panrehiyong katawagan sa Timog Asya dahil sa katangian ng mga relihiyon at paniniwalang nabuo at nagmula rito.
Monsoon Asia
Soviet Asia
Land of Extremes
Land of Mysticism
Bakit tinaguriang "Little China" at "Farther India" ang Timog-Silangang Asya?
Malaki ang impluwensiya ng China at India sa kultura ng mga bansa rito.
Kahugis ng Timog-Silangang Asya ang China at India ngunit mas maliit ito.
Kawangis ng mga mamamayan ng China at India.
Minsang naging sakop ng China at India ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng pangunahing kaisipan ng Asyasentrikong pananaw sa pag-aaral ng kabihasnan at kasaysayan ng Asya?
Nalinang ang kabihasnang Asya dahil sa kahusayan ng mga Europeo.
Tagatanggap lamang ng maunlad at mayamang kultura ng Europa ang Asya.
Superyor ang kabihasnang nalinang ng mga Europeo kumpara sa mga Asyano.
maunlad na ang kabihasnan ng mga Asyano bago pa dumating ang mga Europeo.
Bakit tinawag ang Hilagang Asya bilang Soviet Asia?
Malamig ang klima dito sa buong taon dahil sa lapit nito sa Arctic Ocean.
Tuyo at mainit ang klima rito kung kaya't nagtataglay ito ng mga disyerto.
Naging bahagi ng dating Union of Soviet Socialist Republics ang mga bansa rito.
Malaki ang impluwensya ng monsoon sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Paano umangkop ang mamamayan ng kanlurang Asya sa tuyong klima ng rehiyon?
Karaniwang naninirahan sila sa mga oasis kung saan may suplay ng tubig.
Nagtatayo sila ng mga kabahayan sa mga kagubatang tropikal ng rehiyon.
Nagpapastol sila sa malalawak na damuhan upang magkaroon ng suplay ng karne.
Nangingibang-bansa ang karamihan ng mga mamamayan dahil sa mainit na klima.
Paano nakatutulong sa pagsulong ng pagkakakilanlang Asyano ang Asyasentrikong pananaw sa pag-aaral ng heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya?
Napapatunayan nitong superyor ang mga Asyano kumpara sa mga Europeo.
Napapahalagahan nito sa kasaysayang Asyano ang pananakop ng mga Europeo sa Asya.
Nabubura nito sa kasaysayang Asyano ang pananakop ng mga Europeo sa Asya.
Nakabubuo ito ng kaisipang mas mayaman at maunlad ang Asya kaysa sa Europa.
