wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

pangangalaga sa likas na yaman

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga ito ang HINDI KABILANG sa mga paraan upang makatulong ang iyong pamilya sa pagbawas ng paggamit ng plastik?

a)

Pagdadala ng ecobag kapag mamimili

b)

Pagdadala ng sariling “tumbler” o lalagyan ng tubig

c)

Paggamit ng plastik na kutsara at tinidor kapag kakain sa labas

d)

Paggamit ng sariling “straw” na gawa sa metal o kawayan kapag bibili ng milktea

2.

Ang mga epekto ng gawaing ito ay pagguho ng lupa, pagbaha at pagkawala ng tirahan ng mga hayop. Anong gawain ito?

a)

Labis na pagpuputol ng mga puno

b)

Paggamit ng dinamita sa pangingisda

c)

Pagbuga ng maitim na usok ng mga sasakyan

3.

Aling bahagi ng ating katawan ang masisira dahil sa paglanghap ng usok mula sa sasakyan at pagsisiga?

a)

Baga (Lungs)

b)

Bato (Kidney)

c)

Tiyan (Stomach)

4.

Habang namamasyal sa isang parke, nakita mo ang isang gripo ng bukas kahit wala namang gumagamit. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hayaan lamang na bukas ito

b)

Maghintay ng “Kuya” o “Ate” na magsasara ng gripo

c)

Isara ang gripo at magpatulong kung hindi ito kayang abutin

5.

Pagkakain mo ng paborito mong kendi, napansin mong walang basurahan sa paligid. Ano ang dapat mong gawin sa balot ng kendi?

a)

Itago muna sa bulsa o kaya sa bag

b)

Itapon nang walang ibang nakakakita

c)

Humanap ng kanal at doon itapon ang balot ng kendi

6.

Batay sa larawan, ano ang HINDI dapat natin gawin sa ating mga basura?

a)

Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok

b)

Pagsamahin ang mga bagay na pwedeng i-recycle

c)

Isama ang balot ng sitsirya at kendi sa lalagyanan ng mga nabubulok

7.

Sino/Sino-sino sa mga mangingisda ang gumagamit ng tamang paraan sa panghuhuli ng isda?

a)
b)
c)
8.

Alin sa mga ito ang (mga) epekto ng HINDI pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan?

a)
b)
c)
9.

Alin sa mga larawang ito ang nagpapakita ng gawaing nakakatulong sa pangangalaga sa kapaligiran?

a)
b)
c)
10.

Piliin ang NT kung ang tinutukoy na gawain ay nakatutulong sa pangangalaga ng likas na yaman at NP naman kung nakapipinsala.


Pagbubuhos ng ginamit na langis sa ilog at dagat.

a)

NT

b)

NP

11.

Piliin ang NT kung ang tinutukoy na gawain ay nakatutulong sa pangangalaga ng likas na yaman at NP naman kung nakapipinsala.


Pagtatanim ng mga puno sa kagubatan

a)

NT

b)

NP

12.

T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali.


Ang mga bata ay walang magagawa sa kalikasan.

a)

T

b)

M

13.

T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali.


Ang malinis na kapaligiran ay mabuti sa ating kalusugan.

a)

T

b)

M

14.

T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali.


Ang paglilinis ng kapaligiran ay nakatutulong na pagandahin ang ating kalikasan.

a)

T

b)

M

15.

Ano ang 3 Rs na tamang proseso ng pagtatapon ng basura?

a)

Reuse, Reproduce, Recycle

b)

Repack, Restore, Recycle

c)

Reuse, Reduce, Recycle

d)

Reuse, Reduce, Resend