NEW
Font size
WorksheetsAraling Panlipunan
Total questions: 20
Worksheet time: 40mins
PILIIN ANG TAMANG SAGOT:
1. Binubuo ito ng pangkat o grupo ng mga taong naninirahan sa isang pook na magkatulad ang kapaligiran at pisikal na kalagayan.
a. bansa
b. komunidad
c. lipunan
2. Maraming tao, pook, pasyalan, naglalakihang gusali, paaralan, ospital at mga tanggapan ng pamahalaan ang makikita rito.
a. Pamayanang Urban
b. Pamayanang Rural
c. Pamayanang Lalawigan
3. Uri ng Komunidad na malayo sa impluwensya ng malalaking lungsod. Kadalasan may anyo sa mga gawaing pang agrikultura gaya ng mga hayop, sakahan, atbp..
a. Pamayanang Urban
b. Pamayanang Rural
4. Dito itinuturo ang Salita ng Dios at pananalangin.
a. Pamilihang Bayan
b. Pook - Libangan
c. Simbahan
5. Dito namimili ang mga tao ng kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan.
a. Pamilihang Bayan
b. Pook- Libangan
c. Pamahalaang Baranggay
6. Isang bahagi ng komunidad na pinamumunuan ng kapitan.
a. Pamahalaang Baranggay
b. Pook- Libangan
c. Health Center
7. Dito nagtutungo ang mga tao upang magsama-sama para maglibang.
a. Pamilihang Bayan
b. Pook- Libangan
c. Health Center
8. Dito pumupunta ang mga tao upang magpagamot o magpakonsulta sa panahon ng karamdaman.
a. Health Center
b. Bahay- Pamahalaan
c. Pamilya
9. Dito hinuhubog ang kaisipan ng mga kabataan at mamamayan upang maging maunlad.
a. Palaruan
b. Paaralan
c. Simbahan
10. Grupo o pangkat ng mga taong naninirahan sa komunidad.
a. Pamilya
b. Health Center
c. Pamilihan
11. Gumagawa ng batas, alituntunin at patakaran para sa kaunlaran ng bawat bumubuo sa komunidad.
a. Pamahalaan
b. Simbahan
c. Paaralan
12. Mataas akong anyong lupa na may butas sa tuktok.
a. Bukal
b. Bundok
c. Pulo
d. Bulkan
13. Pinakamataas na anyong lupa .
a. Bukal
b. Bundok
c. Bulkan
d. Pulo
14. Anyong lupa na napapaligiran ng tubig.
a. Pulo
b. Burol
c. Kapatagan
d. Talampas
15. Marami ang naninirahan sa akin dahil ako ay malawak, pantay at mababang lupa.
a. Kapatagan
b. Lambak
c. Burol
d. Talampas
16. Anyong tubig na maalat at maraming yamang-dagat ang nakukuha sa akin.
a. Dagat
b. Look
c. Lawa
d. Ilog
17. Ako'y tubig na bumabagsak mula sa mataas na lugar dumadaloy.
a. Ilog
b. Sapa
c. Bukal
d. Talon
18. Ako ang pinakamalawak na anyong -tubig.
a. Karagatan
b. Dagat
c. Look
d. Lawa
19. Bahagi ako ng malaking lawa na umaagos o dumadaloy.
a. Dagat
b. Ilog
c. Lawa
d. Sapa
20. Nanggagaling ako sa ilalim ng lupa.
a. Bukal
b. Pulo
c. Bulkan
d. Bundok
