wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Katitikan ng Pulong

Total questions: 20

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang uri ng katitikan na naglalaman lamang ng mga desisyon na naabot at ang mga aksyon na gagawin.

a)

Talakayan na Katitikan

b)

Aksyon na Katitikan

c)

Verbatim na Katitikan

2.

Ito ay istilo sa pagsulat ng Katitikan na maituturing na isang legal na dokumento.

a)

Salaysay na Katitikan

b)

Ulat ng Katitikan

c)

Resolusyon ng Katitikan

3.

Ang haba ng Katitikan ay magiging maikli kung detalyado, komplikado, o malaking usapin ang napag-usapan.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Bahagi ng Katitikan na naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran.

a)

Mga Kalahok

b)

Usaping Napagkasunduan

c)

Pagbalita o Pagtalastas

d)

Heading

5.

Alin sa mga hakbang sa pagsulat ng Katitikan ang tama?

A.) Magpasya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.

B.) Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.

C.) Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang balangkas ng katitikan ng pulong.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

Lahat ay Tama

e)

Lahat ay Mali

6.

Dito itinala kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.

a)

Iskedyul ng Susunod na Pulong

b)

Pagbalita o Pagtalastas

c)

Pagtatapos

d)

Lagda

7.

Alin sa mga hakbang sa pagsulat ng Katitikan ang tama?

A.) Kailangan isulat ang bawat impormasyong maririnig sa pulong.

B.) Dapat itala ang mga mosyon o mga suhestiyon.

C.) Dapat itala kung anong oras natapos ang pulong.

a)

A at B

b)

A lamang

c)

B at C

d)

Lahat ay Tama

e)

A at C

8.

Ito ay isang uri ng Katitikan na talaan ng bawat salitang sinabi sa isang pulong.

a)

Talakayan na Katitikan

b)

Verbatim na Katitikan

c)

Aksyon na Katitikan

9.

Ito ay isang uri ng Katitikan na tinatawag ding “anekdotal na katitikan” na talaan ng mga kasunduan sa talakayan na humahantong sa mga desisyon at aksyon na kinakailangan.

a)

Talakayan na Katitikan

b)

Verbatim na Katitikan

c)

Aksyon na Katitikan

10.

Bahagi ng Katitikan kung saan dito makikita ang nakalipas na katitikan ng pulong at kung napagtibay o may mga pagbabago na isinagawa sa mga ito.

a)

Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong

b)

Usaping napagkasunduan

c)

Pagbalita o Pagtalastas

d)

Mga Kalahok

11.

Ito ay istilo sa pagsulat ng Katitikan na nakasaad lamang ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan.

a)

Ulat ng Katitikan

b)

Resolusyon ng Katitikan

c)

Salaysay ng Katitikan

12.

Bahagi ng Katitikan kung saan dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong at ang pangalan ng mga dumalo kasama ang panauhan.

a)

Heading

b)

Lagda

c)

Mga Kalahok

d)

Iskedyul ng Susunod na Pulong

13.

Alin sa mga pahayag na tungkol sa Kahalagahan ng Katitikan ang totoo?

A.) Nagsisilbi itong plano o layunin para sa mga gagawing aksyon o proyekto.

B.) Nagbibigay ito ng pananagutan para sa mga desisyon.

a)

A

b)

B

c)

Lahat ay totoo

d)

Lahat ay hindi totoo

14.

Ang Katitikan ay dapat organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan.

a)

Mali

b)

Tama

15.

Ang Katitikan ay dapat detalyado, nirepaso, at kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Alin sa mga pahayag na tungkol sa Kahalagahan ng Katitikan ang hindi totoo?

A.) Nakakatulong ito sa pagpapaalala sa mga napag-usapan.

B.) Makakatulong ito sa mga taong hindi nakasali sa pulong.

a)

A

b)

B

c)

Parehong hindi totoo ang mga pahayag

d)

Parehong totoo ang mga pahayag

17.

Ito ay dokumento o sulatin na kung saan nakasaad ang mga mahahalagang pinag-usapan.

a)

Kakikitaan na Pulong

b)

Katitikan ng Pulong

c)

Katitikan na Pangulo

d)

Katitikan na Pulong

18.

Alin sa mga Hakbang sa pagsulat ng Katitikan ang tama?

A.) Huwag kalimutan itala ang pangalan ng komite, uri ng pulong, at ang layunin nito.

B.) Hindi na kailangan basahin muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan.

C.) Ihanda ang katitikan ng pulong para sa pamimigay ng kopya sa mga dumalo at liban.

a)

B at C

b)

A at B

c)

A at C

d)

Lahat ay tama

e)

Lahat ay mali

19.

Bahagi ng Katitikan kung saan makikita ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.

a)

Heading

b)

Mga Kalahok

c)

Lagda

d)

Pagtatapos

20.

Ang haba ng Katitikan ay nakasalalay sa mga napag-usapang desisyon sa loob ng isang pulong.

a)

Mali

b)

Tama