wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Pahayag Na Ginagamit Sa Pagbibigay ng Opinyon

Total questions: 25

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang Opinyon ?

a)

Suhestiyon, sariling saloobin at kaisipan namumuo batay sa mga pangyayari o konseptong naganap, magaganap, at nagaganap

b)

Mga katagang di kapani-paniwala subalit isang katotohanan

c)

Wala sa mga kasagutan naituran

d)

Ang opinyon ay isang paghatol, pananaw, o pahayag na hindi kapani-paniwala, sa halip na mga katotohanan, na mga totoong pahayag.

2.

Likas sa mga tao ang tumulong at umagapay lalo kung makita ang isa na nangangailangan nito, liban na lamang kung makasarili ito. Kaya lubos akong naniniwala at buong igting kong sinusuportahan ang pahayag sapagkat namamalas pa rin ang ganitong gawain hanggang sa kasalukuyan bagaman may ilan pa rin nitong hindi ka-kikitaan.

Anong uri ng pahayag ng opinyon ang makikita sa nasabing pahayag?

a)

Matatag na opinyon

b)

Neutral na opinyon

c)

Alinman sa dalawang matatag at neutral na pagpapahayag ng mga opinyon

d)

Pananaw na pahayag sa opinyon

3.

Ito ay tumutukoy sa pahayag ng opinyon na nagtataglay ng may mapagkakatiwalaang ebidensya, kunkretong mga salita, at mga ideyang nakabatay sa isang masusing pag-aaral

(a)  

4.

Basahin mabuti ang pahayag, at tukuyin kung anong pagpapahayag ng opinyon ang ginamit...

Narito ang sa aking palagay ay tatlong paraan ng mabuting pagpapalaki sa anak

a)

Matatag na pagpapahayag ng opinyon

b)

Neutral na pagpapahayag ng opinyon

5.

Magbigay ng isang halimbawang matatag na pahayag na opinyon patungkol sa pagpapahalaga sa pamilya.

4 lines
6.

Magbigay ng limitasyon sa mga anak kung ano ang maaari at di maaaring gawin. Kailangan ang matinding paninindigan ng magulang sa bagay na ito upang hanggang sa paglaki ay madala ng mga bata ang ganitong kaisipan

a)

Matatag Na Opinyon

b)

Neutral Na Opinyon

c)

Matatag at Neutral na Opinyon

d)

Walang kasagutan

7.

Kumbinsido akong ang mahusay na paggamit ng oras kasama ang mga anak gaya ng simpleng pamamasyal, pagsisimba tuwing Linggo, at maging ang pagkain nang sabay-sabay sa hapag, at maging ang pagpapanatili na may bukas na komunikasyon sa pagitan ng magulang at mga anak ay mahusay na paraan ng pagtatatag ng pundasyon ng mabuting relasyon sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya.

a)

Matatag at Neutral

b)

Neutral

c)

Matatag

d)

Nutral

8.

Buong igting kong sinusuportahan ang kaniyang pagsusuri't pananaw ukol sa bagay na iyan.

"Ang sagot ay deskripsyon lamang ng Pagbibigay ng Opinyon"

Halimbawa: Neutral

(a)  

9.

Ano ang Retorikal na Pang-ugnay?

a)

A

Ang mga retorikal na pang - ugnay ay binubuo ng pangatnig, pang - angkop, at pang - ukol na ginagamit upang ipakita ang kaugnayan ng bawat pangungusap sa isang teksto o akda

b)

B

Mga salitang ginagamit upang pagdugtungin ang isa o higit pang parirala

c)

A at B

d)

Wala sa mga pagpipilian

10.

Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap.

a)

Pangatnig

b)

Pang-angkop

c)

Pang-ukol

d)

Pang-ugnay

11.

Tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.

a)

Pang-angkop

b)

Pangatnig

c)

Pang-ukol

d)

Pang-ugnay

12.

Ang mga pang-ugnay ay mabisang kaparaanan sa pagbibigay ng sariling pananaw o opinyon. Sapagkat maaaring banggitin o ipahayag batay sa sariling damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan, o karanasan ang mga pang-ugnay na ito. Ang ganitong pahayag ay makikilala sa paraan ng pagkakalahad ng nagsasalita o nagsusulat.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Maaari

13.

Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. At ang pang-ugnay na ito ay may dalawang uri, tukuyin kung anong pang-ugnay ito maging ang uri nito.

a)

Pang-angkop:: na, at

b)

Pang-angkop:: na, nang

c)

Pang-ukol:: sa, ng

d)

Pangatnig:: kung gayon, kung alin

e)

Pang-angkop:: na, ng

14.

Sa halip na ang pairalin ay ang kasaganaang-gaan ng buhay, bakit 'di ninyo buksan, mga paningin ninyong mga puso, sa mga kapos-palad at nagdarahop na mga mamamayang nasasalat, at iukol ang bahagi ng inyong mga salapi sa kanilang mga palad?

a)

Pang-ukol

b)

Pangatnig

c)

Pang-angkop

d)

Alinman sa tatlo ang kasagutan

e)

Tatlong pang-ugnay ang maaaring maging sagot

15.

Ang sakim na tao ay walang kapayapaang madarama sa buhay.

(a)  

16.

Ang sakim na tao ay walang kapayapaang madarama sa buhay.

Tukuyin ang ginamit na pang-ugnay

a)

ang, ay

b)

sakim, walang

c)

madarama

d)

na, ng

17.

Kahit mataas ang kanyang katungkulan ay nananatiling mababa ang aming punong ministro

a)

Pangatnig

b)

Pang-angkop

c)

Pang-ukol

d)

pang-angkop at pangatnig

e)

walang kasagutan

18.

Laban sa Diyos ang anumang uri ng kasalanan

a)

1. laban sa:: pang-ukol

b)

2. ang:: pangatnig

c)

3. anumang:: pang-angkop

d)

4. ng:: pang-angkop

e)

1. at 4.

19.

Palibhasa'y may takot sa Diyos kaya't agad na humingi ng tawad ang binatang nagkasala

a)

sa:: pang-ukol

b)

na, ng:: pang-angkop

c)

palibhasa, kaya:: pangatnig

d)

may:: pangatnig,

ang:: pang-ukol

20.

Tinalakay namin ang kasalanan tungkol sa kanya

a)

sa:: pangatnig

b)

ang:: pang-ukol

c)

tungkol:: pang-ukol

d)

tungkol sa:: pang-ukol

e)

wala sa mga pagpipilian

21.

Mga mamamayang may ginintuang puso

tukuyin ang ginamit na pang-ugnay at sagutin sa ganitong kaparaanan;

"may:: pang-ugnay"

(a)  

22.

maliban sa

a)

Pang-ukol

b)

Pang-angkop

c)

Pangatnig

d)

Pang-ugnay

23.

Palibhasa, dulot ng makapanilaw-ganda ng mapang-akit na kapangyarihan sa trono ng haring may tanikalang kaakibat ng nasa korona, kasakima'y naibubunga sa makasariling taka ng hidhid na budhi ng tao.

Ano ang mas kapansin-pansin na pang-ugnay na ginamit sa tekstong binasa?

a)

Pang-ukol

b)

Pangatnig

c)

Pang-angkop

24.

sa halip na

a)

Pangatnig

b)

Pang-ukol

c)

Pananaw

d)

Pang-ugnay

e)

Pang-angkop

25.

Kundi rin lang ikaw ang dahilan bilang kaagapay ng mga anak-dalita, anupa't iyong inalis, isang kristal na bola sa timbangan ng dalawang kawali, iyo nawang matagpuan, bugtong na sayo'y magbibigay ng mga palaisipang kailanma'y iyong 'di nanaising kamtan.

tukuyin ang mas kapansin-pansin na uri ng pang-ugnay sa binasa at tukuyin rin kung ano ang salitang ginamit dito bilang pang-ugnay

halimbawa: "ang:: pang-ugnay"

(a)