wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ang Manwal

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod ang naglalahad ng tamang paggamit ng

instruction manual o owner’s manual?

a)

Ito ay mga gamit sa bahay tulad ng mga appliances, kasangkapan,

mga gadget at iba pang elektronikong equipment na nangangailangan

ng paggabay

b)

Ito ay mga gamit sa komunidad tulad ng mga kagamitang

imprastraktura sa mga gusali.

c)

Ito ay mga gamit sa loob ng laboratoryo tulad ng gawaang pangmedisina na di nakikita sa publiko.

d)

Ito ay mga gamit pampribado tulad ng mga kagamitang teknikal sa

ginagamit lamang sa negosyo.

2.

Makikita sa bahaging ito ang mga kalakip na impormasyon hinggil

sa manwal gaya ng impormasyon sa paraan ng paggamit at iba

pang tala.

a)

Apendise

b)

Pambungad

c)

Pamagat

d)

Nilalaman

3.

Mababasa sa bahaging ito ang mga pamamaraan at gabay sa

paggamit ng manwal.

a)

Talaan ng Nilalaman

b)

Pamagat

c)

Apendise

d)

Nilalaman

4.

Bakit kinakailangan na magkaroon ng isang employees’ manual o

handbook? Kailangan ito upang

a)

makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin at iba pang

prosesong mahalaga sa kompanya

b)

makapaglahad ng mga gawaing tutugma sa kakayahan ng isang

empleyado.

c)

maipakita ang kabuuang balangkas ng isang organisasyon at ang

tunguhin nito.

d)

makalikha ng mga batas na dapat sundin sa loob ng isang

organisasyon

5.

Nakatala sa bahaging ito ang sistematikong pagkakahati-hati ng mga

paksa sa inaasahang nilalaman ng manwal at angkop na pahina kung

saan ito matatagpuan.

a)

Pamagat

b)

Apendise

c)

Talaan ng Nilalaman

d)

Pambungad

6.

Isang uri ng babasahing naglalahad ng iba’t ibang impormasyon

sa paraan ng paggamit gayundin ang proseso at iba pang detalye.

a)

Manwal

b)

Liham-Pangnegosyo

c)

Pormal na Pormularyo

d)

Handbook

7.

Pagbibigay ideya sa mambabasa sa panimulang pagsipat o pagtingin

sa nilalaman ng isang manwal.

a)

Pamagat

b)

Handbook

c)

Talaan ng nilalaman

d)

Apendise

8.

Sa pagsulat ng manwal, alin sa sumusunod ang tamang

pagkakasunod-sunod batay sa maayos na pagkakalathala nito

1. Baguhin ang manwal kung ito ay may mga mali o

nakalilitong instruksyon.

2. Gumawa ng isang script o balangkas.

3. Magpasya sa naaangkop na disenyo para sa manwal.

4. Tukuyin ang layunin ng manwal sa pamamagitan ng

paggamit ng sino, ano, kailan, saan, bakit, at paano.

a)

4,3,2,1

b)

1,2,3,4

c)

1,4,3.2

d)

2,1,3,4

9.

Makikita sa huling bahagi ng manwal na naglalaman ng iba pang

impormasyon.

a)

Bibliograpiya

b)

Apendise

c)

Handbook

d)

Talaan ng Nilalaman

10.

Uri ng wika na gagamitin sa pagbuo ng isang maayos na manwal

a)

Impormal

b)

Pormal

c)

Kolokyal

d)

Balbal

11.

Sa paglalarawan sa nilalaman ng isang mahusay na manwal ito ay

naglalaman ng sistematikong ______________.

a)

Alituntunin

b)

Tuwirang Pahayag

c)

Deskripsyon

d)

Limitadong impormasyon

12.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pangunahing

tungkulin ng isang maayos na manwal?

a)

Sa pagsulat ng manwal, mahalagang panatilihin ang pagiging payak

sa kung para kanino ang manwal.

b)

Sa pagsulat ng manwal, kinakailangang nakaayos ang mga salitang

teknikal batay sa maayos na pagpapakahulugan.

c)

Ang isang manwal ay binubuo ng isang tuwirang instruksyon na

naglalaman ng mga kinakailangang gawin ng isang mambabasa.

d)

Ang isang manwal ay may maayos na paglalatag ng mga panuto na

naglalaman ng higit sa sampung (10) impormasyon.

13.

Bakit kinakailangang panatilihin ang pagiging payak sa

pagkakabuo ng isang manwal? Kailangan ito upang

a)

maiwasan ang kalituhan sa mambabasa.

b)

mabilis na mabasa at maisagawa ang kinakailangang instruksyon.

c)

mabigyang lagom ang pag-unawa sa dapat at hindi dapat gawin sa

isinasaad ng manwal.

d)

maipabatid ang kaisipang nais gawin ng mambabasa.

14.

Ano ang tungkulin ng pangunahing paksang tinatalakay sa loob ng

manwal? Tungkulin nitong mabigyan ng

a)

halaga ang nilalaman ng manwal

b)

pangunahing persepsyon ang mambabasa

c)

angkop na instruksyon ang panimula ng manwal

d)

sapat na kahalagahan ang paggamit ng manwal

15.

Ang pamagat ng isang manwal ay kalimitang binubuo ng ______.

a)

Paglilinaw tungkol saan at nilalaman nito.

b)

Pagpapabatid kung ano ang kaukulang gamit.

c)

Pagpapakilala sa nais na rekomendasyon.

d)

Paglilinaw tungkol sa mga gagawin ng isang bagay.